Mark's POV
Nagulantang kaming lahat ng makarinig ng isang malakas na pitik na parang kasing lakas ng hampas ng latigo. Tumingin kami sa paligid pero wala naman kaming nakitang nilalang o kahit ano na maaring maglikha ng ingay.
Hindi maganda ito. May naglikha ng ingay at tiyak akong nabulabog ang mga Fast Piranhas. Kaya ihanda ninyo ang mga sarili ninyo. Pagkasabi na pagksabi ni Cedric ng mga katagang iyon ay agad na lumabas ang mga piranhas at luminga linga sa paligid. Nakita kami ng mga ito at kita ko ang galit sa kanilang mata.
Dito ka lang sa tabi ko Mako. Wag kang hihiwalay sa akin. Sabi ko kay Anne.
Wag kang mag alala Mako. Kaya ko ang sarili ko. Tugon nya sa akin.
Hayan na sila! Bigla kong nakita na mabilis na mabilis sila lumipad at pumunta sa direksyon namin na nakahanda ang matutulis na ngipin ng mga ito. Sa bilis nila ay muntik na kaming di makailag.
Ang bibilis talaga nila. Kailangan na natin silang mapuksa agad. Spectrum of Light! Nagpakawala naman si Mako ng malakas ng ray pero nakailag agad sila ng sobrang bilis at biglang pumunta ulit sa direksyon namin. Nakailag naman din kami kaagad.
Hindi maganda ito. Masyado silang mabilis. Di natin sila maatake ng direkta. Sabi ni Cedric.
Huwag kang pakasiguro Cedric. Aqua Jet! Tumira agad ako ng water energy pero kagaya ng una ay mabilis silang nakailag at pumunta sila ng ubod bilis ulit.
Mako tabi! Narandaman ko na tinulak ako ni Anne upang makailag sa mga fast piranhas. Akalain mong di ko namalayan na di ako agad nakailag dahil sa bilis nila.
Salamat ng marami Mako. Thank you for saving me. Pasasalamat ko kay Anne.
Walang maghihiwa hiwalay dahil yun ang gusto nilang mangyari sa atin kaya lets stay together! Matatag na sabi ni Cedric kaya kami ay naglapit lapit at patuloy pa rin kaming pinalilibutan ng mga fast piranhas. Hinihintay ko na lang ang susunod nilang gagawin.
Biglang kumilos ang ilan sa kanila ng ubod bilis at papunta ito sa direksyon ni Cedric.
Digital Room! Gumawa si Cedric ng malaking shield na sakop lahat kami at nabangga lamang ang mga ito sa pananggalang. Halatang nagalit ang mga ito hanggang sa patuloy na silang lahat na sumugod sa shield.
Kailangan na nating makaisip ng paraan kung paano natin sila matatalo. Hindi ko kayang patagalin ang digital room ng buong lakas. Nanghihina na sabi ni Cedric na patuloy na pinatatatag ang pananggalang.
May naisip na akong paraan. Sinabi ko sa kanilang dalawa ang aking balak gayundin kung ano ang dapat gawin ng bawat isa. Hindi man ako sigurado kung magtatagumpay itong iniisip ko pero mabuti na ang sumubok kaysa sa walang gawin.
Handa na ba kayo? Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango naman ang mga ito. Tinanggal na ni Cedric ang digital room kaya mabilis silang lumapit sa amin. Si Cedric naman ay agad na umalis dahil kasama ito sa plano namin.
Mako ngayon na! Malakas kong sabi.
Masilaw kayo sa aking liwanag! Ray of Crystal Light! Nagpakawala si Anne ng light energy wave na nagpasilaw sa mga ito kaya natigilan sila sa kanilang pagatake. Ngayon ako naman ang gagawa ng susunod na hakbang.
Tidal Wave! Ginamit ko ang tubig sa Slow River upang maitulak ko sila gamit ang aking makapangyarihang alon. Hindi naman sila nakaiwas dahil sa laki ng alon at dahil sa natamo nila sa liwanag kanina.
Samantala si Cedric naman ay nakaabang sa direksyon kung saan itinulak ko ang piranhas. At dito na gagampanin ni Cedric ang huling hakbang upang matalo na ang mga ito.
Digital Web! Nasalo ng digital web lahat ng mga fast piranhas kaya naman ay nakahinga kami ng maluwag. Sa wakas ay nahuli na rin namin ang mga ito.
Ano na ang gagawin natin sa kanila Mark? Tanong sa akin ni Cedric habang hawak hawak ang digital web kung saan nakakulong ang mga kumakawag ng mga piranhas.
Hindi natin sila papatayin bagkus ay gagamit na lang ako ng water spell upang makalimutan nila ang lahat ng naganap dito. Napanood ko ito dati sa isang movie na may kakayahang makapagbura ng alaala dahil sa linis na taglay ng tubig kaya ito ang aking gagamitin pagkatapos ay agad na natin silang ibabalik sa kanilang tirahan. Pasya ko. Hindi naman na umangal sina Cedric at ang pinakamamahal ko.
Removio Memoria
Pagkatapos mabura ang mga alaala ay agad na namin silang ibinaba sa ilog at kaagad na umalis dahil maaring baka magamabala na namin ang mga fast piranhas.
Someone's POV
Mahusay ang kanilang pinakita. Pinatunayan nila na mayroon silang kakayahan at katapangan upang harapin ang kahit anong hamon. Mukhang tama si Fairy Clue, di nagkamali si Master Riddle sa paghirang sa kanila bilang tagapangalaga ng mga kuwintas ng anim na elemento.
Alam ko ang mga kuwintas ng anim na elemento dahil ang isa sa mga ito ay kilalang kilala ko. Sya ang tangi kong matalik na kaibigan.
Kaya lang wala na sya. Ang huli naming pagkakausap ay nung kinausap nya ako sa aking panaginip.
Flashback:
Malalim ang gabi noon ay narinig ko ang boses ng aking kaibigan habang umiihip ng kakaiba ang hangin sa paligid.
Kaibigan, nais ko lamang na magpaalam sa iyo. Mukhang hindi na kita mabibisita ulit. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon upang makausap ka. Maugong na sabi nito.
Hindi kita maunawaan. Bakit ka nagsasalita ng ganyan?? Kinakabahan kong sabi.
Mabuti na ang sigurado. Mukhang hindi ko na kaya. Mag iingat ka lagi. Paalam aking kaibigan. Huling kataga niya bago nawala ang malakas na ihip ng hangin.
Sandali! Anong ibig mong sabihin?! Sigaw ko ngunit wala nang sumasagot. Pakiramdam ko nasa panganib sya at ang mga kasama niya pero hindi ko alam kung anong klaseng panganib.
Matagal akong naghintay sa kanyang pagbabalik pero wala pa ring nangyari. Gusto ko man syang hanapin pero wala akong ideya kung saan lupalop sila ng mundo siya pupuntahan.
Tapos isang araw naramdaman ko na lang ang presesnya ng kanyang kaibigan. Parang naramdaman ko ang kapangyarihan. Na parang isinasamo ako nito na humihingi ng tulong. Agad naman akong rumesponde at sinuot ang aking mahiwagang pulseras at pumunta sa kinaroroonan ng enerhiyang nagparamdam sa akin.
Pero paglitaw ko roon ay nagulat ako dahil iba na ang mga may suot nito. Lalong nagtaka sya dahil iba ang wangis nila kaysa sa mga nakatira rito sa Riddle World. Naisip nya tuloy na wag nang itong tulungan pero may kung anong kapangyarihan ang nagpaparamdam sa kanya na para bang sinasabing tulungan ang mga mortal.
Kaya labag man sa kanyang kalooban pero alang alang sa pakiusap ng kapangyarihan ng kanyang kaibigan ay agad akong pumunta sa Eternitree at kumuha ng bunga mula sa Eternitree at hinati ito upang makuha ang katas at ipiniga ko ito sa lasong gamit ko upang matalo ko ang halimaw na umaatake sa kanila ngayon. Alam ko na mula sa isang sumpa ang halimaw na iyon dahil na rin sa kakayahan ng aking pulseras na ibigay nito ang kakayahan at uri ng nilalang ang bawat kalaban nito.
Pagkatapos nun ay pinuntahan ko na sila at nagapi ko nang walang kahirap hirap ang halimaw.
Hindi rin naging maayos ang pakikitungo ko sa kanila nung una dahil sa hindi ko sila kilala at parang hindi naman sila karapat dapat sa kuwintas. Pero mukhang napatunayan naman nila na may ibubuga sila kahit papaano at alam nilang gamitin ang mga kapangharihan nila.
Pero hindi pa rin mawala sa isip ko. Ano kayang nangyari sa kanya? Ano kaya ang nangyari sa kanilang lahat?

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...