KABANATA 11: TUNAY NA PAMILYA

125 6 0
                                    

[ Narrator's (POV) ]

*Dahil sa tulong na rin ni Christina ay tuluyan ng nakapag-usap sina CJ at Jude patungkol sa kanilang nakaraan at tuluyan na ring tinapos ni Jude ang kung ano mang relasyon na mayroon sila ni CJ sa kanyang nakaraan. Alam ni CJ na masakit ang naging pasya at desisyon ni Jude pero kailangan niyang tanggapin iyon.*

-------------------------------------------

[ Jude Paolo (POV) ]

*Mag-aalas siete na ng umaga ng magising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Pagkagising ko ay agad na dumampi ng halik sa aking mga labi si Seth.*

"Kumusta tulog ng babe ko?" nakangiting tanong niya sakin.

"Ito babe okay lang naman. Ikaw bah?" tanong ko naman sa kanya sabay ngiti.

"Okay na okay babe lalo na at kasama kita ngayon." sagot naman nito sakin.

"Siya nga pala babe sorry sa nangyari kagabi huh... kungg.." akmang magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na at sumagot.

"Babe pareho nating ginusto ang nangyaring iyon. Nadala tayo sa init ng naramdaman natin na iyon at walang dapat sisihin sa mga nangyari at isa pa okay lang yun at least ikaw naman ang first time ko." sabay ngiti ko sa kanya na nangaakit.

"Kaw talaga babe puro ka biro." sagot naman nito sabay halik ulit sa labi ko.

"Siya babe mauna na akong bumangon at maghahanda pa ako ng makakain natin." pagpapaalam nito sakin.

"Sipag naman ng babe ko. Sige babe magpapahinga na muna ako dito." sabi ko naman sa kanya.

*At tumayo na nga si Seth. Halata pa ang nakaumbok na harapan nito na halatang nang-aakit na naman pero hindi ako dapat na magpadala ng tukso na ito. Nang makababa si Seth ay agad ulit akong bumalik sa aking pagkakahiga.*

[ Seth (POV) ]

*Pababa ng ako ng makita ko si CJ sa sala na nakaupo at nanunuod ng television. Lalapitan ko sana kaso parang malalim ang kanyang iniisip alam ko na patungkol na naman kay JP ang iniisip nito. Humakbang na ako papunta sa kusina ng tawagin niya ako.*

"Tol, pwede bah kitang makausap?" patanong na tawag niya sakin at agad naman akong limingon sa kinaroroonan niya.

"Ohh para saan tol?" sagot ko naman sa kanya.

"Tol, mahal mo bah talaga si JP?" tanong nito sakin.

"Oo naman tol. Mahal na mahal. Bakit pala?" tanong ko naman sa kanya halatang may sasabihin pa sana siya pero hindi niya na tinuloy at sumagot nalang.

"Ahhh mabuti naman kung ganun." sagot nito sakin at tumalikod at umupo ulit sa dating kinauupuan.

*Humakbang na ako papunta ng kusina at minabuting magluto na para naman makapag-agahan na kami ni JP. Habang nagluluto ako ng agahan siya namang pagdating ni Ate mula sa kanyang maagang paglalakad. KInaugalian niya na kasi na maglakad-lakad sa hardin tuwing umaga kapag andito siya.*

"Ohh sarap ng niluluto mo ahh.." puri niya sakin sabay lapit habang hawak hawak pa ang isang baso ng malamig na tubig.

"Oo naman te. Para to sa mahal ko ehh." sagot ko naman sa kanya na nakangiti.

"Wow naman. Inspire na inspire ang bunso ko ahh." ulit na puri nito sakin.

"Siya nga pala, uuwi ako bukas sa lungsod kasi marami pa akong aasikasuhin sa paaralan. Baka gusto mo sumama at pati si JP ng mapakilala mo na ulit sa tunay niyang mga magulang." saad ni ate sa aking habang nagluluto parin ako.

"Gusto ko sana te pero hindi pa ako nakakapag-paalam kay Nanay Rosa." sagot ko naman sa kanya.

"E di magpaalam ka." sagot niya naman sakin.

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon