I Wish..

48 2 0
                                    

dedication — Vanessa Candelaria ♥

---

I wish..

arlitz.

Natatandaan ko pa.. yung araw na naging tayo. Kahit di pa tayo masyadong magkakilala, naging tayo na agad. Kung'di ako nagkakamale, 2nd week nung pasukan naging tayo. Oo, masyado tayong nagmadale kase hindi muna naten kinilala at isa't isa. Male ako kase niligawan kita agad. Ikaw kase eh, nagbigay ka agad ng motibo. Haha. Pero ako talaga ang mali. Di ako nag-isip ng mabuti.

Kaya ayun, nag-break agad tayo. Aminin ko man o hindi, masaket. Kase ni-hindi mo manlang sinabe saken na wala na tayo. Sa mga kaibigan mo pa talaga ko nalaman. Kasalanan ko din naman eh. Wala akong time sa 'yo. Eh kase nga.. Nato-torpe ako! Hindi kase ako nagkaroon ng time para maging ka-close pa kita. Pero alam mo ba? Ang saya ko nung gabing naging tayo. Sobrang saya ko! Hahaha. June 15, 2012? If I'm not mistaken? Yung one and a half month na naging tayo, ituturing ko yun na isa sa masasayang araw ko sa Banahaw Institute at pagiging High School ko.

Wala nang nangyare sa 'ten pagkatapos nung break up na yun. Wala lang, parang.. strangers. Walang pansinan, walang imikan as in wala! HAHAHAHA. Sakit sa puso't balunbalunan ko. XD Oo nagkaron ako ng ibang girlfriend, pero hindi ako naging masaya. Nawala na sa utak ko yung salitang seryoso nung hindi na ikaw ang girlfriend ko. Nung naging kayo ni Renzo, inaamin ko. Nagseselos ako! Pate nung naging kayo ni Renz. Grabe ang hilig mo sa 'R' -.- Ako din naman may 'R' ah? Literal nga lang XD Yung first at second letter sa name ko (Ar)

Nung 13th birthday mo, hindi ko makakalimutan yon. (baka ikaw limot mo na -.-) Diba nandun tayo sa inyo. May lobo pa nga eh XD Parang bata! Haha. Tapos, Nag "spin the bottle" tayo. Tapos nung sa 'yo tumapat tinanong ka nila nang "sino mas minahal mo, kung ako o si Renz" ang sabe mo si "Ar!" pero ang pagkakaintindi namen si Renz kase nagi-start sya sa letter R. Kaya masakit para saken yun. Pero may sinabe ka na nagpasaya saken. "Hindi nagsisimula sa R! Ar, as in AR!" Hindi man yan yung eksaktong sinabe mo, well atleast natandaan ko. Hahaha. Kaya umuwi akong masaya non.

Tapos..

Naalala mo pa nung nag-adventure tayo sa Majayjay? Sa Villa Pokang dapat punta naten nun pero sa Carayan Resort naten mas pinile. Hahaha. Birthday ni Jessarine nun eh. Ang lalakas ng loob naten mag-plano, mga wala namang pera! Haha. :D Hindi ko makakalimutan yung first picture naten together. Mga jejemon pa tayo nun eh. You know.. shades, jeje pose, etc. Tapos pag-uwi naten mga wala na tayong pera! Kaya no choice kundi naglakad tayo. Haha.

At nung second year tayo, nag-transfer ka sa ibang school. Wow! As in WOW! Ang saya lang. (put sarcasm here) -.-" Nagkikita pa naman tayo minsan kapag tumatambay kame ng Rightside sa plaza pero parang wala lang. Mukhang masaya kana sa mga bago mong kaibigan. Hindi bakas sa mukha mo na malungkot ka. Lagi ka kasing nakangiti kapag nakikita kita. Minsan tinatanong ako nila Kyle o ni Ronald kung may feelings pa 'ko para sa'yo. Pinipilit kong sabihing wala kase nahihiya ako sa kanila. Kahit meron pa 'kong feelings sayo. Aasarin kase nila ako eh -.- Pate nalaman ko na may crush pala sayo si Kyle. Pinipilit kong itago yung kalungkutan ko sa pamamagitan ng pagtawa lage kasama sila.. Ang Rightside. Sila ang naging sandalan ko sa mga panahong nalulungkot ako. Oo puro ka'hambugan ang alam namen, pero wala kaming magagawa.. yun kame eh. At tanggap naman nung iba kung ano kame. Atleast alam namen sa mga sarili namen na wala kameng tinatapakan na tao.

Bago mag'bakasyon, may natanggap akong balita na magta-transfer ka daw ulit sa BI. Hindi ko nalang pinapansin yun. Sinasabe ko nalang sa kanila "Eh ano? Edi bumalik sya! Wala akong pakealam. At para san pa't babalik pa sya dito?" pero sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng konting saya. Nagkaroon ulit ako ng pag-asa. Kahit konti, pinanghawakan ko yung pag-asang yun.

At ngayong 3rd year na tayo, totoo nga! Nagbalik ka nga. Ang laki na ng pagbabago sa itsura mo. Gumanda ka lalo, pumuti, yung dimple mo kaakit-akit padin, basta ang daming nagbago sayo. Pero nandun pa din yung ugaling mong nagustuhan ko. Yung pagiging totoo mo sa ugali mo. Hindi ka kase nahihiya kahit may nakakarinig sayo na nagmumura ka. Pero kasabay ng pagbabalik mo ay yung balitang may boyfriend kana. Oo, wala akong karapatang magselos. Pero syempre, maaalis mo ba sakin yun? Masakit kase hanggang ngayon.. Mahal pa kita. Pero nagalit talaga ako nung nagpabutas ka sa dila. Di ko akalaing magpapaganun ka. Kaya pinilit kitang tanggalin yung hikaw mo sa dila. Well, ang sagwa tingnan :3

Lumipas ang mga araw, sinusubukan kong mapalapit sayo. Pero pinangungunahan ako ng kaba at takot na mapahiya. May connections naman tayo like facebook o through text messages. Pero diko maiwasang magselos kapag hina-hashtag mo sya.. yung boyfriend mo.

When I see you with him

Slow dancing~

Naiinis ako sa sarili ko kase napakaseloso ko! Possessive! At ang pinakakinaiinisan ko ay 'tong puso ko. Na kahit gaano na kadaming sakit na nakuha mula sayo, hindi ko parin maiwasang umasa.

Naiinis din ako kapag may ibang lalaking kumakausap sayo. Tapos kapag nakikita kong masaya ka sa lalaking yun, parang gusto ko syang gilitan ng leeg.

'Buti pa sila nakakalapit ng normal sa kanya. Bat kase napaka-torpe ko? Bat kase ang hirap nya i-approach? Tch.' sa isip'isip ko.

Kada tutulog ako lagi kong naiisip na 'ano kayang ginagawa nila pag magkasama sila' 'magka-holding hands ba sila habang naglalakad' 'nag-kiss na ba sila?' 'pinagtatanggol ba sya nung boyfriend nya pag may nang-aapi o nambabastos sa kanya'.

Whenever you, kissin'

I'm breakin' ~

Hayy, ang swerte siguro nung lalaking yun. Ang swerte nya siguro sa 'yo. Kung tayo parin sana haggang ngayon, ako sana nagawa nung mga yun sayo.

Oh how I wish that was me..

Pero tandaan mo, hindi man natin maibalik yung dating tayo, ikaw parin ang first at greatest love ko.. I love you Vanessa Candelaria <3

(Now playing. I Wish by One Direction)

..oh how I wish that was me..

---

"Mr. Arlito Ariola! Stop daydreaming in my class! GET OUT!"

=__________=" OKAY! Demonyita! Nag-eemote eh..

-The End.

Thankyou Guys :)))

Ps. the story is all about my first love — Vanessa Candelaria & our love story. At hanggang ngayon eh, mahal ko pa rin. HAHAHAHA :D Thankyou again guise :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Wish..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon