:)

31 1 0
                                    

Matagal tagal na akong naghihintay

Kung saan-saan ng lugar ang binaubay.

Marami na ang nangyari sa aking buhay.

Ngunit kailan man hindi naging makulay.

Tumatakbo ako sa makipot na daan.

Akala mo'y kasali sa paligsahan.

Hindi alintana pawisang katawan,

Matukoy lang ang patungong sa'yong daan.

Sa oras nais kong ikaw ang kasama,

Ang laging dumarating ay panay iba.

Tiwala sa tao ay nawala bigla.

Na maging pisngi at ngiti'y nagmaskara.

Daloy aking luha, kahit di mo pansin.

Di mo naramdaman totoong damdamin.

Tumalikod ka, di na muling tumingin.

Wala ka na dito sa aking paningin.

Sumigaw ako ngunit di mo narinig.

Nasaan ka at ano ang iyong ibig?

Mga tanong na lumabas sa'king bibig.

Kasabay ng naramdamang ibang lamig.

Marami na akong ginugol na oras,

Sa paghahanap araw na nakalipas.

Alaalang parang tubig na lagaslas.

Parang mantsa unti-unting kumukupas.

Alaalang nakalipas ay nabura.

Mga hinanakit ay unting nawala.

Malinaw na sa isip at naunawa.

Ang kalungkutan napalitan ng saya.

Ngayon paghahanap ay may kasagutan.

Ang nakalipas di na mababalikan.

Mga nangyari mayroong kahulugan.

At ito ay aking gagawing sandalan.

PAGHAHANAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon