Chapter 4: Saying Hello

29 2 0
                                    

[James POV]

Hello, I'm James Kent Dela Paz. Galing akong Illinois, New York. Isa akong Fil-Am. Ang tatay ko ay si Mr. MJ Dela Paz at ang Nanay ko ay si Mrs. Kate Trettin Dela Paz. Si Mommy ang Amerikana kaya Fil-Am ako. Umuwi kami dito sa Manila for Bussiness Arrangement nila Mom and Dad. Kasabay nito, nagaaral pa rin ako ng course na Accountacy, Bussiness And Management. At inilipat nga nila ako sa Hunburg University, kung saan may isang babae akong nakilala.

Siya si Mikhyla San Juan. Tinutukso siya ng mga classmate namin at alam kong nasasaktan siya. Halata naman sa maganda niyang mata. Kahit mataba siya, ang ganda niya pa rin at ang lakas ng apeal niya. Teka teka .....

Speaking of Mikhyla, habang papunta ako sa Rest Room para magpalit ng basketball uniform, nakita ko siya, mukhang papunta sa Gym. Tadhana nga naman oh, pupunta rin ako dun. Sakto, makakapagpakilala na ako. Bilisan ko na nga magpalit.

5:15 P.M.

Medyo matagal ang pagpapapogi ko ah. Pogi nga ba?

Teka, nandun pa siya. Makalapit na nga. Ang tanging naririnig ko lang sa utak ko eh, *Kaya mo yan JK*

"Hi, ako nga pala si James Kent" sabi ko kay Mikhyla.

Ang ganda niya talaga. Grabe.

"H-i, Aa-ko-o na-ama-n ss-si Mikhyla" nauutal utal na pagkakasabi niya,

"Oo, kilala na kita. Magkaklase tayo di ba?" - Ako

"Ah-h Oo. Ni-ice mee-eting y-ou James Kent?" Bilang tugon yan ang sabi niya.

"Nice meeting you too Mikhyla" sagot ko naman.

"Kahit MK nalang itawag mo sa akin"

Nice, mapakilig nga to. Sana kiligin,

"As you wish Princess of a King and Queen. James Kent Dela Paz ang buo kong pangalan, pero pwede mo na rin akong tawaging JK" sabe ko, banat di ba?

"Ahh. Ok, sabi mo eh" pasimpleng ngiti ni Mikhyla halatang kinilig siya.

Biglang may dumating na kasama yata ni Mikhyla, nagmamadali yata pero..

"Girl, halika na alis na ..... Ay Excuse me, di mo ba ako ipapakilala dyan sa Gwapo mong kasama?" ang sabi ng kaibigan ni Mikhyla na beki.

"Ay Oo nga pala, JK meet Henry, Bestfriend ko siya. And Henry meet JK ang new classmate ko." Ipinakilala ako ni Mikhyla sa kaibigan niya.

Inabot ko ang kamay ko kay Henry.

"Nice meeting you" Sabay ngit ko sa kanya.

"Nice meeting you too. O siya, una na kami ah. Malayo pa kasi bahay namin eh. Bye!" - Henry

"Ah, sige. MagtaTryout na rin ako. Mag-ingat kayo! Bye MK", ang sagot ko sa kaibigan niya.

6:30 P.M.

Sa wakas nakaUwi rin. Pagod Grabe. Pero di napapawi pagod ko kapag naaalala ko si Mikhyla. May facebook kaya yun?

Itutuloy.......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

93 Days To LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon