PART1

97 0 4
                                    

A/N: sensya na ma'am kung maikli lang to. wala na po kasi talaga akong maisip. hehe. tsaka short story lang naman po diba?

-------

naranasan mo na ba magmahal ng BESTFRIEND? pero hindi pwede maging kayo. dahil alam niyo na baka magkalamat na ang inyong pagkakaibigan.

Ang kwentong ito ay patungkol sa amin dalawa ng bestfriend ko.. Hindi man maging kami, masasabi kong siya ang aking FIRST LOVE.. At masaya ako sa kung anong meron sa amin ngayon.

Simula Elementary magkaklase na kami ni John, hindi pa kami masyado naging Close noon. Pagdating namin ng Grade6 dun palang kami naging close onti dahil doon palang kami unti unti nagkakamuang sa mundo.

HIGHSCHOOL:

1st year High School kami noong naging magkaklase kami, naging sobrang close kami. Kami kami ng Bestfriend ko lagi magkakasama, nadagdagan kami ni Anne dahil na rin sa naging kaklase namin si John.

Makalipas ang 2 taon.....

4th Year High School magkasama ulit kami, dito na nagsimula na mas lalong mahulog ang loob ko sakaniya. Hanggang sa nagka nobya ulit siya gusto ko pa rin ito, pero pakiramdam ko noon inaagaw siya sa akin ng nobya niya. Kasi hindi na siya sumasama sa amin magkakaibigan dahil lang lagi niya kasama ang nobya niya. Nagkatampuhan kaming dalawa dahil iniiwasan ko siya simla noong naging sila ng nobya niya. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa nobya niya. Siguro dahil nakuha niya ang buong atensyon ni John.

hanggang sa dumating ang Intrams namin. Naglalaro ako ng Basketball sa dati namin pinapasukan, nahirapan ako huminga kaya kinailangan ako dalhin sa Clinic. Kasama ko ang isa ko pang Bestfriend na si Aries, siya ang nandoon sa Clinic. Umaasa akong pupuntahan ako ni John ngunit hindi niya ako pinuntahan, naunahan ako ng emosyon ko kaya mas lalong lumalim ang tampo ko sakaniya.

Bumalik ako sa designated room namin nakita ko siya doon na kasama ang kaniyang nobya. Nasaktan ako noon dahil pakiramdam ko parang mas mahalaga pa sakaniya ang nobya niya kesa sa sarili niyang Bestfriend.

Christmas Party na namin nang magkaayos kami ni John. Siya ang ka exchange gift ko at naiyak ako noong niyakap niya ako nung kainan na namin dahil sa loob nung regalo ko may sulat dun at dun ko nilagay lahat ng sama ng loob ko sakaniya at gusto ko sabihin. Pagkatapos noon naging maayos kami.

Summer nang malaman kong wala na sila ng nobya niya. Simula noon lagi na ulit kami magka text. Hanggang sa umamin ako sakaniyang gusto ko pa rin siya.

Ako: John, paano pag nagkagusto ako sayo?

John: papayat ka muna :p HAHA

Ako: Seryoso kasi ako. Gusto pa rin kita.

John: Gusto din naman kita eh. Kaso alam mo namang ayoko i-girlfriend ang bestfriend ko. Kasi baka pag nagbreak tayo magkaroon ng lamat sa pagkakaibigan natin.

Masakit. Pero naiintindihan ko siya kasi nga naman pag naghiwalay ang dalawang tao hindi na kailanman ito magiging magkaibigan pa ulit.

Sinubukan namin magkaron ng Mutual understanding pero sa huli tinigil din namin dahil sa alam namin na wala talagang pupuntahan yung gusto kong mangyari.

makalipas ang 1 taon. Siya pa rin ang mahal ko. Hindi nagbago ito. Nagkakatext pa rin kami ni John. Pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa ngunit alam namin pareho na hindi kami dapat magkaron ng relasyon dahil alam namin na hindi kami magtatagal at baka magkaron lang ng lamat ang pagkakaibigan namin.

Mahal ko pa rin siya pero hanggang Bestfriend nalang. Kahit pa na may Nobyo na ako ngayon mananatili pa rin siyang espesyal sa buhay at puso ko.

Kaya kung ikaw ay nahuhulog na ang loob sa iyong Bestfriend wag ka mawalan ng pag-asa para sainyong dalawa, dahil minsan ang mag-bestfriend pa ang nagkakatuluyan sa huli. Hindi lang siguro talaga nakikita ng bestfriend mo ang worth mo.

Malay mo destiny pala kayo. Kami ng bestfriend ko ay destiny pero kami yung mag-destiny na mas pipiliin na lang namin maging magkaibigan kasi alam namin na dun mas tatagal kami at kahit magkagalit man kami alam namin magkakaayos pa kami at pwede pa kami bumalik sa dati naming pagkakaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon