"Lara bakit ba pabalik-balik ka jan sa salamin eh magluluto ka lang naman at magliligpit"
Hindi ko alam kung pang-ilang beses na ba akong pinagsabihan ni mama."Hayaan mo na ma, para naman presentable sa pagharap sa mga kamag-anak ni tito"
Dadating kasi ang mga relatives ng tito ko galing Batangas dahil 7th birthday ngayon ng anak nya.Wala naman talaga kong pakialam sa itsura ko kaya lang dadating kasi si Ray ang crush kong pinsan ng pinsan ko. Nagustuhan ko sya magmula nong unang uwi nila dito samin.
"Laraaaaaa gising na anjan na yung mga bisita" narinig kong sigaw ni tita mula sa baba. Tamad akong bumaba at nagtungo sa lababo para maghilamos at magsipilyo.
Narinig ko ang busina ng sasakyan kaya dali dali akong lumabas.
"Hi Laraaaaa aba naggdadalaga na ah" bati sakin ng kapatid ng tito ko pero hindi iyon ang nakaagaw ng aking pansin kundi ang isang lalaking bumaba sa jeep, nakaheadphone at umiindak indak papalapit sa direksyon ko. Nang nasa tapat ko na sya ay matamis syang ngumiti, kaya lumabas ang dalawang lubog nyang dimples, naningkit ang mga mata nya at lumabas ang mga ngipin na kahit sungki-sungki ay nakakatuwang pagmasdan. Nang lampasan nya ako ay bigla syang kumanta. Hindi lang pala mananayaw kundi singer din.
"Tito sino yun?"
"Ah yung pogi? Si Ray pamangkin ko anak ni Donald"
Ray...
Tatlong taon na ang nakaraan magmula noon at ngayon nalang ulit sila uuwi dito. Naghuhugas ako ng pinagkainan nang marinig ko ang busina ng sasakyan kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Makikita ko na sya ulit sa personal. Sunod-sunod na nagsipagpasukan ang mga kamag-anak ni tito at binati ako ng ilan, nagmano naman ako sa matatanda natigil ako ng hindi ko sya makita.
"Tito si Ray? "
"Ah wala hindi sumama dahil may aasikasuhin daw sa school" pagkasabi non ay nilampasan na ko ni tito na para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Akala ko pa naman makikita ko sya.
* * * * * *
"Next in line in 7 special gifts are the twins Arthur and Aljur" nakuha ako ng mga picture nang mapako ang tingin ko sa kambal na papalapit sa aking pinsan dala ang malalaking regalo. Ang gwapong mga bata. Imbes na sa pinsan kong may birthday ang camera ay napatapat ko ito sa kambal na direchong nakatingin sa akin ang isa'y nakangiti at ang isa naman ay seryoso. Siguradong magiging habulin ng babae ang dalawang ito paglaki nila. Natapos ang program at nagliligpitan na kami napatingin ako sa mga batang naghahabulan sa harap ko. Hindi ko mawari kung sino sa kanila si Arthur o si Aljur kasama ang iba pa naming pinsan. Rinig ko ang matatamis nilang tawanan at muli na namang napako ang paningin ko sa isa sa mga kambal yung seryoso. Tumitig sya sakin ng ilang segundo at muling bumalik sa pagtakbo. Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman ng tingnan nya ko. Hindi maaari walong taon pa lamang sya at ako'y labing anim.
"Ate ate pakuha naman ng lobo" napaigtad ako nang may humigit sa laylayan ng aking damit ito yunh isa sa kambal yung palangiti magkamukhang magkamukha sila pero bakit iba ang dating sa akin nong isa. Iniabot ko sa kanya ang lobo.
"Anong pangalan mo? "
Nakangiti parin syang sumagot sa akin."Im Arthur po si Aljur yung isa" sabay turo sa kakambal nyang nakatingin sa aming dalawa. So si Arthur may nunal sa noo at si Aljur naman sa kaliwang pisnge.
"Arthur! Aljur! Come on uuwi na tayo" sigaw ng tatay nilang si Kuya Donald wait si Kuya Donald? So kapatid pala ni Ray ang kambal na to kaya naman pala. Palabas na ako ng hall nang biglang may kumuha ng isang rosas sa dala kong paper bag at dali-dali itong tumakbo palabas kaya tumakbo rin ako para habulin yung bata dahil yung rosas ay isa dun sa 7 roses kanina, kailangan yong itabi. Muntik na kong madapa nang may isang bata ang humarang sa harap ko Aljur...
"Here, take this" sabi nya sabay abot sakin ng bulaklak tapos takbo. Naiwan akong nakatulala sa bulaklak na hinigit nya mula sa bag na dala ko tapos binigay din nya sakin. Anyare?
* * * * * * *
"Here take this"
Hawak ko parin yung rosas na bigay nong bata, hiningi ko kay tita sabi ko ay ipapang bookmark ko sa libro. Hindi ako maka get over, bakit ginawa ni Aljur yun?"Lara lumabas ka na don at magmano kina nanay paalis na sila" narinig kong sigaw ni tito s baba kaya dali dali akong bumaba at pumunta sa may jeep.
"Nay mano po, ingat po kayo pag-alis, balik po kayo ulit"
"Salamat hija, oo naman babalik kami, mag-iingat ka palagi ha? Pagbutihin mo ang pag-aaral mo"
Nakangiti nyang sabi pagkatapos ay pumasok na sa sasakyan. Aalis na sana ako nang may lumapit saking bata."Oh Arthur bakit nandito ka pa? Uma-- teka Arthur san ba tayo pupunta paalis na kayo ohh" hindi sya umimik at tuloy-tuloy lang sa paghila sa akin hanggang sa nakarating kami sa may parang.
"Stay here, hanap ka nya"
Pagkasabi nya non ay bigla syang tumakbo. Weird."Hi"
"Ayyy kabayo kang Hi!!-- Aljur ikaw pala" nanggugulat ba naman kasi.
"S-sorry d-did I startled you? "
Bat ba english ng english to."Ahh ano hindi naman, b-bakit mo mga pala ko pinapunta dito?"
Nagulat ako nang ilahad nya ang mga kamay nya sa harap ko."I am Aljur Kein Luistro, shall we dance?" gulat man ako ay nilagay ko parin ang kamay ko sa palad nya.
"Sorry walang music, iassume mo nalang na meron" at mapait syang ngumiti. Nakatitig lang sya sakin sa mga mata ko. Hindi naman kasi ako katangkaran sa edad na 16 kaya halos mag pang-abot lang ang height naming dalawa. Ang bilid ng tibokng puso ko. Anong nangyayari? Anong ginagawa nya? Anong ginagawa mo sakin Aljur? Bago pa ko makapagsalita ay tumigil sya at inalis ang dog tag na suot nya pagtapos ay kinuha ang kamay ko at pinatong ang kwintas doon.
"I'll wear that to you when we see each other again, pag mas matangkad na ko sayo."
Nagbuntong hininga sya at muling kinuha ang kamay ko."I'll wait till the day na pwede na. Can you lean down to my level" Hindi parin ako makaimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya sinunod ko nalang ang sinabi nya yumuko ako ng onti para makapantay sya.
"I like you but Goodbye for now please wait for me" matapos non ay hinalikan nya ako sa noo at tsaka tumakbo. Naiwan akong tulala at walang kahit anong lumalabas na salita sa bibig. Ang alam ko lang ay mabilis ang tibok ng puso ko na para bang may nagkakarerang mga kabayo. Binuksan ko ang aking palad at tiningnan ang dog tag na bigay nya. Nakaukit ang kanyang pangalan Aljur...