CHAPTER 02

296 12 24
                                    

CHAPTER 02
ZOMBIES


CLEOPATRA


"ZOMBIES ARE JUST FROM THE MOVIES." sabi ni Miss Erin. Lahat kami ay takot na aminin na tama si Rhyder.

"Bakit ba kasi ayaw niyong tanggapin ang mga theories ko?" parang bata na pagrereklamo ni Rhyder. Nakabalik na kami sa upuan namin ni Forseti at hindi niya ako pinapansin. Great Cleopatra, pasang-awa nalang nga na nagawa mong jowain ang taong gusto mo, tapos magiging ganyan ka pa.

"Because Mr. Villaflor, your so-called theories are ridiculous." Sagot ni Miss Erin sa kaniya.

"Miss Erin, I think for the first time in forever, tama si Rhyder." sabi ni Sage.

"Wow, Sage! Thank you uh!" sarkastikong wika ni Rhyder. Tumayo si Sage mula sa kinauupuan niya.

"Yes, we see zombies in movies but that doesn't mean that it is impossible for them to exist here in the real world. Have you ever heard of the zombie deer disease? Some say that it isn't entirely impossible for the virus to mutate and infect humans too. Or the other flus and viruses, they can evolve and infect humans in different ways." Paliwanag ni Sage.

"Matalino ka pala, Sage?" tanong ni Louise kay Sage. Tipid na ngumit lamang si Sage sa kaniya at nagpapahumble pa ito.

"Pabibo ka lang! It was actually Wyatt who said that!" segunda naman ni Rhyder.

"Gusto mong tadyakan kita diyan?" tanong ni Sage at akmang sisipa.

"Gago ka ba? Soccer player ako so malamang mas malakas akong sumipa sayo!" banat naman ni Rhyder. Tumayo ito at akmang sisipa na rin.

"Malakas ka palang sumipa, edi sana naging kabayo ka nalang!" banat naman ni Sage. The girls snickered. Muntik na rin sana akong tumawa kung hindi lang nangyari ang nangyari kanina at kung hindi lang seryoso ang tingin sa akin ni Forseti ngayon.

"Forseti.." nanunuyo kong tawag ko sa kaniya. He looked away and focused his gaze outside the window. I think I have to say to him what I've noticed earlier.

"Forseti.." tawag ko pa. He acted like he wasn't listening to me.

"Hoy! Ang ingay niyo!" narinig kong pinagalitan sila ni Tres pero hindi pa rin sila nakinig.

"Hey.." sinundot ko ang braso niyang may muscles. Still, it didn't work.

"Forseti.." tinawag ko ulit siya.

"For—"

"What?" naiirita niyang tanong. I just looked at him. What is wrong with him? May sasabihin lang ako! Ish.

"Since you don't want to talk to me, babalik na lang ako sa upuan ko." Iyon nalang ang sinabi ko at mabilis na tumayo para sana bumalik sa upuan ko kaso mabilis niya rin akong hinila para umupo ulit.

"What is it?" ngayon ay mas maayos niya na ako tinanong. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita, syempre para may effect.

"If it's true that he is a zombie, then he must be only relying on his hearing." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin kay Rhyder at Sage na nag-aaway.

"Bakit?" tanong niya pa.

"Sa tingin ko ay alam niyo na hindi siya nakakakita, that explains the clouded eyes. Pero noong bumababa ako kanina, I tried to call him but my voice was too soft for him to hear. Pero noong medyo nilakasan ko ay tumingin na siya sa akin. Then when you shouted my name he started running towards our direction, lumampas pa nga siya noong nakapasok na tayo. In the first place, I think the reason he bumped his head on the school bus' window was because he was attracted to the sound of the engine." Sabi ko pa. Feeling ko talaga tumatalino ako. Zombie apocalypse lang pala ang katapat mo, Cleopatra.

Cleopatra: The Zombie SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon