CHAPTER 03

275 7 20
                                    

CHAPTER 03
SUPPLIES


CLEOPATRA


"I'M HUNGRY." Reklamo sa amin ni Rhyder habang nagmamaneho.

"Share mo lang?" pambabara ni Sage sa kaniya. Andiyan na naman sila, simula na naman ng walang tigil nilang pag-aaway. Pagbuhulin ko kaya sila minsan?

"Eh sa gutom talaga ako!" reklamo niya pa.

"Rhyder, gutom din naman kami ah, pero hidi namin pinagkakalat" sabi ni Sage sa kaniya. Lahat kami ngayon ay nakaupo sa harap na bahagi ng school bus.

"See? Gutom din kayo. Plus, we need supplies you know? Franklin City is like a million miles away!" sabi niya. Binatukan siya ni Sage na nakaupo lang sa likod niya.

"If you just go straight through the cities, we'll arrive there in three days." Sabi ni Sage sa kaniya.

"Pero sa tingin ko it'll take us a week before we get there." Sabi naman ni Reia. Lahat tuloy kami ay napatingin sa traffic na kinabibilangan namin ngayon. Tinalo pa ang pagong dahil sa kabagalan.

"Cambria City is a city connecting four cities, kaya hindi nakapagtataka na stuck tayo ngayon sa traffic. Buti na lang ay nadaanan na natin ang malaking wall na nagsisilbing border ng Cambria City at Calibri City, kung hindi ay baka nasali tayo sa lock down ng Cambria City." Sabi naman ni Wyatt.

"I also think we should grab some food." Sabi ng isang lalaki.

"Who are you again?" tanong ni Sage sa kaniya. Pinaningkitan siya ng mata ng lalaki.

"Ang tagal niyo na akong kasama pero hindi mo pa rin ako kilala?" tanong nito. Sage just shrugged.

"My name's Raphael, call me Raph." Pakilala nito. I felt bad for him, antagal na nga namin siyang nakasama pero hindi pa rin namin siya kilala. Well, at least ngayon ay kilala na namin siya.

"Okay, may tao pa bang hindi nakikilala sa bus na 'to?" tanong ni Rhyder.

"Shut up and just drive." Sabi sa kaniya ni Sage.

"How can I drive man? Traffic nga diba? Anong gusto mong gawin ko? Banggain ang kotse sa harapan? Uncool." Umiiling na wika ni Rhyder. Akmang mananapak na sana si Sage nang magsalita si Louise.

"Uhm, I'm hungry too." Sabi ni Louise.

"Ako rin." Sabi ko at alanganing ngumiti. Sabay na tumayo sina Forseti at Sage.

"We'll grabe some food." Sabi ni Forseti.

"Hala! Nung ako 'yong nagsabi ng gutom dito ayaw niyong kumuha ng pagkain. But when the girls said that they were hungry, it looked like you were born to hunt for food!" reklamo ni Rhyder. Umandar na ang sasakyan.

"Bakit may jowa ka ba dito?" tanong sa kaniya ni Nami. Tumingin sa amin si Rhyder na para bang pinagloloko namin siya.

"Wag niyong bastusin pagka single ko ah! Tsaka meron bang magjowa dito?" natatawang sabi ni Rhyder. Suddenly, all fingers were pointed at Forseti and I. Huh?

Biglang napapreno ng malakas si Rhyder. Buti nalang ay nahawakan ko kaagad si Forseti at nakahawak din siya sa upuan kung hindi ay magagaya siya kay Sage na nagtumbling sa tabi ni Rhyder. Humarap sa amin si Rhyder nang nanlalaki ang mata.

"Kayo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Rhyder. Well, I guess there's no secret to hide anymore.

"Tanga ka ba talaga o hindi mo talaga nahalata?" tanong sa kaniya ni Peppy. Nagsimulang bumusina ang mga kotse sa likod namin. Mukhang nainis naman si Rhyder at dumungaw si bintana ng driver's seat.

Cleopatra: The Zombie SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon