CHAPTER 05

214 7 3
                                    

CHAPTER 05
FRAGILE


CLEOPATRA


"EXCUSE ME!" malakas kong sigaw sa kanila. I made my way through the left side.

Nakita ko sina Forseti na nasa parang isang watchtower. Forseti and Tres are outside the watchtower and it look like they were trying to open it from the outside for Rhyder who was inside.

"Forseti! Tres!" sigaw ko sa kanila habang nagkikipagbakbakan pa rin sa mga tao. Kailan ba sila mauubos? Ang dami nila ah! Sabagay, ang mga residente mula sa limang cities ang nandito ngayon kaya hindi makapagtataka na sobrang dami nila at mistulang mga sardinas sa paningin ko.

"Huwag kang humarang sa daan!" sigaw sa akin ng isang may edad na lalaki. Tinignan ko siya ng masama. Hindi ko nalang siya pinatulan at tumuloy na papunta kina Forseti. Malapit na ako sa kinaroroonan ng watchtower kaso, dahil sa mga tao ay nahihirapan talaga akong makarating doon.

"Andiyan na sila!" may sumigaw. Bumabagal ang takbo ng mga tao dahil lahat sila ay napatingin sa likod. I took my chance and ran fast. Hindi nakatakas sa paningin ko ang ilang zombie na kumakagat ng mga sundalo.

I'm almost out! Malapit na, malapit na! Just a bit more and I'll make it through!

"Takbo!" may sumigaw ulit. Mabilis na nagsitakbuhan at nagsigawan ang mga tao.

"Fuck!" mura ko dahil natangay na naman ako. This time, they were really desperately running for their lives. Pwede pag tatakbo kayo, huwag kayong maingay? Baka naattract sa ingay ang mga zombies! Sarkastiko kong isip.

Ginamit ko na ang katana ko bilang pansangga sa mga tao. Tinulak-tulak naman nila ako na para bang isa akong pushcart. Luckily, nakalabas ako at nakarating sa paanan ng watchtower.

"Forseti!" tawag ko sa kaniya na nasa itaas. Lumingon siya sa likod niya pero nang makitang wala namang tao doon ay bumalik na siya sa ginagawa nila. My voice was still drowned by the people's screams.

Fine! I'll go up there then! Nilagay ko ang katana ko sa likod ko at inipit sa may strap ng bra ko para hindi mahulog habang ang baril naman ay inipit ko sa combat boot na suot ko sa isang paa. Tumungtong ako sa steel ladder ng watchtower at nagsimulang umakyat. I'm really glad I'm wearing combat boots but I'm not glad that I'm wearing a fucking dress! I hate you Poppy!

Habang umaakyat ay napatingin ako sa mga tao. The zombies were gaining on them. Although, the soldiers were still the one fighting them, papalapit ng papalapit ang laban nila sa mga tumatakbong tao. And some of the fighting soldiers are getting bitten by the zombies. We need to hurry.

"Forseti!" tawag ko ulit pero mukhang hindi pa rin nila ako naririnig. The watchtower is actually high, plus the steel ladder is a bit slippery. The dress isn't help either.

May narinig akong malakas na sumigaw. Pag tingin ko sa direksyon niya ay isa itong babaeng kinakagat ng zombie sa leeg. The hell! Nagsigawan ang mga taong malapit sa kaniya kaya napunta ang atensyon ng ibang mga zombies sa kanila. Don't scream! Mas binilisan ko ngayon ang pag-akyat.

Nangangalahati na ako ng hagdan nang may sumigaw na malapit lamang sa kinaroroonan ng watchtower. My left foot slipped. I gasped as I hugged the steel ladder and clung for my life. Napapikit nalang ako habang nagdadasal na sana hindi ako mahulog.

When I opened my eyes, I saw a few zombies near the watchtower and there were some infected too.

"Argh.." I groaned as I felt the searing pain on my knee to my leg. Nang bumaba ang tingin ko sa paa ko ay nakita kong may malaking gasgas ang harapang parte nito. Tinignan ko ng maigi ang hagdanan. Mukhang bago pa ito at wala pang kalawang.

Cleopatra: The Zombie SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon