kabanata 1

40 1 0
                                    


Sa isang malawak na simbahan nagpakasal ang kaisa isang babaeng anak ng fuentes di alam ng mag asawang fuentes na ikakasal na ang kanilang anak na si Maria Beatrice Fuentes at ang naging kasintahan nito ay si Leon Carlos Bernardo.

Galit na galit ang ama ni beatrice ng malaman na ikakasal na kanyang anak na hindi man lamang nila alam

Dali daling umalis ang buong fuentes pumunta sa simbahan kung saan gaganapin. Ang kasal ng kanyang anak galit na galit rin ang kuya ni beatrice na si brian dahil sa kamalian na ginawa niya.

Nasa simbahan ng mga oras na iyon si beatrice at ang kasintahan nitong si leon patapos na ang ceremonya ng biglang dumating ang ama ni beatrice na galit na galit hinigit siya ng kanyang ama at isinakay ng mga tauhan ng kanyang ama sa sasakyan habang naiwan ang ama niya at kuya niya sa simbahan para bigyan ng leksyon ang kaniyang kasintahan na si leon.

Matapos ang pang yayaring iyon kinulong si beatrice sa kanyang kuwarto ng limang buwan.....

Makalipas ang limang buwan.... Nakaisipng paraan si beatrice para makatakas at nagtagumpay nga siya.

Pinuntahan niya ang kasintahan niyang si leon.

Nagpakalayo layo silang dalawa at di nagpakita si beatrice sa kanyang ina at ama dahil sa pagmamalupit nila sa kanya.

Lumipas ang isang taon.....

Nabiyayaan sila ng anak na babae at pinangalan nila ito ng Maria Carlyn Bernardo.

Naging masaya sila sa pagdating ng kanilang panganay na anak.

Sinupresa ni Beatrice ang kaniyang ina at ama at nagulat ang kanyang ama dahil hindi nito inaasahan na magkakaroon na siya agad ng anak at ang masakit pa rito ay babae ang kanyang anak ayaw ng ama niya na babae ang maging panganay na anak niya dahil ayon sa paniniwala ng kanyang ama ay mas may kaalaman ang mga panganay na lalaki kaysa sa panganay na  babae at mas mabibigyan tuon ang kanilang negosyo kung lalaki ang naging apo nito.

Beatrice

Papaa mahalaga ba talaga sayo yang paniniwala nayan? Kasi parang sinasabi niyo narin na wala akong kwenta at silbing anak.

Bakit di niyo nalang tangapin na nagkaanak ako ng babae may masama ba duon papaa kaya ako narito para isupresa kayo ni mamaa pero parang sayang lang din ang pagpunta ko dito kung puro kayo paniniwala!!!!....

Don Marcelo

Aba't sumasagot ka na ng ganyan sa amin ng iyong ina wala kang utang na loob hindi mo alam kung gaano namin pinahahalagahan ang paniniwala na iyon noon pa man anak yun na ang nakagawian ng pamilya natin kaya ganon nalang ang pagpapahalaga ko dito.

Beatrice

pero papaa hindi mo naman malalaman kung ano ang kakalabasan ng magiging anak ko isa itong biyaya ng panginoon.

Don Marcelo

Pasensya na pero hindi ko kayo matatangap bilang isang pamilya
Lumayas ka na rito at huwag ka ng magpapakita samin ng mamaa mo
Wala ka naring matatangap na tulong galing samin parusa ko ito sayo dahil sinuway mo ang utos ko nagpakasal ka ng hindi namin alam at nagkaanak ka pa.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo saamin babalik ka rito at may dalang kamalasan lumayas ka rito hindi ka namin anak at hinding hindi ka namin tutulungan.

Doña Bella

Huwag mo naman ganyanin ang anak natin anak parin natin sya marcelo

Anak iha beatrice dito muna kayo tumira at kawawa yang apo ko hayaan mo na yang papaa mo at pagod lang yun sa trabaho galing kasing opisina.

Beatrice

Mamaa di niyo naman kailangan gawin to hayaan niyo aalis nako dito sa empyernong to tutal yun naman ang gusto nyo diba ang mawala ako
Wala namn akong kwentang anak at wala rin akong silbi sa pamilya nyo diba yun naman siguro ang tingin niyo sakin.

Salamat dahil pinalaki niyo akong walang kwentang anak.

Don Marcelo

WALANGYA KA !!! Lumayas ka sa pamamahay ko wala akong anak na walang modo layass......

Umalis si beatrice sa mansyon nila ng may galit sa puso at puno ng hinanakit.

Beatrice

Hinding hindi ko pinagsisihan na umalis ako sa empyernong yon wala silang kwentang magulang ni hindi man lang nila naintindihan ang sitwasyon ko nagyon.

Anak hinding hindi kita papabayaan palagi kitang gagabayan sa bawat desisyon mo palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong ama....



Author: sana nagustuhan mong ang unang kabanata umpisa palang yan.
 
Sa unang kabanata ay patungkol ito sa kanyang magulang...

Away From The Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon