Epilogue

176 17 16
                                    


(Third person's PoV)


Lahat ay abala sa pagaasikaso para sa nalalapit na kasal. Dalawang araw na lang ay magaganap na ito at talaga namang masaya ang pamilya ng ikakasal


Nagkaroon ng masayang salo-salo ang pamilya nang gabing iyon dahil paniguradong magiging busy sila dahil sa nalalapit na kasal


Nang matapos ang kasiyahan ay isa-isa nang nagpaalam ang pamilya Anderson at umuwi na sa kanilang tahanan


Ang pamilya Tachibana naman ay nagpahinga na rin nang may ngiti sa mga labi

Bagama't hindi sila makapaniwala na ikakasal ang dalawang taong yun, masaya sila para dito


(Wedding day)

(Naomi's PoV)


Napangiti ako nang makita ang puting gown na isusuot ko para sa kasal mamaya

Inayusan na din ako ng make-up artist ni Mommy


Pagkatapos nya akong ayusan ay pinasuot nya na sakin yung gown

"Ang ganda nyo po young lady"puri sakin nung nagaayos sakin kaya nginitian ko sya

"Salamat po"nginitian nya rin ako at niyakag na akong lumabas para sumakay sa kotse


>>>>


"Noemi!"


Agad kong niyakap ang kapatid ko nang makita ko sya. Niyakap nya rin ako at nakita kong naiiyak sya


"Hindi ako makapaniwala na may magaganap pa palang ganitong kasal"sabi nya sakin na sinang-ayunan ko


"Ako nga rin eh"sabi ko


Mag-uusap pa sana kami pero pinaayos na kami dahil dumating na si Mommy kasama si Mama

Pinapila na kami para maumpisahan na ang kasal


Nang maayos na ang pila ay binuksan na ang pintuan ng simbahan

Napaluha ako nang makita ang altar na naghihintay samin




Finally, ikakasal na ang Mommy at Daddy ko

Pinaghiwalay man sila noon, dahil mahal nila ang isa't isa, sila parin ngayon


Pinalakad na kami at nakita ko si Dad dun sa dulo ng aisle na maluha-luha na

Nang makarating na ako sa upuan ko at nilingon ko si Mommy na umiiyak habang lumalakad sa aisle


Nagtinginan kami ni Noemi at napaiyak din habang nakangiti

Para kaming mga timang dito


My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon