Ang palasyo ng mga wood elves ay nagkakasiyahan dahil kaarwan ng hari. Habang abala sa kasiyahan ang lahat sa mount of oracle naman ay di magkamayaw ang elf oracle dahil sa pagilaw ng gintong libro.
"Oracle Grandiel ano ang nangyayari sobrang liwanag ng libro?" tanong ng wizard ng Miradelle na si Huise
"mukhang may propiseya Huise,napaka tagal na nung huli itong mabigay ng propesiya mahigit isang daang taon na nakalipas" sagot ni Grandiel kay Huise habang di maalis ang paningin sa libro. biglang lumutang ito sa ere at bumukas at naglabas ng mga letra.
"Grandiel ano ang sabi ng libro?" tanong muli ni Huise ng lumabas ang mga letra rito at nakabuo ng mga salita.
"Isang nilalang ang nakatakdang matagpuan. Magdadala ng kapahamakan , kaguluhan , kamatayan , pagmamahal , pagasa at , kapayapaan, pag napunta sa maling kamay ay kalamedad at katapusan ang kanyang alay." Gulat na binasa ni Grandiel ang mensaheng bigay ng oracle book.
tilay malalim ang isip ni Huise na pinakinggan ang laman na mensahe maya maya lang ay bigla muling nagbigay pa ng isang propesiya ang libro na agad namang binasa Grandiel.
"Isang nilalang na makukuha ng wood elves gayun din ang pagumpisa ng kaguluhan, nilalang na pagaagawan ng mabuti at kasamaan. sa takdang panahon ng kanyang pamimili ng papanigan isang elf ang dahilan ng kanyang desisyon at sya ring magbabago ng kanyang kapalaran"pigil hingang binasa ito Grandiel at tinignan si Huise na seryoso ang mukha tilay may planong binubuo sa isipan.
" Grandiel kailangan malaman ni lord Thrunquil ang propesiya hindi ka maaring umalis sa lugar na ito nakapagdesisyon akong maglakbay papuntang wood palace para ibalita ang tungkol rito mukhang alam narin ngayon ng dark lord ang tungkol rito. mukhang nabalita narin ito ng kapatid mong oracle ng dark palace." may pangambang pagsasalita ni Huise.
"Tama ka Huise kailangan natin pigilan makuha ng kasamaan ang nilalang na sinabi sa oracle. gabayan mo ang mga wood Huise ikaw ang maasahan ko tungkol rito" pagsangayon ni Grandiel.
.
Agad na inihanda ni Huise ang kanyang kagamitan upang maglakbay gayundin si Pior ang malaking agila na alaga ni Huise dahil dito siya sasakay upang mapadali ang pag dating niya sa wood palace.
"Magiingat ka dito Grandiel aalis nako" paalam ni Huise sa dalaga.
"Huise magiingat karin" pagganting salita ni Grandiel sa binatang wizard at yumakap rito bago ito makaalis.
nagumpisa ang paglakbay ni Huise. Habang sa palasyo ng mga elves at may kakaibang liwanag ang lumitaw sa kalangitan na agad naman nakita ng haring si Lord Thrunquil ang pag bulusok ng liwanag papuntang kagubatan. Agad tumayo ang hari gayun din ang kanyang anak na si Legolas .
"Lord ano ang liwanag na iyon?" di makapaniwalang tanong ni Legolas sa ama
"Di ko alam Legolas , mga kawal maghanda at baka mapalaban tayo pupuntahan natin ang liwanag na iyon." paniningkit na saad ng hari.
"Lord sasama ako" saad ni Legolas tumango ang hari at nagsipaghanda na kasama ang ilan sa batalyon na kawal niya agad niya pinuntahan ang kanyang kabayo gayun rin si Legolas at inayos ang kanyang pana at espada.
"buksan ang lagusan ng palasyo!" sigaw ni Legolas agad naman tumaayas ang dambuhalang batong pinto na at kasabay noon ang paglabas ng swordelfs kasunod ang hari at siya sa likod ang mga archers.
Habang sa dark palace ay nagpadala ng mga tauhan ang dark lord para unahan ang mga elves sa pagkuha ng nilalang na sinabi sa oracle naghanda narin dark lord upang pamunuan ang pulotong niya sa pagpunta sa pinaghulugan ng liwanag.
Nagumpisa na gulong hatid ng nilalang sa mundo ng miradelle, ang dalawang angkan ay abala pag lakbay sa lugar saan man ito bumagsak. Habang si Huise ay patuloy sa kanyang paglakbay pauwi ng wood palace.
lumipas ang oras ng di kalayuan ay nakita na ng elves ang sadya nila gayun rin sa kabilang dako ng lugar ay ang mga trolls.
nanguna ang hari at si Legolas patungo sa ilaw na nasa lupa ang pagbagsak nito ay wala man lang sinira itoy nakalutang sa ere tama lang para maabot.
Thrunquil Pov.
napakaliwanag ng bagay na ito agad ko itong lalapitan ng pigilan ako ng aking anak .
"Ama di natin alam baka mapanganib ang paglapit" saad niya na may pagalala.
"di natin malalaman hanggat di natin lalapitan" sagot ko sa kanya ngunit mukha hindi titigil sa pagtutol si Legolas kaya minabuti kong iutos sa iba.
"ikaw kawal tignan mo kung ligtas ba ang bagay nayan." agad naman nilapitan ito ng aking kawal nalapitan na niya ito upang hawakan ngunit isang palakol ang lumipad papunta sa kanya na agad na tumama sa tiyan niya at kinamatay.
"Maghanda may mga kalaban" utos ko sa mga kawal kong elves .
kung di ako nagkakamili mga trolls ang may gawa nito mukhang interesado ang dark lord sa bagay na liwanag na iyan.
nagsilabasan na ang mga trolls agad naman nagumpisa ang laban.
kailangan ko makuha ang bagay na iyan sumulong ako sa bawat madaan ko may mga trolls na umaatake sakin na agad kong pinapatay sa pagwasiwas ng aking espada patuloy rin ang pag ilag ko sa mga sandata nila.
habang ang anak ko ay nakikipaglaban rin gamit ang pana niya di ko maiwasan humanga ako sa aking anak bihasa talaga siya sa pakikipaglaban halos lumipad na siya sa pagtalon at pagsugod.
habang nakatingin ako sa kay legolas sinugod ako ng isang troll na agad ko naramdaman nasangga ko ang espada nito gamit ang espada ko at sinaksak siya sa tyan ilang oras rin kami nakikipaglaban sa dami ng trolls.
hanggnag sa nakalapit ako sa liwanag at si Legolas ay pinoprotektahan ako.
inabot ko ang liwanag at mas lalo ito nagilaw hanggang sa napapikit ako sa silaw na bigay nito
ilang segundo lang ay minulat ko ang mga mata ko dahil sa parang may buhay na hawak ko gulat ako sa nakita na isang sanggol ang liwanag kanina sanggol na babae .
agad ko itong hinile dahil medyo umiyak ito maputi na malarosas na kunti ang balat mahaba ang mga pilikmata kulay puti ang buhok at maamo ang mukha nito makapal rin kilay nito paglaki napakagandang bata kailangan ko madala sa ligtas na lugar ang bata kailangan namin bumalik sa palace baka makuha pa ito ng dark lord.
"Tumiwalag mga kawal babalik na tayo sa palasyo" agad na utos ko sa lahat na agad sinunod sumukay nako sa aking kabayo habang nasa isang kamay ko ang sanggol na natatakpan ng mahabang at malapad na robe ko.
"ama bat tayo bumalik agad sa palasyo?" tanong sakin ni Legolas habang nasa harap na kami ng gate na nagbubukas
"dahil nakuha ko na ang sadya ko sa lugar na iyon" nagtaka naman si legolas.
nang nasa kaharian na sa tapat ng trono agad ko tinanggal ang takip sa sanggol nagulat naman ang anak ko sa hawak ko.
"ama bat san nanggaling yang bata " tanong ni Legolas na nakatitig sa bata hinawakan niya ang maliit na palad nito at mukhang natutuwa sya sa bata.
"sa kanya galing ang liwanag nayun Legolas may kakaiba sa bata na ito kaya hindi maari makuha ng masasama ito aalagaan natin sya sa palasyo na ito tayo ang magpapalaki." saad ko at mukha sangayon naman sya rito.
BINABASA MO ANG
The Kingdom Of Elves.
FantasySi Riendel Torwayne ay isang kakaibang nilalang na may taglay na kagandahan ngunit ang kanyang pagkatao ay palaisipan sa mga elves maging kung anong uri siya ng creature sa mundo ng Miradelle. Ang sanggol na Riendel ay magbabago ang kapalaran nang m...