ANG KAPITBAHAY KONG MAHAL [ONE-SHOT Story]

725 33 25
                                    

Che-Che's [POV]

Matagal na akong nakatira sa sudibisyon naming ito...Pero sa katapat bahay ko lang pala makikilala ang kapitbahay kong mahal.

-----

"Hay nako anak, promise gwapo nga kasi si Charlie. Promise, maputi, mukhang malinis."

"Ma, lagi mo kinukwento yan . Di ko pa naman nakikita."

"Sige tatawagin kita kapag nakita ko siyang palabas ng gate..."

hay nako si mama talaga,

"Ayan na anak palabas na ng bahay si Charlie."

"Asan? hay nako ma, ang gwapo ng likod niya. ! "

"ano ka ba nak."

"Kasi naman tatawagin mo ako nakatalikod na siya."

laging ganyan ang scenario, di ko siya makita ng malapitan, makikita ko siya, laging nakatalikod, madilim hay nako.

Tinatamad na tuloy ako, 

"Miss san ka?"

sabi ng tricycle driver.

"Jan lang po sa may Di maka-ibig st. "

"Ang swerte mo kuya didiretso na pala tayo dun eh."

Tumingin ako sa lalaking nakasakay sa likod ng tricycle. Hmmmm, gwapo siya, maputi, student like me...

  Napapaisip ako kung ano ba yung sinabi ni manong. Nalinawan lang ako nang malaman ko na kapitbahay ko pala yung lalaking maputi.

Bumaba ako agad ng tricycle at tumakbo papasok ng bahay, sinilip ko kung san siyang bahay pumasok. Nakita ko na dun siya pumasok sa bahay nung Charlie na tinutukoy ni mama at ng mga pinsan ko.

Tinawag ko agad si mama, sinabi niya na si Charlie lang naman yung nag-iisang lalaki sa bahay na yun.

So siya na nga yun... nakita ko na siya..

Inisip ko kung kailan ba ulit kami magkikita, kasi kung alam ko lang na si Charlie yun, baka tinitigan ko pa siya ng bongga.

After one week.

Birthday ko ngayon :>> ano kayang birthday gift sa akin ni Lord :)?

"san kayo?"

tanong nung tricycle driver.

"Di maka-ibig st."

nagkasabay pa kami nung lalaki. Di ko sure pero parang nakita ko na siya. 

"Sabay nalang tayo, mukhang iisa lang naman ang bababaan natin.:)"

Magkatabi kami sa tricycle nung lalaki, then suddenly I remembered his face.. Na-realized ko na si Charlie na pala tong katabi ko..

 Ito pala ang birthday gift sa akin ni Lord. Kaya pala, di ko siya makita kita nung mga nakaraan dahil sa mismong birthday ko pa siya makikita...

pagbaba ko ng tricycle... tinawag niya ako.

"Miss, anong pangalan mo?"

"Che-che"

"Ako nga pala si Charlie :) Matagal na kitang gusto makilala, buti na lang natupad na. :)"

my gosh kinilig ako dun!! pumasok agad ako sa loob ng bahay at kinagabihan nagfacebook ako.

Sinearch ko yung pangalan niya pakapalan na ng mukha i-aadd ko siya. Kaso nakita ko, nag-friend request na pala siya sakin.

Inaccept ko siya...

Nag status siya sa wall niya, nakita ko...

"Yes Nalaman ko na rin ang pangalan niya, Full name. I saw her I.D. I finally met my crush. And she confirmed my request "

Guess what?

he tagged my name on the post. :)

--THE END--

ANG KAPITBAHAY KONG MAHAL [ONE-SHOT Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon