"SURVIVORS"
Written by Jho"Namumuhay ng payapa",
"Tahimik ang kapaligiran"
"Wala kang maririnig na ingay".
Yan ang nais namin sanang tahanan,
Subalit dahil sa inggit,
Sa di pagkakaunawaan,
Nabuo ang hidwaan
At nagdulot ng labanan.Umulan ng bala,
Nakakabinging putukan,
Kalsada ay mamula-mula,
Bangkay ay nakakalat na.
Mga taong sugatan
Kapwa sumisigaw ng tulong
Subalit wala!!!walang dumating.
Walang nagmalasakit,nawalan ng pag-asa.May mga namatay na dilat ang mata,
Luha'y naging saksi sa pait na sinapit.
Kabataang naisalba, kinabukasan kaya'y may maasahan pa o tuluyan ng mabubura sa kanila ang ngiting magbibigay ng bagong pag-asa.Yakap ng ina'y wala na.
Tinig ng ama'y nasaan na?
Wala na...kapwa sila pumanaw na.
Paano na? Saan na titira ngayong tahanan ay sira na? Wala na...saan na
Pupunta? May kukupkop pa kaya sa aming natitirang naisalba?
YOU ARE READING
Poems of Love
PoetryNot all feelings can shout out loud, not all words easy to spell out,but there is a moments that easy to write than to tell. I maybe coward for hiding my feelings but every chapter of my creation means so special.It reminds me of my yesterday that r...