-Second shot- Torn between ....

97 4 1
                                    

Hello Readers. Heheh Maka readers ako kala mo naman madami ngang readers. Well. Nagpapsalamat na din ako sa mga nagbabasa ng story ko. Kahit konti lang naman talaga sila, okay na yun kesa wala namang nagbabasa. Hahaha :D Pakipromote na lang story ko kahit mga very silent kayo. Kahit di na kayo magcomment okay lang hehe. Okay, share ko na ulit yung part two ng something about love. Sana magustuhan niyo. =))

-Second shot-

Torn between ....

What if you and your bestfriend love the same person?

is it okay to you to forget the person you love most?

will you sacrifice your own happiness and put aside your own feelings?

Or ...

You will fight for it to become happy?

LOVE OR FRIENDSHIP?

***

"Tol! Kamusta?"

"Oy! Siraulo ka. Ayos lang ako, kailan ka pa nakabalik sa Manila? Saan na pasalubong ko? Wag mo sabihing fresh from New York ka tapos wala kang bitbit man lang sa Bestfriend mo?"

"lul! Ang korny mo! Hahah. Meron, jam nalang tayo mamaya sa bahay. Magugustuhan mo yun Dude!"

Ayun! Nakabalik na din sa wakas ang Hunghang kong kaibigan na si Ralph, medyo matagal din simula nung nagkahiwalay na kami nyan, halos kapatid ko na kung ituring yan. Paano ba naman simula pagkapanganak namin tinadhana na ata talaga kami na maging magkaibigan. Hahah Cool nga dati na para kaming magkambal kase kung ano meron siya meron din ako, pero ngayon na kokornyhan na kaming dalawa sa mga pinaggawa ng mga magulang namin sa amin e. Haaay! Sarap nga naman magbalik sa mga nakaraan.

Ako nga pala si Erone, hehehe nakalimutan ko magpakilala sainyo. At eto nga papunta ako sa bahay ng kumag na yun. Sabi niya kase may ibibigay siya na ikatutuwa ko.

"Eto na pala si Kuya Erone.." 

"Uy! Megan! Laki mo na a. Mas malaki ka pa ata saken? Tomboy ka pa din ba hanggang ngayon?"

"Baliw ka! Hahaha. Kuya Raaaaalllpphhh! Andito na si Kuya Eroneee na mapanglait. Hmp!"

Tinawanan ko lang tong si Meg, kapatid ni Ralph, may gusto ko dito dati kaso mas lalaki pa saken e hahah :D 

"Asan na?"

"Eto!Saluhin mo."

"Ang cool neto Dude!! Skateboaaaard?? Syakol! Di ko to kayang bayaran."

"Gago! Pag pinabayaran ko sayo yan baka magsibak ka pa ng alkansyang kawayan mo. Baka pati mga ipon mo di pa sumakto. Alagaan mo na lang, iyon na lang ibayad mo dyan."

Grabe! Kabaklaan na pero sa sobrang tuwa ko napayakap lalaki ako kay Ralph. Tapos na Dude clap kami. Alam nyo na yun. Yung may fist to fist punch pang nalalaman. 

Angat kase ng marami tong si Ralph sa akin. Mayaman to, kami naman nakakain naman ng Ayos sa isang araw. Gwapo to. Pero mas Gwapo ko sa knya. Nadadaan nya lang sa porma. 

"Tara Dude! Punta tayo sa Plaza. Testingin na natin galing mo dyan, balita ko nagchampion ka sa skateboarding competition dito a."

"Oo ba Dude! Hahha. Turuan na lang kita ng mga stunts. Ako bahala sayo."

***

Andito na kami sa plaza. Almost 1hr. na kaming nageexhibition ng kung ano- anong pwede sa skateboard, ng biglang..

"Erone? Ikaw ba yan?"

Napanganga ako. Hindi ko alam, namutla akong bigla. Hindi ko alam kung kinabahan ako o basta! Hindi ko maexpress yung nararamdaman ko  ng makita ko si Drean. Wala pa din siyang pinagbago. Kung ano ang Drean na minahal namin pareho ni Ralph, yun pa din siya.

Something About Love..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon