"Pamamaalam"

91 1 0
                                    

May isang babae at lalaki na magkasintahan. Masaya sila sa kanilang relasyon suportado din ang kanilang mga magulang sa pag-iibigan nila. Ito ay sina Clarrence A. Smith na anak nina Ginang Clarissa A. (Asonsion) Smith at Ginoong Terrence S. (Shelton) Smith at Claire Faith P. Yapengco na anak nina Ginang Cathlyn P. (Peña) Yapengco at Ginoong Genesis Rene A. (Abella) Yapengco. Sina Clarrence at Claire ay parehong graduating student sa college sa cursong tungkol sa pagnenegosyo dahil pareho nilang gustog sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang.

Isang araw namasyal sina Clarrence at Claire sa isang mall na pagmamay-ari ni Claire. Masaya silang namasyal at hindi nila pinapansin ang mga tao sa paligid na parang sila lang dalawa ang tao sa mundo. Nang nag pahinga muna sila sa isang upuan sa loob ng mall nag salita si Claire.

"Moo, lagi mong tatandaan ha na mahal na mahal kita." Pasiunang sabi ni Claire kay Clarrence.

Nagtaka naman si Clarrence sa sinabi ni Claire, na parang iba ang ipinapahiwatig sa kanya.

"Moo, may problema ka ba? Bakit parang pagpapaalam ang ipinapahiwatig mo?"

Alalang tugon ni Clarrence kay Claire pero isang matamis lang na ngiti ang ibinalik ni Claire.

Matapos nilang mamasyal inihatid pauwi ni Clarrence si Claire sa kanilang bahay. Agad namang nagpaalam si Clarrence na hindi na siya magtatagal at uuwi narin.

"Moo, uwi nako ha! Hindi nako tutuloy sa susunod nalang at paki kamusta nalang ako kina tita at tito." Masayang sabi ni Clarrence kay Claire na masaya ding tumogon.

"Ah sige Moo ipaparating ko kila papa. Mag-ingat ka pauwi ha!"

Nang sa di kalayuan ay sumigaw si Claire kay Clarrence.

"MOO MAHAL NA MAHAL KITA! WAG MO YANG KAKALIMOTAN HA KAHIT NA ANONG MANGYARI!"

Pagdating ni Clarrence sa kanilang bahay ay dumeritso siya sa kanyang kwarto humiga at nag-isip.

"Bakit kaya ganon si Moo? Parang mag iba eh. Parang iba ang kanyang ipinapahiwatig at parang may tinatagong lihim ba ayaw niyang malaman ko. May alam ba sila tito at tita na hindi sinasabi ni Moo sakin? Kong tawagan ko kaya si tita at tanungin." Pag-iisip niya.

Sa kabila ng pag-iisip ni Clarrence tinawagan niya ang ina ni Claire si Ginang Cathlyn. Naka ilang ring muna ito bago sinagot.

"O iho napatawag ka?" Sabi nito.

"Magandang gabi po tita. Ahh ehh kasi may gusto lang po sana akong itanong sa inyo, kong okey lang?" Paghingi ng paumanhin ni Clarrence.

"Ano kaba iho, wag kanang mahiya magiging parte karin naman ng aming pamilya kaya wag kanang mahiya. Ah eh ano ba ang gusto mong itanong?" Panghihikayat ni Ginang Cathlyn kay Clarrence.

"Ahehe, nakakahiya naman po tita pero salamat po kasi tanggap niyo ako para sa anak niyo. A tita may napapansin ba kayong kakaiba sa mga kinikilos ni Claire?" Pagtatanong ni Clarrence.

"Meron nga Clarrence. Lagi kong napapansin ang pagkawalang gana niya kumain, namamayat na nga eh. Palaging nasa kwarto pag walang klase di ko nga alam kong ano ang ginagawa doon sa kwarto niya at napadalas ang pamumutla at pakawala ng malay niya." Pagtatapat ni Ginang Cathlyn kay Clarrence.

PamamaalamWhere stories live. Discover now