Minsan magigising ka na lang isang araw na parang may iba. Babangon ka, kikilos pero walang buhay. Kay tahimik ng umaga parang naiingayan ka. Di mo mawari bat humantong sa ganito.
Habang lumilipas ang oras pilit mong iniisip bakit ba? Bakit ganito nararamdaman mo, ba't ang lungkot mo? Hanggang bumalik sa ala ala mo lahat ng pinagdaanan mo. Gusto mong umiyak, gusto mong sumigaw pero di mo magawa.
Gusto mo pumunta sa lugar na tahimik sa walang nakakakilala sayo. Gusto mong takasan yung nararamdaman mo at hayaang maiwan yung mga taong nandito.
Simpleng ingay ay nabibingi ang yong mga tenga. Labi mo'y di na magawang ngumiti. Mga mata mo'y punong puno ng lungkot. Mga paa mong pagod ng magpatuloy. Puso mong kay bigat at katawan mong babagsak.
Gusto mo lang naman na ayos ang lahat pero bakit kailangan ganito? At ngayon hinahanap mo ang tahimikan na di mo bakit ba.
Dumating sa punto na pati halaga hinanap mo. Pero anong magagawa mo, ikaw "lang" naman yan.
Di mo alam hanggat kailan mo hahanapin ang katahimikan ng mundo mo. Pero sana sa paghahanap mo, matagpuan mo yung sarili mo.
04¦15¦2019
BINABASA MO ANG
Katahimikan
RandomMinsan darating sa punto na hahanapin mo yung katahimikan ng mundo mo. Kasi pagod ka na sa ingay na paulet ulet mo na lang naririnig. Ingay na walang saysay. Ingay na gigimbala lang sa tahimik mong mundo.