PRESENT-AM-BRGY.13-A
Kasalukuyang nagmamaneho ang bente anyos na binata na si Lucky. Napansin niya kani-kanina lang na may sumusunod sa kaniyang dalawang motorsiklo.
Iniliko niya sa right side ang kaniyang minamanehong 2019 BMW X5 na nagkakahalagang humigit-kumulang $75, 750. Kung saang daan lamang siya sumuot ngunit napunta siya sa isang malubak na daan.
"Malas! Ngayon pa talaga na flat ang tires! Wala pa naman akong dalang extra!"
bulalas niya nang mapagtantong na flat ang hindi lamang isa ngunit apat na gulong ng kaniyang sasakyan."Paano ba 'to? Ngayon lang naman ito nangyari. Never akong minalas sa numerong 13." patuloy na paguusap niya sa kaniyang sarili.
Hindi kalayuan, may isang babaeng nagngangalang Phoebia ang walang kamalay-malay na naglalakad patungo sa direksyon ni Lucky.
Napatigil sa paglalakad ang dalaga nang makitang may humigit kumulang limang lalake ang nakapaligid sa isang mamahaling sasakyan.
Malimit niyang nakikita ang ganoong sasakyan sa lugar kaya agad niyang napagtantong naliligaw lamang ito.Nagtago siya sa likod ng punong kaniyang nakita at pinagmasdan ang nangyayari.
Pinagisipan niya ito ng maigi, kung kikita ba siya kapag tumulong dahil halatang mayaman ang biktima. Tinututukan niya ito at napag isipan ang desisyon.
Sunod niyang pinagaralan ang mga galaw ng ng mga lalakeng nakapaligid dito.
Sa kaniyang pag-eestimate, maaaring walang dalang baril ang mga ito kaya hindi masyadong delikado.
Nag-unat siya at sumugod.
Inuna niyang suntukin ang pinakamalapit na lalake kaya't hindi napansin ng iba pa nitong kasamahan ang paglapit ni Phoebia.
Isang suntok at dalawang sipa, tumba na.
'three down, two more and i'm done'
mahinang bulong ni Phoebia sa kaniyang sarili.
Kumurap-kurap si Lucky sa kaniyang nakita. Naipatumba na ni Phoebia ang limang lalake at hinarap ang binata habang naghahabol ng hininga.
"Ba't ka napunta dito? You should've not entered here. Sa sasakyan mo pa lang halatang bigtime ka. No wonder why ikaw na naman ang target ng mag ulupong na weak. You owe me something."
Hindi napigilan ni Lucky ang mapahanga kay Phoebia. Natulala ito sa dalaga dahil sa kagandahan, tapang at angas. Maputi at mahamis si Phoebia. Dumagdag sa kagandahan nito ang kaniyang kataasan. Kalat pero bagay sa kaniya ang maiksing buhok na hanggang batok.
Napangiti si Lucky na ipinagtaka ni Phoebia ngunit nakapagsalita naman matapos maka recover.
"Ahh. N-Napansin ko kani-kanina pa n-na s-sinusundan nila ako k-kaya iniligaw ko sila. P-Pero muka n-namang ako p-pala ang n-naligaw."
"Mayaman ka pero tanga-tanga. Malamang dito ang tambayan nila. Mabuti at napadaan ako. Oh? May ibibigay ka ba?"
Walang pag alinlangang giit ni Phoebia sabay abot sa kaniyang kamay.
"Ahh. Ehh. Ito muna sa ngayon. Puntahan mo na lang ang address na iyan."
nagpakawala siya ng isang ngiti na may halong pagkailang sabay abot ng isang card.Kumunot ang noo ng dalaga habang binabasa ang piraso ng papel na ibinigay ni Lucky.
"Ahh k. Sige. Ingat ka." walang ganang aniya at tumalikod.
Nagkandauga-uga naman si Lucky at hinabol ang babae.
"A-Ano nga p-palang pangalan mo m-miss?"
Hindi sanay sa mga gani-ganito si Lucky kaya naramdaman niya ulet ang awkwardness.
"Phoebia."
"Ako pala si L-Lucky." giit ng binata sabay abot ng kaniyang kamay.
Tinanggap naman ito ng Phoebia at napapitlag sa kaniyang nakita. Ang numerong kaniyang kinatatakutan.
Agad siyang tumalikod, tumakbo at lumayo. Mabigat ang paghinga, pinapawisan at hindi mapakali.
Si Lucky naman ay naiwang tulala ngunit unti-unti ring sumilay ang nakakalaglag panty na ngiti sa kaniyang labi.
"Phoebia. Interesting huh." pag uusap niya sa kaniyang sarili at kinuha ang kaniyang telepono para tawagan ang kaniyang kanang-kamay.
___________________________
This work is a work of FICTION. F-I-C-T-I-O-N. FICTIONNNNNNNNN! kaya kung may mali man ditoz
well it's FICTIONNN meyns.Triskaidekaphobia is the fear of the number 13.
Vote mga meyns for the mext chapter.
Wala pa akong pang book cover. -___________-
BINABASA MO ANG
Thirteen
Mystery / ThrillerI'm Thirteen, and I'm afraid of my name. I'm no a paranormal expert and such, I don't even believe in those things but all I know is when I hear them call me, I freeze, I panic, I start to cry. ironic isn't it? well, that's how my life works.