Chapter 74:Finale Graduation Day

61 0 0
                                    

After 2years.....

Xandria's P. O. V

It's been two years since magkaaminan at maayos lahat ng gulo sa lovelife issues ko. Natapos at nasagot lahat ng mga tanong ko.

Nagpatuloy yung relationship namin ni Kiann at sobrang saya ko. Not until today.

" Oh iha hindi ka pa ba tapos dyan? Baka malate tayo sa pagmamartsa mo. " Sita sakin ni Mommy nang makitang nasa harapan pa din ako ng salamin.

" We shouldn't be late lalo na at importanteng araw to sayo anak. " Dagdag ni Daddy na nasa likuran lang pala ni Mommy.

Ngumiti ako sa kanila at tuminging muli sa salamin...
I felt mom hugged me.

" We are so proud of you anak! Yung makagraduate ka lang masaya na kami ng Daddy mo don, pero binigyan mo pa kami ng bonus! Sumacumlaude ka pa! "

I hugged her back and smile. " Para po sa inyo lahat ng ito Mom and Dad! "

" Pero bakit parang malungkot ka iha? Hindi pa rin ba kayo ok ni Kiann? " Dad asked me.

Napayuko ako at umiling.
Yes. We're not okay.

Dad held my back. "Don't worry anak. I'm sure he'll be there. Hindi ka naman matitiis ni Kiann. "

"What if hindi? Dad one week nya nang iniignore lahat ng messages and calls ko. Dati isang araw lang akong magalit sa kanya pupuntahan nya na ko dito sa bahay, pero ngayon 1week n dad! Baka ayaw nya na talaga sakin. " Halos mangiyak ngiyak kong turan kay Dad.

Bakit naman kasi ngayon pa kung kailan graduation day ko pa. Sila tita Jassmine and tito Kier confirmed that they will be there pero yung damuho nilang anak hindi pa ko kinakausap until now.

" I know Kiann. He loves you. I'm sure he will not miss this special day of yours. "

"How I wish Dad.. "

"Just trust Kiann,honey.okay?" Mom added.

"So let's go? Baka malate pa tayo. " Akit na ni Daddy sa amin.

Nakasakay na kami sa kotse pero hindi pa rin maalis sa utak ko na baka hindi pumunta si Kiann sa graduation ko.

Bakit ganon? Ako pa ba yung may kasalanan samantalang siya nga yung nakita kong may babaeng lumalandi sa kanya? Sino ba naman matutuwa kung makita mong yung boyfriend mong alam mong nagtatrabaho eh nakikipagharutan lang pala sa secretary nyang mukang payaso sa kapal ng makeup at parang laging kinukulang sa tela kung manamit?

Grrr! Nakakainis!

Kaso 1week n nya kong hindi kinokontak. Nagsawa na ba siya talaga sa ugali ko?

*Fast Forward....

Nasa school na kami pero wala pa ring Kiann. Naandon na sila Tita Jass at tito Kier. Binati lang nila ko saglit tsaka sila umupo sa designated chairs nila..

"Miss suma cumlaude congratulations! " bati sakin ni Adrian kasama si Wendy na ngayon ay nililigawan na niya. Sabi na eh, may something sa dalawa na to noon pa man.

"Thank you! Asan yung iba? "

"Naandyan lang yung mga yun. Si Nikka of course kasama ni Cholo with Erick, Drake and Joshua. " Saad ni Wendy.

"Oh ayan na pala sila eh! " Adrian uttered.

"Hi sissy! Congratulations! " Nikka kissed and hugged me. I hugged her back.

" Si Emily? " I asked.

Napansin ko namang nagkatinginan silang lahat. Joshua shrugged his shoulders. I looked at Drake, alam ko kasing bantay sarado nya si Emily.

Yeah, nililigawan din ni Drake ngaun si Emily. In fairness to him halata mo kung gaano kaimportante sa kanya si Emily.

" Hindi ko nga alam. Hindi sinasagot mga tawag ko. Tinotoyo na naman siguro. " Drake answered. Para rin palang kuya niya.

"Hi! Late na ba ko? " suddenly Gladys appeared.

"Gladys! " We exclaimed. Isa isa din kaming yumakap sa kanya para icongratulate siya.  Pero nung si Erick na iniwasan nya ito.

Ganon pa din sila,minsan okay madalas hindi. Ewan ko ba sa dalawang yun halata mo namang gusto pa ang isa't isa pero ayaw naman nga umamin.

" To all graduating students please proceeds to your lines and audiences please take your seats. The program will start any minute from now " Narinig naming sabi ng host nang araw na iyon.

Kanya kanya na kaming punta sa mga pila namin at nagpaalam kila Cholo, Drake,Erick and Joshua. Dahil ahead sila samin ng isang taon.

"Congratulations Xandy, I know this day is one of your happiest day in your life! " pahabol ni Joshua bago tuluyang umalis.

I smiled back. "Indeed. "

Luminga linga ako pero wala pa rin akong makitang Kiann sa paligid. Halos maluha luha ako. Natiis nya ba talaga ko? Tapos hindi ko pa nakausap si Emily para makabalita man lang kung may balak magpakita yung lalaking yun dito. Huminga na lang ako ng malalim at lumakad na. Pumapailanlang na sa buong University ang tugtog para sa graduation march.

Natapos na't lahat ang program ay hindi pa din nagpapakita si Kiann. Kahit nung umakyat ako sa stage para mag speech ay hindi ko pa din siya nakita. Hindi ko napigilan ang hindi lumuha habang nag iispeech para sa mga kapwa ko estudyanteng magsisipagtapos,kaibigan,sa mga magulang at higit sa lahat para kay Kiann. Ang sakit isiping hindi nya narinig ang mga pasasalamat ko para sa kanya. Na bukod sa mga magulang ko ay siya ang ang silbing inspirasyon at pinaghugutan ko ng lakas para maging suma cumlaudeng katulad niya.

Bakit kaya hindi siya nakapunta? Anong dahilan? Sinadya nya ba talaga ang hindi ako siputin sa espesyal na araw kong ito? Nangako siya na siya ang unang unang papalakpak sa oras na binanggit ang pangalan ko pero ano? Wala siya!

Pinipilit kong ngumiti sa mga bumabati sakin. Kasabay ang pagbabakasakaling dumating pa si Kiann.

"Sis! Congratulations! "

Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Emily at binati ako.. Well... Talaga namang present siya dahil isa din siya sa mga grumaduate.

"Congratulations din Ems! " Balik kong bati sa kanya. " Ahmmm.. Alam mo ba kung bakit hindi nakapunta si Kiann? " awtomatiko kong tanong matapos naming maghiwalay sa pagkakayakap.

Emily's happyface turned to worried expression. "Actually sis hindi ko makontak si kuya since yesterday. Ang sabi nya sakin may inaasikaso lang daw siya sa office but then kahapon nung tumawag ako to confirm if pupunta siya and to ask if may surprise ba siya sayo....hindi ko siya makontak.. Even dad and tita jass don't know where he is. " Mahaba niyang litanya.

"Ano kayang nangyari sa taong yon? "

Maya maya pa ay isa isa nang nagsipaglapitan sa pwesto namin ang barkada together with their parents para bumati.

Malugod ko namang tinanggap ang mga pagbati nila.

" So saan ba ang celebration natin? " Adrian asked.

"Ayan ang patay gutom! " Wendy uttered.

Tawanan ang pumailanlang sa grupo sa tinuran nyang iyon.

"SandAli... Parang may kulang sa barkada niyo? Where's Kiann anyway? " Tanong ni Tita Wanda na mommy ni Wendy.

Napatingin silang lahat sakin. Full of questions in their eyes and worried face nang hindi ako makasagot.

Pano ako sasagot kung hindi ko naman alam ang isasagot?

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now