Niña
Pagkadating namin sa holding area ay nakita kong tinatawag ako ni Ate Chelsea kaya lumapit ako sakanya
Pero dahil nakaalalay parin saakin si Charles ay nagpaalam muna ako sakanya "Charles, puntahan ko lang si Ate Chelsea ha"
"Ahh sige sige, mauna na din ako magbibihis pa ako eh. Kita na lang tayo sa after party" pagkatapos nun ay tinapink niya lang ako sa balikat pagkatapos ay umalis na din siya
Lumapit ako kay Ate Chelsea pagkatapos ay nagyakapan kami
"Congrats baby girl ang galing mo kanina ha, you slayed that ramp earlier and I'm proud of you for being able to do it with confidence"
"Thank you Ate, syempre di ko naman magagawa yung in the first place kung di mo ako pinili bilang proxy ng partner ni Charles eh"
"Hindi nga ako nagkamali na piliin ka. Speaking of Charles, ang galing niyo din sa final walk niyo together ha! Tsaka ang lakas ng chemistry niyo, bagay kayong dalawa" pangaasar niya saakin
"Ano ka ba Ate, friends lang kami ni Charles noh tsaka laki din ng pasasalamat ko sakanya kasi tinulungan niya ako throughout the whole process"
"Sus eh diyan din naman naguumpisa lahat eh, basta ako I just want you to guard your fragile heart ok! Ayoko lang makita kang umiiyak nanaman ng dahil sa lalaki, last ng magpapaiyak sayo si dad"
"Yes po!"
"O sige na tara na't magbihis ka na at kailangan na nating umalis, naghihintay na sila Mama saatin. Samahan na kita, baka kailanganin mo din ng tulong para matanggal yang gown mo"
Naglakad na kami ni Ate papuntang dressing room. Pagdating namin ay agad akong nagpatulong kay Ate na tanggalin yung gown ko pati na din yung hair piece at heels ko pagkatapos ay sinuot ko na ulit yung casual clothes ko bago ako tuluyang lumabas ng cubicle
"Ate saan ko po ilalagay yung gown, hair piece at heels?"
"Iwan mo na lang diyan yung mga ginamit mo, may kukuha naman niyan mamaya"
"Ahh sige po!" nilapag ko yung gown sa may upuan dito sa labas ng cubicle tapos pinatong ko dito yung hair piece at iniwan ko naman sa tabi yung heels na sinuot ko
"Niña ano ready ka na ba?"
Kinuha ko lang yung bag ko pagkatapos ay sinagot ko na siya "Opo eto na"
Magkasama kaming lumabas ng venue papunta sa kotse ni Ate Chelsea. Pagkasakay namin ay naalala ko yung after party na para sana sa lahat ng bumubuo ng fashion show
"Ate oo nga pala, di ka ba aatend dun sa after party?"
"Hindi na kaya ng time eh, andun na daw sila Mama sa restaurant hinihintay tayo"
"Ahh ok po"
Habang nasa byahe papuntang restaurant ay nagchikahan lang kami ni Ate tungkol sa experience ko kanina sa fashion show. Kinuwento ko sakanya kung gaano kakuwela at nakakatawa si Mamshie Albert tsaka kung gaano kabait yung designer ng sinuot namin kanina. Kinuwento ko din sakanya na hindi ko inaakalang mageenjoy ako pero fortunately nagustuhan ko naman yung experience. At syempre di natin makakalimutang ikuwento kung gaano kabait at kagentleman si Charles.
"Alam mo Ate nung una sobrang kabadong kabado ako kasi syempre first time ko to pero laking pasasalamat ko kasi sobrang bait ni Charles. Nung una akala ko tahimik lang siya tsaka snob pero laking gulat ko kasi sobrang friendly niya, siya mismo yung nagkusang kausapin ako. Ang laki ng itinulong ni Charles saakin kanina kasi habang kinakausap niya ako unti-unting nababawasan ung kaba na nararamdaman ko, tsaka siya din yung nag guide saakin all through out the process lalo na sa gagawin ko walk. Sobrang supportive niya Ate, lagi niyang binoboost yung confidence ko para mawala yung kaba ko. Thankful ako kasi siya yung naging kapatner ko!" masayang pagkukuwento ko sa Ate ko
"Wow Niña ha, I can definitely tell na nag enjoy ka sa experience mo kanina and I'm glad that you're happy. Atleast you gained a new experience and learned a few lessons along the way. Proud nga ako sayo kasi you were able to do it kahit nung una eh ayaw mo pa hahahhahaha."
"Syempre alam mo namang mahiyain ako Ate tapos biglang pipilitin mo akong mag model hahahahhahhaha. Pero thank you dahil pinilit mo akong gawin yun, atleast I was able to try something new bonus pa na may nameet akong new friends tulad ni Mamshie Albert at ni Charles"
"Nakuu friend lang ba talaga si Charles?!?" pang aasar saakin ni Ate
"Ano ka ba naman Ate, syempre no friends lang kami"
"Ehh kasi naman first time kitang marinig na magsalita at magkuwento ng ganun about a guy, sobrang puring puri mo eh hahahhhahaha"
"Sobrang bait lang kasi talaga ni Charles tsaka ang laki talaga ng tinulong niya saakin"
"Ok fine mukhang di naman ata ako mananalo sayo eh hahahahahha"
Maya maya lang ay dumating na kami sa parking lot ng restaurant. Buti na lang at mabilis lang ang naging byahe namin kasi nakakahiya kila Mama dahil andito na daw sila hinihintay kami kanina pa. Pagka parking ni Ate ay sabay na kaming naglakad papasok sa restaurant. Pagpasok namin ay agad naming nakita sila Mama kasama ang buong pamilya. Lumapit kami sakanila at nagbless kami kila Mama at Tito Troy pagkatapos ay nakipagbeso kami kila kuya habang binigyan naman namin ng isang hug si Athena
Konting kuwento lang about sa family background ko. Seperated na yung parents ko kasi nambabae yung father ko tsaka lagi niya kaming sinasakatan ng Ate ko kaya naghiwalay na sila ni Mama 13 years ago. Meron akong dalawang Kuya, sila Kuya Jake at Kuya Ethan at isang Ate, at yun ay si Ate Chelsea na nung una ay kinukuha nung father namin pero dahil ayaw pumayag ni Mama ay nag file siya na sakanya mapunta yung custody naming tatlo. 10 years ago nakilala niya si Tito Troy and naging mabuti silang magkaibigan hanggang sanaging sila na eventually ay nauwi din sa pagpapakasal. Si Tito Troy na yung tumayo naming ama kasi bata pa lang kami nung maghiwalay yung parents namin kaya growing up siya na yung nakilala naming father figure. 5 years ago nadagdagan ang pamilya namin dahil nagkaroon na ng Athena. Ngayon masasabi kong masakit man yung nangyari sa family namin dati ay atleast nakakarecover na kami.
Agad na humingi ng tawad si Ate dahil na late kami sa family dinner "Ma, Tito sorry we're late, galing pa po kasi akong work"
"It's ok hija we understand naman" nakangiting tugon ni Tito Troy sabay abot ng mga menu saamin.
Akala ko makakaligtas ako sa pang aasar ng mga kuya ko ngayong gabi pero hindi pala dahil maya maya lang ay nagsalita si Kuya Jake "Oh teka lang, parang may napapansin ako kay Niña, bakit parang naka makeup siya? Wow ha, himala ata toh, wag mong sabihing nagdadalaga ka na"
Pagkatapos niya ay nagsalita na din si Mama "Oo nga noh, anak ba't ka naka makeup?"
"Uhmm kasi po diba sumama ako kay Ate sa work niya, eh kinailangan po nila ng proxy para dun sa kapartner nung isa sa mga model nila kaya po ayun napili po ako ni Ate na maging proxy" nahihiya kong pageexplain sakanila
"Wow Ate Niña so ibig pong sabihin nag model ka?"
"Yes baby girl" nakangiti kong sagot kay Athena na nakaupo sa tabi ko
Nagsalita naman si Tito Troy na ikinagulat ko din "Wow! that's something new for you pero that's good kasi atleast you tried something new and let me tell you na sobrang ganda mo lalo na ngayon na naka makeup ka"
"Ayy thank you po"
"Oo nga pala pumili na kayo sa menu ng order niyo, nakapag order na kami kaya ihahabol na lang natin yung inyo"
For the rest of the night ay nagkuwentuhan, kulitan at tawanan lang kami. Minsan na lang din kasi kami makumpleto at makapagbonding kasi may kanya-kanya na din gaming ganap sa buhay. Si Kuya Ethan ay sa ibang bansa nagaaral habang si Kuya Jake naman ay sa Batangas nakatira kasi dun yung work niya, sila Mama at Tito Troy naman busy sa work tapos si Ate Chelsea naman ay nakahiwalay na din ng tirahan, habang ako ay nakikitira sakanya kasi mas malapit ito sa school ko kesa sa bahay nila Mama.
-iamgabby