34

3.1K 126 10
                                    

Vomit was the constant thing in her mornings simula noong huling beses siyang binisita ni Ichiro.

When was that again? Marahil ay humigit kumulang isang linggo na naman ang nakalipas, kung hindi nagkakamali ang kalkulasyon niya sa kanyang paggising at pagtulog.

Inside the dungeon, she has no sense of time. Walang kahit anong patunay na may araw pa, o buwan o kahit ano. Everything was dark aside from the small bulb that lights some parts of the place. Enough for her to see the food that was placed on the small opening in her prison cell.

And then today, it was ration time again. Malayo pa ay amoy na amoy niya na ang sibuyas sa pagkain na dala ng isang elite. It was so pungent that she has to pinch her nose to stop her puke.

"Hindi ako kakain, please bring that back." pakiusap niya dito ng hindi tinatanggal ang takip sa ilong.

The elite looked at her curiously for  minute but turned to go, totally forgetting her plea.

Tumayo siya saka iritadong lumapit sa rehas at marahas na kinalampag iyon.

"I said, bring the food back or throw it away! I hate the smell of the onion!" Singhal niya dito.

Sa inis niya ay kinuha niya ang food tray saka itinapon iyon sa kung saan. Sa mess made the smell all the more powerful dahilan kung bakit hindi niya na napigilan at walang pakundangan siyang sumuka sa lugar kung saan siya mismo nakatayo.

It was a long and ardous vomiting, and the moment that air went back to her lungs, all she was able to say was a simple, "Oh fuck," before another set took her by storm.

Damn it.

Kung hindi pa siya sigurado dati, this time, itataya niya ang kalahati ng kayamanan niya, that she is absoulutely positive that she's carrying the Iceman's child. Ganun din yata kase ang ugali ng embryo sa tiyan niya. He is one hell of a dominant hot-headed embryo.

Patakbong umalis ang elite na animo'y nakakita ng multo sa inasal niya. Napaupo si Moira sa sahig na medyo may kalayuan sa kalat saka hinilot ang sentido.

Report time.

Minsan, gusto niya na lang na mamatay para naman matigil na ang kalokohang ito. She doesn't know what Ichiro plans to do, but the hormones and the baby is making her a little too emotional. Gusto niya nang magpahinga.  Gusto niya nang itigil ang lahat ng ito. Pagod na pagod na siyang palaging sinasabihan ng gustong mangyari ng mga tao sa paligid niya. For once, she wanted to be the boss. For once she wanted peace.

Lumayo siya sa dumi at bumalik sa dilim. In the dark, they won't see what she is planning to do. In her darkness, they are dark too.

------

Kagyat na napatigil si Winter bago humugot ng malalim na hininga. Cade is watching him and he knows that he has to report somehow.

"I believe she's pregnant." bulalas niya sa leader, not thinking that there are also other elites present.

Natahimik ang lahat.

"She yelled that she doesn't like the smell of onions and that I should just bring the food back or throw it away. Hindi ko siya pinakinggan kaya tinapon niya yung pagkain. And then she threw up! For goodness sake, kung hindi siya buntis, I doubt kung aswang siya! That vomit was enough to shower the entire floor." Mahabang paliwanag nito.

"Kailangang malaman to agad ni Boss." Usal ni Khian, ang isa sa kambal.

Kumunot ang noo ni Caden bago umiling. "He will just make the situation worse kapag nalaman niya. Ang mabuti pa, let's make him take her back to her room."

"Paano? Tigas din ng ulo ng isang yun e. Nakita mo ba kung pano siya magtelebabad sa CCTV? E kung kunin niya na lang at suyuin, edi sana walang nahihirapan." Reklamo din ni Kier.

Since everything fell off the grid, maging ang mga elite ay nahirapan na din. They always have to tiptoe when it comes to the Boss. Palagi kasing mainit ang ulo nito.

Lahat sila ay napailing nung kahit na isa ay walang maibigay na ideya. This kind of situation is way beyond their capacity. Wala pang ni isa ang nakaranas ng ganito kaya naman lahat sila nawiwindang sa ikinikilos ni Ichiro. They have technically no idea on how to proceed.

They were quiet for a little moment. Lahat ay nag-iisip ng paraan kung paano paaamuhin ang boss para naman makabalik na sa dati ang lahat. They were in that postute when one of the elites who was looking at the CCTV straightened.

"Incoming." Mahinang saad ni Ashton. "In three, two.."

"Sumuka na naman?" Biglang bulalas ni Caden kasabay ng pagbukas ng pinto ni Ichiro.

Makabuluhang tinginan ang nangyari sa loob ng kwarto habang ang mga turnilyo ay isa-isang umikot para sabayan ang ginawa ng leader.

"Yes Boss. Hindi ko mawari kung naninibago ba ang katawan niya sa kulungan o baka iyon na yung tinatawag na claustrophobia." Paliwanag ni Winter habang kumikindat kay Ashton.

Ashton also took that as a clue to enter the story.

"Yan din ang problema ni Kami diba? Skye once mentioned that when Kamila suffers from claustrophobia, nagsusuka daw at nagkakaroon ng anxiety attack. Ang alam ko karamihan sa ganyan iyong hindi rin makahinga e." Award-winning na paliwanag ng maskuladong elite.

They listened.

Kunyare ay hindi nila alam na andun si Ichiro sa pintuan at nakikinig.

Subalit nung nagkaroon ng mahabang lapse at wala silang narinig mula sa pinto, kandautal si Winter sa pagdugtong para maging makatotohanan ang palabas.

"K-k-kawawa naman pala." Was his lamest rejoiner.

Napatawa ang lahat lalo na ang pinakamalokong si Kier.

Maang naman na napakurap si Winter ng hindi maintindihan ang dahilan ng tawanan.

"What fuckers?" Bulyaw niya sa mga kaibigan.

Humagalpak lalo ng tawa si Kier saka nilapitan ito.

"Ikaw na siguro Win. The worst actor in the history of Philippine drama."

"What the fuck?!" asik niya sabay tulak sa gago.

He pivoted to see if the boss heard what Kier had just said only to find an empty hallway.

Cade chuckled. "Kanina pa siyang umalis bro. Sa unang stanza palang ni Ash."

Siniko siya ni Kier saka inakbayan ulit. "Baby Win, ako din kaawaan mo please. Sumama kana sa condo ko." Pabebeng usal nito saka kinalikot ang tenga niya.

"Stop asshole. Landi mong bakla ka."

"Ehhhhmmm, naman kase. Pagbigyan mo na ako oh."

Binunot niya ang cellphone sa bulsa saka dinial ang kaisa-isang numero na nagpapatahimik sa gago.

Unang ring, sagot agad. Ngumisi siya bago nagsalita.

"HELLO, GIANA?"

Katahimikan, pagkatapos ay.. "Fuck you-ng gago ka! Nakakatuwa ha? Hayop na to."

Inagaw nito ang cellphone sa kanya saka buong lambing na kinausap ang nasa kabilang linya. Pero bago yun, tinapunan muna siya nito ng middle finger.

"Hel--" ngumiwi ito bago inilayo ang cellphone sa tainga. Pagdaka ay ibinalik din iyon. "No baby. I was just kidding. Hahahaha. Of course not. Of course baby. Hahahaha. I love you more. Bebe time mamaya ha. Don't you dare sleep on me woman! Pang-ilang gabi na to!"

And then bam. Naubos na naman ang load niya dahil sa hayup.

Naiiling na binalingan niya si Cade.

"What now?" tanong niya.

Cade just looked at him and smiled.
"Now, we wait."


----

A/N:
so hard to write when you are in pain. 💔

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon