" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SIX
Maybe he's that transparent dahil hindi ito nalingid sa kasamahan niya sa trabaho.
"Pare don't get me wrong pero can I ask you a question?" Pukaw ni Anthony sa kanya habang nasa daan sila pauwi.
"Sure pare, ano ba kasi ang tanong mo? Para ka namang iba diyan na kailangan mo pang magsabi bago magtanong." Tugon naman niya.
"Natural pare dahil ayaw ko namang may masabi ka na bakit ko pinapakialaman ang buhay mo. But by the way, may gusto ka ba sa piloto nila sir?" Sagot at balik tanong nito sa kanya.
In his mind, iyun lang pala ang itatanong. Akala naman niya'y kung ano na ito.
"I was once hurt by this love pare, sabi ko sa sarili ko kapag may magpapatibok ng muli sa puso ko ay hindi na alo magsasayang ng panahon. And to answer your question, I am a foolish guy kung itatanggi kong may gusto ako sa kanya. Kaya ko lang naman siya pinakatitigan kanina dahil hindi ko lubos maisip na ang flight attendants pala na nakikilala ko when I came here in LA ay isa pa lang piloto. Satisfied my friend?" Walang pag-aalinlangang sagot ng binata.
"Yes I am pare at labis kitang hinahangaan dahil sa pagpapakatotoo mo sa iyong damdamin. Pero may sasabihin ako sa iyo and hopefully hindi mo ito mamasamain." Sabi ni Anthony pero ang mga mata'y nakatutok pa rin sa daan.
Kaya naman napalingon dito ang binata, sinungaling siya kung hindi niya aamining napukaw ng kuryusidad ang pakiramdam niya.
"What do you mean by that pare?" Tanong niya dito.
"Bilang kaibigan mo pare, ayaw kong magkabanggaan kayo ni boss. Kaya iyun pumunta ng Pilipinas dahil ang mommy niya although not his biological mother, ay tiyahin ng piloto na hinahangaan mo. Yes we may say may the best man wins pero pare ayaw kong pigilan ka dahil alam kong may paninindigan ka. And to make the story short pare lahat ng kumakalaban kay boss ay may kinalalagyan." Makahulugang sagot nito.
"Ang ibig mo bang sabihin 'pre kasintahan ni boss si miss pilot?" Tanong naman ni Hendrix.
"How I wish na sila na nga para may rason na walang makaaligid sa kanya pero hindi pa. Kaya kita binabalaan dahil baka mabigla ka." Sagot ni Anthony.
This time, napangiti na ang binata. Kung sa kasawian niya sa unang pag-ibig ay dahil sa anak mayaman din, nagmamahalan ang dalawa kaya hindi na siya umeksena. But this time na wala naman pa lang relasyun ang dalawa'y hindi siya papayag na basta manahimik na lamang.
"Pare salamat sa paalala. As you say so, may the best man wins. Total wala naman pala silang relasyon I'll pursue mine." May ngiti sa labi na sagot ni Hendrix.
Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga De Luna o sa tahanan ng mag-aamang Clyde, Duncan, Claudette.
"Anong tingin n'yo mga anak, anong oras darating ang kapatid ninyo?" Tanong ng padre de pamilya.
"Baka nasa himpapawid pa iyun daddy, Los Angeles iyun kaya hindi pa namin masabi kung kailan ang lapag niya dito sa Baguio." Sagot ni Duncan pero ang mga mata'y nakatutok sa monitor.
"Tama si kambal daddy kaya kung ako sa iyo umakyat ka na sa room mo at matulog. Ikaw din papagalitan ka din ni bunso kapag wala kang tulog. Alam ko namang ayaw na ayaw niya na pinapabayaan mo ang sarili mo." Sabad naman ni Claudette.
In his mind, ( Clyde) napakasuwerte niya dahil nawala man ang kanyang asawa noong maliliit pa ang kanilang mga anak pero hindi naging sagabal iyun upang hindi niya mapalaki ang mga ito. Sa ilang sangay ng detective agency na itinatag niya noong panahong hindi pa sila mag-asawa ng yumao niyang mahal mas lumago ito. Masuwerte siya sa mga magulang at kapamilya, lalo na ang mga magulang niya na magpakahanggang ngayon ay nandiyan pa rin na nakaalalay sa kanilang apat ng mga anak niya. His childrens? He can't say anything to them dahil nawala man ang ina ng mga ito pero lumaki namang may dignidad, may takot sa Diyos, at may malasakit sa kapwa.
BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.