Prolouge

30 6 1
                                    


"Venven! Hintayin ko naman akooo! Saan ba tayo pupunta?" Naiinis na sigaw ng limang taong gulang na batang babae habang siya ay hinihila ng kaibigan niyang si Venven. Mag kaidad lang sila.

"Somewhere Harm! Just follow me!" Natatawang saad ng batang si Venven. Nakasimangot na sumunod naman ang batang babae na nag ngangalang Harm. Habang ang isang batang babae naman na nag ngangalang Venven ay nakangiting nakatingin kay Harm. Sobrang saya ng batang si Venven dahil kasama niya ang pinaka matalik niyang kaibigan.

Ipinag patuloy nila ang kanilang pag lalakad hanggang sa "Nanditooo na tayooo Harm!" Tuwang tuwang saad ni venven ng makarating na sila sa kanilang pupuntahan. Kaagad namang napatingin si Harm sa lugar at may nakita siyang bahay na maliit na kinahangaan nito "Wow." Yan na lamang ang nasabi ng batang si Harm.

Nagtaka naman ang batang si Harm kung paano nagawa ng kanyang kaibigan ang maliit na bahay bahayan na ito "Venven paano mo ginawa ito?" Tanong ng batang si Harm.

"Tinulangan ako ni papa na gawin yan para daw hindi natin sila magulo hehe." Saad ng batang si venven dahilan para matawa ang batang si Harm. Hinawakan ng batang si Harm ang kamay ni Venven "Pasok na tayo sa loob venven!!" Tuwang tuwang saad ng batang si harm ay hinila niya na si venven papasok sa kanilang bahayan bahayan.

4 years later..

"Do you really need to go?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Venven sa batang si Harm.

"Sabi kasi ni dad ehh." Malungkot na sagot ng batang si Harm dahil sobrang labag sa loob niya na iwan ang kanyang nag iisang kaibigan.

"Babalik ka?" Tanong ulit ng batang si Venven, pero napayuko na lamang ang batang si Harm dahil hindi nito alam ang kangang isasagot. Hindi na napigilan ng batang si venven ang kanyang luha. Sobrang nalungkot ang batang si Harm dahil nakikita na ang kanyang kaibigan na umiiyak "B-babalik ako! P-pangako." Saad ng batang si Harm pero hindi ito sigurado sa kanyang naging sagot.

Dahil doon ay tumigil ang batang si Venven sa pag iyak at tumingin ito kay Harm " Talaga!? Hihintayin kitaaa!" Masayang saad ng batang si Venven. Napangiti naman si Harm dahil hindi na umiyak pang muli si Venven.

"Harm." Agad na napatingin si harm kay Venven

"Bakit venven?" Sagot naman ng batang si Harm.

"Kapag namiss mo ko pwede ka bang tumingin sa langit?" Nakangiting saad ni Venven habang nakatingin ito sa langit. "Bakit naman?" Tanong naman ng batang si Harm.

"Kasi nasa ibaba lang tayo ng iisang kalangitan, kapag tumingin ka sa langit para narin tayong nag kita because we're looking at the same sky." Makahulugang saad ng batang si venven.

"Paano ko malalaman kapag nakatingin ka rin sa sky?" Tanong ng batang si Harm.

"I will always look at the sky and always remember you Harm!!" Masiglang saad naman ng batang si Venven. Nawala ang lungkot na namamagitan sa kanilang mag kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NETHERCOTT[GXG](on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon