A/N:
-All rights reserved . No part of this document may be reproduced in any form or by electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without prior permission from the author. Plagiarism is a crime.
The names of my character was my friends name.
Enjoy reading ^_^
Lhesa's POV
Naglalakad na ako pauwi ngayon dahil hindi ako hinatid ni clint. Ang boyfriend ko. Busy daw siya dahil may basketball practice kaya naiintindihan ko. Hindi kasi ako yung klaseng tao na madaling magselos. Ano naman ang pagseselosan ko sa basketball practice na yun? Yung mga team mates niya? Grabe naman. Parang sinasabi ko naring bakla siya.
Nabigla nalang ako ng may humawak sa braso ko at mapwersang pinaharap sa kanya. Nanlaki ang mata ko at tinignan siya ng masama. Siya na naman? Kailan ba ito titigil?
"Makipaghiwalay ka na sa kanya." mariing sabi niya sa akin na nagpatawa sa akin. Sino ba siya para pag-utusan ako? Kaibigan ko lang siya pero noon na lang yun ng simula niya na akong pagsabihan ng kung ano ano tungkol sa boyfriend ko.
"Bitawan mo ako." at nagpupumiglas ako para makawala sa hawak niya subalit ang higpit ng pagkahawak niya. "Bitawan mo nga ako zaldy!"
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka nakikinig sa akin!" sigaw niya sa akin. "Lhesa, niloloko ka lang ni clint! For God sake!"
"Shut up already zaldy! Hindi mo alam kung sino talaga si clint! He is sweet, kind, caring at marami pang iba! Nasa kanya na lahat ng katangian na gusto ko sa lalaki." and then, I saw sadness in his eyes. I don't know why, pero nasasaktan rin ako."Bitawan mo na ako zaldy." binitawan niya na ako kaya tumakbo agad ako papalayo sa kanya. Naramdaman ko nalang na tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako dahil bestfriend ko siya pero ngayon hindi na. Masakit mang isipin na wala na siya pero yan yung pinili niya.
Mahal ko si clint noon pa. Supportive si zaldy sa akin noon pero ngayong naging kami, lagi niya na akong sinasabihan na niloloko lang ako ni clint. Hindi ko alam kung ano ang problema niya.
Pagkarating ko agad sa bahay ay tinignan ko ang phone ko. Hindi siya nagtext. Busy siguro. Nagpalit agad ako ng damit at humiga sa kama.
Ang mga mata niyang malungkot. Bakit hindi maalis sa isipan ko? Bakit nasasaktan ako?
Tumunog yung phone ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan. Napangiti nalang ako ng tumawag siya. Hindi niya ako niloloko. Sinisiraan lang siya ni zaldy.
"Hello?"
(Hi lhesa. Sorry kung hindi kita nahatid ngayon.) napangiti nalang ako.
"Okay lang. Alam ko namang busy ka." napaupo nalang ako sa kama ng may narinig akong tawa ng babae. "Sino ang kasama mo? Bakit may boses ng babae?"
(H-huh? Mga team mates ko lang yan. Ano ka ba! Sa tingin mo mangbabae ako?)
"Bakit ka galit? Nagtatanong lang ako."
(Hindi ako galit.)
Napabuntong hininga lang ako at napahiga ulit. "Sorry."
"Sige. Pauwi na ako, bye. Magkita nalang tayo bukas." at binaba niya na ang call. Hindi man lang nagsabi ng i love you. Hmmp.
Kinabukasan~~
Ako ulit mag-isa ang pumunta sa school. Nagpapahatid daw kasi ang kapatid niya. Sanay na ako sa mga excuses niya and I trust him.
"Mag-isa ka ulit. Saan yung boyfriend mo?" nagitla nalang ako at napahawak sa dibdib ko ng lumitaw siya sa harapan ko. Kabuti ba to?
"None of your business."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (oneshot)
Short StoryEverthing happened for a reason. Just like love. Yung hindi mo pinaniniwalaang tao yun pala ang mahal mo. Hindi mo kasi alam ang takbo ng buhay kung hindi mo mararanasan ang mga bagay bagay kahit masakit man ito o hindi. Just like what happened to m...