SAYA

5 1 0
                                    

Nag-umpisa sa "Hi"
Nagtapos sa "Bye"

Bakasyon nung ito'y nagsimula
Naiinip, Nababagot

Walang magawa
Kundi matulog

Isang araw biglang nakita
Ngiti sayong mata
Nagsisi na sana'y hindi nalang nakita

Patuloy na nangungulit
Ilang beses naulit

Naiinis
Nagagalit
Bakit ba ang kulit?

Pinagbigyan
Hinayaan

Nagtiwala
Napahanga
Unti unting lumalala

Nagdaan ang mga araw, buwan
Mensahe mo laging hinahanap

Mga banat mong kay sarap balikan
Mga paalala na laging tinatandaan

Mga pangakong kay sarap sa mata
Mga mensaheng puno ng saya

Mga alalang binuo nating dalawa
Mga kilig na laging dala
Mga ngiting abot hanggang mata

Hindi namalayan
Nahulog na ng tuluyan

Isang araw, umamin ka.
May paghangang nadarama.

Hindi alam ang gagawin, hindi makakilos, natataranta.

"Aaminin ko rin ba?"

Hindi ko alam, pero napangiti nalang bigla.

Lakas loob na umamin.
Pikit matang nanalangin
Na sana'y paghanga'y masuklian din

Ako'y natuwa, kalauna'y nadismaya.

Mga pangakong, hanggang sabi lang pala.

Hindi ko akalain.
Na sayo'y mangagaling.

Mga salitang sa ngiti'y papawi

Mga salitang masasakit
Walang sawang panlalait
Ako'y minaliit
Hindi sukat akalain

Hindi sukat akalain
Sayo mangagaling.

Bakit ba kasi nagtiwala?
Ilang beses naluha.

Mga sana na sana'y ginawa.

Na sana'y pinabayaan.
At hindi nalang pinagkatiwalaan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULAWhere stories live. Discover now