THIRD PERSON's POV.
Lumipas ang araw mula nang makita ni cassandra ang pagtataksil na ginawa nang kanyang asawa ay nakapag desisyon sya na mag back out na sa pageant.
Nagkagulo ang lahat nang malaman nila na umalis nalang bigla si cassandra na hindi manlang nag papaalam.
Si jes ay nag back out nalang din dahil sa nang yari sa kanila ni cassandra. Si candy ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag sasali sa pageant kahit ayaw na ni zeyshie na sumali hindi sya pinayagan nang president nila dahil hindi naman nag back out ang kanyang kapartner.
Ilang araw ang lumipas si jes at cassandra ay mag kasama pa din sa iisang bubong subalit kung noon ay si cassandra ang kumakausap kay jes, ngayon ay si jes na ang nagpupumilit na kausapin sya.
Laging nakakulong si cassandra sa kwarto niya, lagi din itong nakalock dahil alam niyang mangungulit lang si jes na kausapin sya.
Mahirap para sa kanya na iwasan ang kanyang minamahal pero dahil sa sobrang galit mas pinili niyang iwasan at kalimutan ang kanyang asawa.
"Manang luto na ba yan?" Sabi ni jes.
Nakabalik na din ang katulong nila dahil nang malaman nang magulang ni cassandra ang nangyari sa kanyang anak ay agad pinabalik ang katulong nila.
"Luto na, gusto mo ba ako na ang mag bigay sa kanya?" Tanong nito sa kanyang amo.
"Wag na po, ako nalang po" sabi nito.
Ginagawa niya ang lahat na panunuyo kay cassandra, alam niya na pag sya ang mag dadala nang pagkain sa kanyang asawa ay tatanggihan lamang ito nang asawa niya.
Subalit naglalakas loob pa din sya na makausap at mapatawad sya nang kanyang asawa.
*TOK...TOK..TOK*
"Sino yan!" Sigaw nang kanyang asawa.
Napangiti naman si jes dahil narinig niya ang boses nang kanyang asawa.
"Hmm" kinakabahan sya dahil alam niyang hindi sya papapasukin nang kanyang asawa. "A-ako to, kumain kana, may dala akong pag—-
"MANANG!!" Hindi na natuloy ni jes ang sasabihin niya dahil tinawag agad ni cassandra ang kanilang katulong.
"Po!" Sagot nang katulong nila habang umaakyat.
"GUSTO KO IKAW ANG MAG DALA NANG PAGKAIN SAKIN!"
"Okay po" sagot ng katulong nila, tiningnan naman nang katulong nila si jes pinapahiwatig nito na 'sorry sir' ramdam niya ang lungkot nang kanyang amo subalit wala syang magagawa dahil pag nag pumilit lang ang kanyang amo ay mas lalong hindi kakain si cassandra.
"Okay lang manang, sige aalis na muna ako para mamili nang mga pag kain"
"Ako na ho sir ang bibili"
"Wag na manang, alam kong lumalabas si cassandra pag wala ako kaya sabihin mo sa kanya umalis ako para mamili nang pag kain ha?"
Naawa ang katulong nila sa mukha nang kanyang amo dahil kitang kita sa mukha niya ang pamamaga nang mata, nangangayayat na din ito dahil sa kakaisip sa kanyang asawa.
"Sige sir ako na po bahala sa kanya"
"Salamat"
*******************
CASSANDRA's POV.Niluwa nang pinto si manang na may dalang pagkain.
Sa wakas! Kanina pa kumkulo ang tyan ko sa gutom.
BINABASA MO ANG
Campus Hearthrob Is MY HUSBAND
Romancetype of being obsessed *lahat gagawin mo na para lang mapansin ka *magpaganda baka sakaling magustuhan ka *sundan mo kung saan saan *titigan sya ng husto at magpabebe sa harapan niya *pagselossin sya kahit naman walang dahilan para mag seloss sya ka...