Eunbi's Pov
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako paakyat ng kwarto.Nasa hagdanan pa lang ako ng biglang may nanghila sa akin.Nakita ko na yung mag-ina pala yun.Hays.Alam ko na yung gagawin nila.
"Saan ka galing?Alam mo ba kung anong oras na?Would you like me to remind you that your just a maid here?Would you?"-inis na sabi niya habang hawak ng mahigpit yung buhok ko.
"Sampid ka lang dito!Isa ka lang palamunin dito!Yun ang tatandaan mo!Hinding-hindi na maibabalik yung dati dahil kami na ang mahal ng papa mo!Naiintindihan mo ba!Kaya kung ani yung sinabi ko dapat sundin mo!Wala na siyang pakielam kahit mamatay ka pa kaya kapag nagutos ako siguraduhin mo lang na susundin mo yon kung hindi mamamatay ka ng maaga!"-bulyaw sa kin ng kabit ni papa.Si Ate naman ay patuloy lang ang paghila sa buhok ko.Ang sakit na ng anit ko.
"Ate tama na.Please."-pagmamakaawa ko sa kanya.
"Inuutusan mo ba ako?!!Dapat lang sayo yan dahil inaagaw mo ang para sa akin!!!Sa susunod na makita pa kita kasama ni Jungkook Oppa!Di ako magkakamaling patayin ka!"-nanggaliti sa galit niyang sabi.
"H-hindi ko n-naman siya inaangkin eh,t-tska hindi ko n-naman siya kilala eh."-pagtatanggol ko sa sarili ko.Iniiwasan ko na tumulo ang luha ko para hindi nila makita na mahina ako.Iniinda ko na yung sakit pero hindi pwedeng tumulo ang mga luha ko dahil lalo lang akong masasaktan.
"Ang kapal ng mukha mong sumagot!You bïtch!Ang akin ay akin lang!"-inis na sabi niya sabay sampal sa akin.Sobrang hapdi nung sampal niya na feeling ko mapula na yung pisngi ko.Hays.Ayoko na sawa na ako sa araw-araw.Puro na lang ba sakit.Kelan ba ko ulit sasaya?Ang hirap bang sumaya ako kahit sandali.Ayoko man na lumaban pero hindi ko na kinaya.
"Oo nga at hindi ako mahal ni papa,pero ako yung totoong anak niya!Ikaw naman!Yang nanay mong kabit eh nabuntis ng ibang lalaki at iniwan!Si papa nakipagkita siya noon sa kanya!Meeting daw yun eh!Tapos nalaman na lang ni mama kinabukasan na buntis na yang nanay mong malandi!Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin na ako yung sampid pero ang totoo ikaw yun!Sinabi yun ng mama mo kasi maraming pera si papa!Ginagamit ka lang niya para magkapera kayo!Pero ang totoo noon walang nangyari sa kanila!Wala ka kasing alam!Alam mo ba na paulit-ulit kong naririnig yan kina papa noon kasi nga nabuhay ka pa!Hindi pa man nila ako anak ay pinagaawayan na nila yun!Pero nung araw na dumating si papa nun nagaway na talaga sila at naghiwalay!Kaya ngayon sabihin mo sa ating dalawa kung sino ang sampid!Di ba kayo ng malanding nanay mo!Ano?!"-inis na sagot ko.Agad naman niya akong tinulak kaya tumama yung likod ng ulo ko sa hagdan.Ang sakit!Sinabunutan niya ako at hinampas-hampas.Parehas sila ng nanay niya.
"Ganyan ka na ba pinalaki ng nanay mo.Ganyan ka na ba ka-desperada na makatanggap ng pagmamahal.You know what?Stop making stories kasi ikaw dun yung lalabas na masama!At hindi rin totoo na hindi ako anak ni papa dahil nagpa-DNA na daw kami noon at napatunayan na anak niya ako!Ako lang ang mahal niya at si mama!Kaya wag ka mag magaling kasi di ka niya mahal!Hinding-hindi!"-iritadong sambit niya sabay hila sa buhok ko.Ganun din ang ginawa ng nanay niya.Ang sakit na sobra!Suko na ako!Ayoko na!!!!
Dahil sa galit ko na rin ay itinulak ko siya.Saktong pagkatulak ko ay dumating si papa.
"JIEUN?!JIEUN?!"-sigaw ni papa ng makita niyang natumba yung anak niyang sampid.
"May masakit ba sayo?"-nag-aalalang tanong niya ng makalapit siya.....kay ate.Nagkunwari naman siyang umiiyak at sinabing masakit daw yung kanan niyang braso.Umakto siya na masakit nga ito.
"Ano ba ang nangyari?"-galit na tanong niya.Natakot ako kasi nakita ko na naman siyang matakot.Hays.Kaya mo yan Eunbi!Wag kang iiyak sa harapan niya.
"P-paano si E-Eunbi gabi na umuwi tapos sa akin pa n-nagalit.S-sabi niya din na s-sa-sampid lang daw ako at hindi mo ako totoong a-anak.Sabi ko hindi totoo yun pero sinugod niya na ako.Sinabunutan niya ako tapos sinampal pa.A-ayaw niya a-akong t-tigilan k-kaya ako lumaban pero pati si m-mama sinaktan n-niya.P-papa natatakot na ko sa kanya.T-tapos di p-pa siya nakuntento at i-itinulak pa niya ako.Huhuhuhu"-pagsisinungaling niya.Kunwari rin ay umiiyak siya.Binaliktad na naman niya ako kay papa.Lagi naman eh.Kelan niya ba ako pipiliin?Ako yung tunay niyang anak pero di niya ako magawang ipagtanggol.Ang sakit na sobra!
"P-pero papa siya yung gumawa nun.Nagsisinungaling lang siya.Ang totoo kasi ay papaakyat ako tapos bigla niyang sinabi na di mo na ako m-mahal.Tapos hinila niya yung buhok ko.Kung ano-ano yung sinabi niya sa akin.Tska niya ko sinampal at pinagtalungan pa nila akong dalawa.Tinulak niya pa nga ako eh kaya ako gumanti kasi nasaktan ako."-pagdedepensa ko sa sarili ko.Paniwalaan mo ko.Please.Kahit ngayon lang papa.
"Wag ka na magsinungaling Eunbi!Kitang kita ng mga mata ko na ikaw yung tumulak!At ano gumagawa ka pa ngayon ng kwento para pagtakpan yang ginawa mo!Ano bang atraso niya sayo?!Ha?Lagi mo na lang siyang sinasaktan?Ano ha?!!!"-bulyaw ni papa sa akin.Ang sakit!Ako ba papa hindi ba ako nasasaktan.Paulit-ulit lang naman diba.Ni minsan tinanong mo ba kung ayos lang ako.Hindi diba.Siya lang naman yung nakikita mo diba.Ang sakit-sakit!Siya na yung laging tama at ako na yung mali.Sige na ako na yung hindi nasasaktan kahit ang totoo sobrang sakit na talaga.Nakita nga ng mga mata mo,BULAG na mata mong nagpapaloko.Ako kelan mo ba ako makikita?Kelan mo makikita na nasasaktan ako?Kelan mo malalaman na tao rin ako,may nararamdaman,nasasaktan?Ganun ba kahirap makiramdam?Akong sarili mong anak wala kang pakielam?Nakita ko sa peripheral vision ko ang mag-ina na nakangisi.Ang sakit!
"Bakit totoo naman yung sinabi niya eh!Hindi kita mahal!Naawa lang ako dahil iniwan ka na ng nanay mo!Kaya kita pinatira pero di ibig sabihin na itinuturing pa kitang anak!Dahil kasambahay ka na lang dito!"-sigaw niya sabay punta kay ate para akayin siya sa taas.
Gumuho ang mundo ko sa mga sinabi niya.Ang sakit!Sobrang sakit!Di niya ba nararamdaman yun!Ang sakit na naiwan na naman akong talunan!Naging isa na naman ako sa pagpilian na laging iniiwan!It hurts!It fucking hurts!It fucking hurts physically,mentally and emotionally!And for the nth time.Hindi na naman niya ako pinili.Naiwan na naman akong luhaan.Ayoko na!Di ko na kaya yung sakit!Gusto ko ng mamatay!Sobra na eh parang sa bawat segundo na humihinga ako ay unti-unti na rin nawawala yung saysay na nabubuhay pa ako.Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.
Umakyat ako sa kwarto ko para magpalit na.Pagkapalit ko ay umiiyak pa rin ako.Ang sakit lang kasi na hindi niya na naman ako nagawang iapgtanggol.Ako na tunay niyang anak.Ang sakit din para sa akin na sabihin niya na kasambahay na lang ako ngayon.
Naramdaman ko na naman na sumakit ang likod ng ulo ko.Napahawak ako dun.Nakapa ko na parang basa.Pagkatingin ko ay mayroon pala itong dugo.Dumudugo yun ng hindi ko alam.Siguro dito na nagsisimula ang aking kamanhidan.Napagod na rin siguro akong masaktan.Wala ba yung katapusan.Nilinis ko na ito at natulog hindi ko na binalak kumain dahil ayokong bumaba pa.
Buti pa ang mga bituin patuloy lang sa pagkinang,samantalang ako nawawalan na ng pag-asa para lumaban.Wala na akong rason pa para paulit-ulit na tiisin ang sakit kasi ako ay pagod na.
****************************
Enjoy Reading Guys!
Lovelots!
Otor-nim~
BINABASA MO ANG
Written On The Stars|| 전정국 FF.
FanficWhy?Why is it always have to be me?Why do I always need to suffer?Why do I always end up being hurt?Why do I always feel like I am a burden when I am doing all my best to help?Do I need to be in these pain just to survive?Why? All my life I am doing...