Chichael Allã POV
Sabi nila meron daw tatlong stages ang relationship, pero yun ay kung maniniwala ka.
Una ang tinatawag natin na "Puppy Love" eto yung curious ka kung ano ba yung feeling ng pagmamahal and vice versa. Nararanasan natin 'to noong elementary tayo. Na kapag nakita natin yung crush natin grabe yung kilig eh maka basag pinggan na nga. Kawawa dito yung katabi mo kung makikita mo yung crush mo kasi for sure sugat sugat na yan o di kaya lukot na ang uniform niyan.
Pangalawa ang tinatawag natin na "First Love" eto yung feeling na shocks! siya na. hep hep hep!! akala mo lang yun. pakiramdam mo dito lumulutang ka na sa sobrang saya. punong puno 'to ng emotions eh. kumbaga dito bulag na bulag ka na sa realidad. Siya lang ang pinaka maganda o pinaka pogi na nilala sa mundo. Pero kapag iniwan ka netong "First Love" mo, ayaw mo ng maniwala sa pag-ibig. Sinisi mo pa si kupido kung bakit ka pa niya pinana kung iiwanan ka lang din naman pala. Eto nga yung may pinaka tanyag na quote eh "First Love never dies".
Ang pangatlo at huli sa lahat ay ang tinatawag nating "The One" eto yung pakiramdam na nagbago ka na. Binago mo na lahat ng dahilan kung bakit ka iniwan ng "First Love" mo. Natuto ka ng mas mahalin mo muna yung sarili mo bago ang iba. Dito maipapakita mo na that everything will be worth it. Kasi kahit na masasaktan ka, you are mature enough to know the reason behind it. Kumbaga quota ka na kasi sa 1st and 2nd stage eh.
Tapos ko ng pagdaanan ang 1st and 2nd stage, hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa pangatlong stage eh. Ang hirap ng mag tiwala ulit.... parang hindi ko na kaya. Ang sakit kaya duuuh ikaw ba naman iwanan ng "First Love" mo nakakatuwa ba 'yon? Charing HAHAHA pero yun nga hindi ko kasi alam eh. ang hirap lang tanggapin lalo na kung hindi mo naman alam kung ano yung dahilan. Para sana alam mo na kung bakit ka iniiwan, kung ano yung mga dapat mong baguhin para sa sarili mo. Pero walang dahilan eh, ano yun huhulaan ko kung ano? Kailan pa ako naging mang huhula tsk.
We are having a group meeting right now, ang tagal naman ng group mates ko. Grabe naman kasi dala-dalawa yung thesis na pinapagawa saamin. Isang filipino at isang english. Ang hirap mag handle ng ganito kung puro pasaway ang kagrupo mo.
"Chicha, sorry we're late may dinaanan pa kasi kami jan eh bumili lang kami ng snacks para alam mo na if ever man na magutom tayo lalo ka na edi meron tayong food" sus mga palusot neto tila kala mo totoo Ugh. Tinanguan ko na lang 'tong tatlong lalaki kong ka thesis mate si Nate, Fred, at Toph. Mababait naman sila pero UGH napaka pasaway pero sumusunod naman sila kapag may pinapagawa ako syempre 'noh saakin nakasalalay ang grade nila. Chos! di naman ako mahigpit or bossy gusto ko lang talaga yung kapag pinagawa sayo gagawin agad para less hassle diba?
Nasan na kaya 'tong dalawa ko pang kathesis mate na katropa ko rin, ano ba yan anong oras na lagot 'to saakin mamaya hmppp!
Leslie is calling
Asan na ba kayo? kanina pa kami nag aantay dito...
"Tingin ka sa labas" pag tingin ko ayun ang dalawang lokaret, ngiting ngiti saakin psh. Lagot kayo saakin pag pasok niyo dito sa loob.
"Cha, smile naman jan. Wag ka ng magalit saamin sorry na agad eto naman kasing si Thea ang tagal kumilos GRRRR" eh kung pag buhulin ko kaya 'tong dalawa pero joke lang yon. Hindi ko magagawa yun kahit lokaret 'tong mga to. Nginitian ko na lang na peke para naman maging seryoso na tawa pa kasi ng tawa sa pang-aasar saakin eh.
So guys let's start the discussion already about our thesis, ano bang gusto niyong mauna? eto filipino or english?
"Filipino muna cha" sagot saakin ni Thea. Bigla namang sumabat 'tong si Nate "English muna chicha it's more easier than the Filipino thesis" ooopsss i smell something fishy.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, Muling pag bigyan ang pusong nagmamahal" asar namin sa dalawang 'to. Actually they have a relationship before, I just don't know the specific reason why did they broke up. Ayaw kasi mag kwento saamin ni Thea may sakit pa din daw kasi tuwing naaalala niya ang nangyari sakanilang dalawa kaya hindi na namin pinilit ni Leslie.
"Sapak ba gusto niyo?" sabay nilang banta saamin. Dahilan kung bakit nagkatinginan sila sa isa't isa. Which makes the atmosphere awkward because none of us even react or speak in what happened.
"Guys you know what? ako na lang mag dedecide okay? Para makapag simula na tayo kasi dalawang thesis pa 'tong gagawin natin. Unahin na lang muna natin yung English, then after we finished it let's proceed to Filipino then... Any objections?" Umoo naman lahat sila.
While I'm discussing kung saan part sila gagawa bigla akong kinalabit ni Toph. "Chicha, si Dartagnan yun diba?" natulala lang ako sakanya..... grabe iba 'tong nararamdaman ko ang lakas lakas pa rin ng dating saakin ng Ultimate Crush ko pero alam ko na hindi siya mapapasaakin. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong Chichael Allã G. Nam, yeah, he knows me but we are just a common friends.
"Hey chicha, are you okay?" Tanong saakin ni Toph. "Yeah, I'm fine" nag iba bigla ang mood ko i don't know why. "Seriously chichael you don't have to lie to me, I'm your guy bestfriend paalala ko lang sayo. Kilala na kita" hays.... bakit ba kasi hindi ako magaling magtago ng nararamdaman eh ganon ba talaga yung expression ko? masyadong bulgar hays.
"I just don't wanna talk about this okay? i hope you understand me Topher" ngiti ko sakanya. naintindihan naman nya ito at Agad siyang tumango saakin.
Time flies so fast naayos na namin lahat ng kailangan namin gawin, next meeting ang kailangan ko na lang gawin is to recheck their works. May tiwala naman ako sakanila, they never failed to impress me, konting revision na lang talaga kung sakali.
"Mauuna na ako guys, are you going to stay here?" tanong ko sakanila
"Oo, aayusin na muna namin 'to you better go home malayo pa uuwian mo take care okay? message me right away kapag nakauwi ka na." Sagot saakin ni Toph
"Ayt, ingat din kayo. Boys ang girls ha? wag niyong iwan ng di mapahamak at di masaktan" sabay kindat ko sakanila na ikinainis naman ni Thea dahil double meaning ang babala ko sakanila. Tawang tawa ako dahil hindi maipinta ang mukha ni Thea
Nag-aantay na ako ng jeep pauwi, puro punuan na at unahan. Kung pwede lang sumabit ang mga babae matagal ko ng ginawa. Pasakay na sana ako dahil napaka luwag ng jeep ngunit nagkatulakan at naitulak ako.
AAAaaaAAAaaaAAAA ramdam ko na malapit na akong matutumba nawalan ako ng balance shit inaasahan ko na ang mangyayari masusubsob na ako any moment ng may biglang humapit ng bewang ko.
Pamilyar ang amoy at ang postura niya ang puso parang may kabayong nagkakarera sa sobrang bilis, kinakabahan ako hindi ko alam kung lilingon ako o patuloy ko na lang ipipikit ang mata ko.Pero sa sobrang ngalay ko napadilat ako at hindi nga ako nagkamali siya nga ang walang kupas na si Dartagnan Randale V. Dela Vega
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Don't forget to comment about your thoughts and mag vote na din kayo! <3 thank you so much luvs
Ang pag pronounce po ng names ay...
Dartagnan -> Dart - teyn - nyan
Chichael -> Chai - kehl

YOU ARE READING
DISTANCE BETWEEN US
RomanceShe believed on the 3 Stages of relationship She already experienced the 1st and 2nd stage of relationship, would she love again or would she rather stop loving because she is tired believing that her "The One" will come and give her the love that's...