Here's the update.
Thank you sa mga naghintay.
I need your VOTES & COMMENTS!
I appreciate it sooo much!!! :)
Kahit 5 votes lang. Please? Thank youuuuu. :*
<3
--
Laurice's POV
*kriiiiing kriiiiiing*
Hmmm.. Kinapa ko ang phone ko at tinignan ang screen gamit ang kaliwang mata.
( UNKNOWN NUMBER )
Huh? Sino to at tumatawag ng 3 am?
3AM?!
Nawala ang antok ko. Inanswer ko yung tawag kahit nakakatakot.
"Hello?" nangangatal kong sagot.
"…"
"Hello? Sino to?"
"…"
Tinignan ko ulit ang screen........ O.O
Nangangatog ang kamay kong nakahawak sa phone at napatakip ako ng bibig ng isang kamay ko. Nakakasuka.
Then BAAAAAANNGG!
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!"
Hingal na hingal akong napabangon sa pagkakahiga.
Isang bangungot.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang phone logs. Wala namang unknown number ang tumawag ng 3am at 8am na ngayon.
Shet! Binangungot nga talaga ako.
Naalala ko ang nakita ko sa screen.
May biglang nagpop na video duon. Isang nakakatakot na scene. Itinutok talaga kay Beau at sa lalaki yung camera.
Si Beau may hawak na baril na shotgun na nakatutok sa lalaking nakaluhod sa harap niya. Puno ng dugo ang lalaki sa damit at katawan nito. Lalo na sa ulo niya. Para siyang pinahirapan at binugbog na walang katapusan. Nagmamakaawa siya. Kitang kita iyon sa mga mata niya. Umiiyak siya pero binaril pa ni Beau yung lalaki at sumabog ang ulo nung nito.
Hindi siya ang Beau na nakilala ko. Pagtumitig siya, parang demonyo. Nakakatakot. Nakakakilabot.
Napapitlag ako sa gulat dahil sa katok ni mama sa kwarto ko.
*knock knock*
"Anak, gising ka na ba? Baba na."
"Ah Eh, opo. Bababa na din po."
At narinig ko siyang umalis.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at bumuntong hininga para mawala saglit ang panaginip na yun. Isang masamang panaginip.
Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maghilamos.