Si Maria de Griñon ay isang ordinaryong babae lamang kung iyong titingnan. Katorse anyos, nag-aaral at nakatira sa pamamahay ng kanyang mga magulang.
Ngunit, sa likod ng mga nakasirang pinto ay isang sikreto na tanging ang kanilang pamilya lang nakaka-alam.
Sa isang buong araw merong bente kwatro oras. Ngunit sa pamilyang de Griñon meron lamang silang labing-anim na oras sa loob ng isang araw para gawin ang lahat ng kanilang gawain.
'Lola, so nag-iiba tayo ng mukha?' naalala ni Maria ang kanyang tanong sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito.
'Hindi lang mukha, apo, kundi ang buo nating katawan.' nalilitong tiningnan ni Maria ang kanyang lola. Tumawa ito at tiningnan ang antique grandfather clock na nag-iingay.
'Pagsapit ng alas sais ng gabi nag-iiba ang ating anyo' Narinig nyang sabi ng kanyang lola.'Tumingin ka sa akin, apo.'
Pagtingin nya sa kanyang lola, nag-iba nga ang anyo nito. Nawala ang kulobot sa balat, napalitan ang puting buhok ng itim at naging mas bata ang anyo at mas lalong gumanda ito. Hindi din biro ang ikina-ganda nito sa pagkat talagang nagmukha syang dyosa. Hindi rin lang pala mukha at katawan ang nagbabago, pati din ang boses.
Nagulat si Maria ngunit di sya natakot. Hinawakan nya ang kamay ng kanyang lola na puno ng kulobot kanina lang. 'Maria, ito ang sikreto ng ating angkan.' Pasimula ng kanyang lola. Tumayo ito sa pagkaka-upo sa wheelchair at hinila si Maria papunta sa kanyang kwarto.
Pina-upo si Maria ng kanyang lola sa dulo ng kama habang kumuha ito nga suklay at nagsimula itong magkwento. 'Noong unang panahon meron tayong ninunong diwata. Siya ay si Leynara ang diwata ng kalikasan. Siya ang pinakamakapangyarihang diwata sa mundo ng mga diwata.' Kwento nito habang sinusuklayan si Maria.
'May diwata ng hangin, diwata ng ulan, diwata ng araw at marami pang iba't ibang diwata. Walang opisyal na reyna ang mga diwata ngunit nirespeto at itinuring nilang reyna si Leynara. Tuwing nagkaka-problema at nag-aaway ang mga diwata si Leynara ang kanilang pinagdedesisyon.' Nakangiting kwento nito.
'Lola, namamatay ba ang mga diwata?' Tanong ni Maria
Umiling ang lola ni Maria. 'Nasusugatan sila ngunit hindi sila namamatay. Tanging sila lang ang nakakapagdesisyon kung kelan nila gustong mamuhay pa.' Sagot nito
'Anong nangyari kay Leynara?' Interesadong tanong ni Maria
'Isang araw inihingi ang presensya ni Leynara ng isang diwatang nakatira sa kalibliban ng kabundokan. Sabi nito may isang ordinaryong nilalang ang napatawid sa mundo ng mga diwata ng bumagyo ng napakalakas. Itinanong ng diwata kay Leynara kung dapat ba itong patayin o patulogin ng napakahabang panahon. Noon kasi pinaparusahan nila ang mga ordinaryong nilalang o mga tao na tumatawid sa mundo ng mga diwata. Pinapatulog nila ito ng napakahabang panahon tsaka ito ibinabalik sa mundo ng mga tao.'
'Ngunit naawa si Leynara at sinabi sa diwata ng kabundokan na siya na ang bahala sa ordinaryong nilalang. Idinala ni Leynara ang lalaki sa labas ng lagusan at nang tumalikod upang makaalis nagising lalaki at hinila si Leynara. Doon na nagsimula. Mahirap mang paniwalaan ngunit ang lalaki na isang ordinaryong nilalang at ang pinakamakapangyarihang diwata na si Leynara ay nagsimulang umibig sa isa't isa.'
'Araw araw nagkikita sila sa labas lagusan para magkwentuhan. Ngunit pagkatapos nga isang buwang pagkikita nagpaalam na ang lalaki kay Leynara sabi't iyon na ang huli nilang pagkikita. Iyong lalaki pala ay isang boluntaryo galing sa kataastaasan upang suriin ang kabundokan kung pwede ba itong matitirhan.'
'Hindi kayang mawalay, pinili ni Leynara na sumama sa lalaki. Tinalikuran ang mundo ng diwata at sumama sa lalaki upang mamuhay bilang isang ordinaryo. Nagka-anak sila ng dalawa, isang babae at isang lalaki; si Mateo de Griñon at si Eleanora de Griñon. May parte mang pagka-tao mas malakas parin sila kumpara sa ibang diwata.'
'It was 200 years ago, Maria. Hindi man kalakasan, meron parin tayong konting bakas mula kay Leynara at ito iyon.' Pinatayo si Maria ng kanyang lola at dinala ito sa harap ng salamin kung saan nakita ni Maria ang kanyang mukha na nag-iba rin pala.