Chapter 5: Pervert Yuyan

2.6K 63 0
                                    

YUYAN

Pagdating ko ng mansiyon ay nadatnan kong naroon na si Akiro. May katabi itong maleta at imprenteng nakaupo sa sofa.

"How's your trip?" tanong ko. Saka lang niya ako napansin kaya tumayo ito at yumuko.

"Okay lang po, young lady." aniya at nag-angat na ng mukha.

"Nasaan si Toshiro?" tanong ko at naupo sa sofa.

"Upstairs, young lady." tugon nito.

Naghanap ako ng maid at nang may dumaan sa harapan namin ay tinawag ko siya. "Bring his stuffs in his room." utos ko rito. Agad naman niya itong ginawa.

"Kumusta na si Haru? Balita ko ay abala na rin siya sa training." tanong ko at pinagkrus ang aking hita.

"Yes, young lady. Noong una ay puro kakulitan lang ang ginagawa niya pero mukhang nitong mga nakaraang buwan ay sineryoso na niya ang training." sagot nito.

"Mabuti naman kung ganun." sambit ko at pinagdaop ang aking mga palad.

Naantala ang pag-uusap namin ni Akiro nang marinig ko ang yabag ng paa mula sa hagdan.

"Nakauwi ka na pala. Saan ka galing?" tinig ni Toshiro.

"Galing ako sa klinika ni Catalina Vergara. Pagkatapos ay nagtungo ako sa bahay ni Sheenah." sagot ko.

Mabilis ang mga yabag niyang lumapit sa akin. "What!?" gulat nitong tanong. "Nagpunta ka sa bahay nila?"

Tumango ako. "Nakaramdam ako ng awa sa pamilya Domingo." saad ko at nilingon si Toshiro. "Kung sana ay makita mo ang kalagayan nila. Halos isang ordinaryong pamilya na lang sila. Lahat ng ari-arian nila ay biglang nawala sa isang iglap. At maging ang cafe na ipinundar ni Lord sa ay kinuha rin sa kanya."

"Na siyang binawi mo?" putol sa akin ni Toshiro.

Ibinalik ko ang tingin sa kawalan. "Hindi ko maaatim na makitang naghihirap sila Toshiro. Lalo na at osang kilalang tao daw ang nagpasara ng Lordsville. Humingi sila ng tulong sa mga Kings at sa kaibigan ni Mr. Domingo, pero ni isa ay wala daw nagtangkang tulungan sila. Someone blackmailed them. Someone's powerful." sambit ko at tinignan siya. "Masama ang kutob kong isa ito sa mga grupong kabilang sa Dark Society." dagdag ko.

Kumunot ang noo nito at mukhang malalim ang iniisip. "Kung ganun kahit pala iwasan natin sila ay mukhang mahihirapan tayo." aniya.

"Mukhang maging ang malalaking kompanya at mayayamang pamilya ay puntirya rin nila." saad ko. "Kailangan kong pigain si Catalina Vergara. Siya ang susi para unti-unti kong mahukay ang ugat nito." dagdag ko.

"Ano naman ang plano niyo?" tanong ko sa dalawa.

Naupo muna Toshiro bago sagutin ang tanong ko. "May grupo akong minamanmanan ngayon. Kabilang siya sa Dark Society. Pinag-aaralan ko muna ang bawat kilos nila bago kami umatake." tugon niya.

"Kung ganun ay mag-iingat kayo." iyon na lamang ang nasambit ko matapos malaman ang plano niya.

Tumayo na ako at pumanhik sa itaas para maligo. Nang matapos ako ay nagbihis ako ng damit kung saan ako komportable at nagtungo sa mesa kung saan nakalagay ang files ni Catalina Vergara. Natigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko si Justine.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon