Chapter 7: Little Colton

2.3K 66 2
                                    

YUYAN

KASALUKUYAN kaming nakaupo sa entertainment room habang hinihintay si Joseph at yung bata. Pinadaan ko na siya sa mall para bumili ng mga gamit niya.

"Sasabihin mo bang patay na ang mommy niya?" tanong ni Toshiro.

"Yes, cause he has the right to know." I replied.

"Bakit mo naisipang kupkupin ang bata?" muli nitong tanong.

"Dahil iyon ang hiling ni Catalina. At hindi ko matatanggihan ang hiling ng taong mamamatay na." paliwanag ko.

"Pero paano mo siya maaalagaan? Alam mong may misyon ka, pagkatapos kumuha ka pa ng aalalahanin." saad nito.

Huminga ako ng malalim. "Sa tingin mo hahayaan kong magpagala-gala ang batang iyan? Kahit na hindi ko pinatay ang mommy niya, may kasalanan parin ako. Kung hindi namin pinilit si Catalina na ibigay ang impormasyong kailangan namin, buhay pa sana siya." paliwanag ko.

"So nakakaramdam ka na ng guilt? Harpe- I mean Yuyan, nakikita mo ba ang sarili mo? Pagkatapos ng misyon natin, saan mo dadalhin ang bata? Huwag mong sabihing isasama mo siya sa America?" sunod-sunod ang panenermon ni Toshiro sa akin.

Sasagot na sana ako nang magbukas ang pinto. Pumasok si Joseph na may dala-dalang paper bags. Tumayo naman ako upang salubungin siya.

"Kumusta ang pamamasyal?" tanong ko.

Ngumiti ito at huminga ng malalim. "Nakakapagod. Hindi ko na gugustuhing maulit ito." aniya at tumawa.

Ngumiti ako at saktong may sumilip sa likuran ni Joseph. "Where are we, Tito?" inosenteng tanong nito habang hinihila ang laylayan ng damit ni Joseph.

Bahagya akong natawa at ibinalik ang tingin kay Joseph. "Mukhang malapit ka sa mga bata?" nanunuyang sambit ko. Kasabay ng paglapit ni Akiro upang kunin ang mga bags sa kanya.

"Hindi naman masiyado." anito.

"Ganun ba? Maupo muna kayo." anyaya ko na siyang ginawa naman niya.

Sandali kaming nag-usap ni Joseph, tungkol sa Imperial Assassination. Hanggang sa magpaalam na rin siya.

*   *   *

NAKATITIG lang kami sa batang nasa harapan namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang may anghel na dumaan dahil sa nakakabinging katahimikan. Hanggang sa basagin ito ni Toshiro.

"So anong balak mo sa bubwit na iyan?" tanong ni Toshiro habang nakaupo kami sa sofa.

"Hindi siya daga para tawagin mong bubwit." suway ko.

Nasa harapan namin ang anak ni Catalina. Nakayuko at mukhang alam na siya ang pinaguusapan namin ngayon. At hindi ko alam kung paano sasabihin na wala na ang mommy niya.

"Yeah, whatever." saad niya at tinignan ang bata. "What's your name little buddy? How old are you? Do you know where your mother is? She's in heaven or hell right now, any plans to follow her?"tanong ni Toshiro na dahilan upang mag-angat ng mukha ang bata.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Zip your mouth or I'll sew it!" suway ko at tinignan ang batang mangiyak-ngiyak na. Habang si Kyle naman ay nakangising tinignan si Toshiro at umiling-iling.

Nilapitan ko ang bata at tinabihan ito. "What's your name? How old are you?" ako na ang nagtanong dahil hindi ko na hahayaang si Toshiro pa ang gumawa.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon