Chapter five

30 3 2
                                    

Napakamot ako ng ulo habang sinusundan ang Dion na 'to sa mga lugar na pinupuntahan niya. Napapailing na lang ako kapag may ginagawa siyang hindi maganda—katulad na lang ngayon—nasa isang club kami, at nandito rin ang mga kaibigan niya para maginom.

Wala naman kasing binigay na instruction si Sr. Sebastian para rito. Napatindig ako nang muling maglapag ang waitress ng alak  sa mesa namin.

Ilang minuto akong nakaupo't pinapanood ang paginom nila. Lima silang lahat, kasama si Dion doon. Nakita ko ang pagsulyap-sulyap ng isa nilang barkada sa akin saka sisiko kay Dion at parang may ibubulong at saka tatawa. Nanliit ang mga mata ko. Malaman-laman ko lang na pinagluluko-luko ako ng mga ito, pasa-pasa silang uuwi mamaya. Ibinaling ko na lamang sa mga taong nagdaraan ang atensiyon ko. Ayokong mainis.

Habang nakatuon ang mga mata ko sa iba, naalarma ako sa pagusog papalapit ng katabi ko. Napausog ako papalayo.

“Bakit ba?!” Gulat kong tanong. Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka may sinabi ng pabulong, “You are my Disciplinarian not my body guard. Kaya puwede ba lubay-lubayan mo 'ko.”

Natawa naman ako sa kanya, at ikinagulat niya 'yon. “A-anong  itinatawa-tawa mo diyan? Umalis ka na nga! Alis!”

“Ikaw ang manahimik diyan kung ayaw mong makatikim!” Naiinis na talaga ako sa kaartihan niya kaya pinagbantaan ko na.

Napangisi naman siya at saka nilagok ang nasa bote niya. “Ako pa talaga ang tinakot mo!” Mayabang niyang sabi.

“Tsk! Makikita mo.” Seryoso ko siyang tinignan. Napansin kong natigilan siya. Ano kinabahan ka?

“Tss...mukhang pera.” Asik niya.

Bigla akong nag-init dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko tinubuan ng mga ugat ang ulo ko dahil nararamdaman ko ang pagpintig ng mga ito.

Nagdilim ang paningin ko't nakuwelyuhan ko siya. Halos sakalin ko na siya sa inis.

“Tangina! Isa pa Dion. Isa pa...”

Inis niya akong tinabig palayo, at natumba ako dahil doon. Napapatingin na rin 'yung mga tao sa amin.

Inayos ni Dion ang nagusot niyang damit saka parang walang nangyaring kinuha ulit ang boteng pinagiinuman niya.

Dahil sa sobrang inis ko. Tumayo na ako at mabibigat ang mga paang tinungo ang puwesto niya. Hindi ka madaan sa matinong paraan ha? Sige papatinuin kita sa barumbadong paraan.

“M-miss, tama na baka masaktan ka!”

“Hey, miss.”

Agad kong tinungo ang puwesto niya. Napaangat siya ng tingin sa akin saka itinuloy ang pag-inom. Aba't!—Tinabig ko ang bote sa kamay niya at lumikha ito ng nabasag na tunog.

“Fuck! INIINIS MO TALAGA AKO A!” Akma sana siyang tatayo kaya lang ay hinawakan ko siya sa bakikat at saka itinulak padapa. Hawak ko ang isa niyang kamay at pinilipit ito. Hawak ko naman ng isa ko pang kamay ang batok niya para hindi siya makatayo.

“Holy S**t! My arm!” Pagdaing niya. Napatayo ang mga kaibigan niya at parang gusto pa siyang tulungan.

“Diyan lang kayo! H'wag kayong makikialam!” Tinignan ko sila ng matalim. Sabay-sabay silang nqpalunok at hindi gumalaw sa kinakatayuan nila.

“Alam mo Dion...minsan kasi kailangan mong rumespeto para hindi mangyari 'tong katulad nito. H'wag kang masyadong bastos kung ayaw mong makatikim sa akin.” Talagang naggagalaiti na ako sa galit. Sa lahat ng ayaw ko 'yung tinatawag akong mukhang pera. Ayos lang sana kung tawagin akong palaboy o dukha pero huwag lang mukhang pera. Bakit? Nagta-trabaho naman ako a! Hindi ko naman ninanakaw, hindi ko naman hinihingi!

Umalis na ako sa ibabaw niya.

“Tumayo ka na diyan at umuwi,” sambit ko sa kanya saka naglakad. Nahinto naman ako saglit— “Nga pala hindi mo ako mapapaalis...Hihintayin kita sa labas, at alam mo na kapag hindi ka sumunod”—saka ako muling naglakad.

Napahinga ako ng maluwag nang makalabas. Parang bang ngayon lang ako nakalanghap ng sariwang hangin. Pumunta ako sa paradahan at pinuntahan ang kotse niya roon. Nagaabang ang Driver niya ro'ng si Manong Rudy.

“O, bakit ganiyan ang hilatsa ng mukha mo?” Nagtatakang tanong ng matanda sa akin. Napangiti lang ako. “E 'yung luko-lukong Dion po kasing 'yon pinahihirapan ako.”

Napakamot naman siya sa kanyang nakakalbong ulo. “Aba e, grabe naman!—O ayan na pala si Sir.”

Napatingin ako sa likuran ko. Nando'n nga siya, naglalakad papalapit sa amin. Nakabusangot ang mukha't nakayuko. Pumasok na ako sa loob. Sa may harapan ako naupo, katabi ng upuan ni manong Rudy. Pinagbuksan ng pinto ni manong si Dion saka pumasok sa loob.

“Saan po tayo Sir?” Tanong ng Driver. Hapon pa lang kasi at hindi pa tuluyang lumulubog ang araw. Napatingin ako sa kanya mula sa rear view mirror. Nagtama ang mga mata namin at saka siya nagiwas at tumingin sa likuran ni manong Rudy. “Sa bahay na lang po,” aniya at saka humalukipkip at isinandal ang ulo sa bintana. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ko ikinatutuwang ipinahiya ko siya kanina. Nako-konsesniya rin ako dahil hindi ako nakapagtimpi kanina. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa kanilang bahay.

“Sir, ano hong gusto niyong kainin para mamayang hapunan?” Tanong ni manang Bering kay Dion nang makita itong pumasok. Hindi siya nito sinagot at dumaan lang. Nagtatakang Napatingin sa aming dalawa. “Kayo, anong nangyari sa alaga kong iyon?”

Napatingin sa akin si mang Rudy. Napahawak naman ako sa aking batok.

“Aba e ganiyan na 'yan nung pumasok bang kotse.” Palusot ni mang Rudy.

Kaming mga tao rito sa bahay at nakapaghapunan na, samantalang si Dion at hindi manlang lumabas ng kuwarto niya. Tsk, Para naman siyang bata niyan e!

“Naku! Bakit hindi pa lumalabas ang batang iyon.” Nagaalalang sambit ni manang Bering habang dala-dala ang tray ng pagkain, na sa tingin ko at para kay Dion. Napatingin ako sa malaking hagdan sa sala, inaabangan ang pagbaba niya mula roon.  Pero mukhang wala 'atang balak na lumabas ang lalaking iyon.

“Ako na ho ang aakyat.” Kinuha ko ang tray na dala ni manang Bering. Dahan-dahan ko itong dinala paakyat sa ikalawang palapag ng mansion. Medyo nawala pa ako dahil sa paghahanap ng kuwarto ng lalaking iyon. Sa laki kasi ng mansion, imposibleng makabisado ko ang pasikot-sikot nito sa loob lang ng tatlong araw. Oo, tatlong araw na akong naninirahan at nagta-trabaho sa mala pang hari't reynang bahay na 'to.

Kumatok ako sa malaking pinto, at walang nagsalita. Kumatok ulit ako, at saka lang may nagbukas.

“Bakit nandito ka?” Nanlalaki ang mga mata niyang tanong sa akin. Hindi ko siya inimik, sa halip ay inabot ko sa kanya ang tray na dala ko. Kinuha naman niya ito habang nakatingin sa akin.

Akmang aalis na sana ako nang may makalimutan akong sabihin sa kanya. “Nga pala pasensiya na sa nangyari kanina. Humihingi ako ng tawad sa inasal ko sa 'yo.” Itinulak ko siya nang bahagya papaloob saka ko isinara ang pinto niya mula rito sa labas.

When He Fall (Dion Murray)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon