Seduction Curse

19 0 0
                                    

        Maganda, sexy, matalino, at talented. Oo, 'yan ako.  Ako si Mylenne Villacorte. Marami ang nagkakagusto sa akin hindi dahil sa maganda, sexy, matalino at talented ako kundi dahil inakit ko sila gamit ng aking kapangyarihan. Oo, may kapangyarihan akong paibigin ang lahat ng lalaki maliban na lang sa taong tinibok ng puso ko.

        Noong una, ayokong gamitin ang kapangyarihang bigay sa akin ng aking ina dahil natatakot ako sa maaring mangyari. Natatakot din ako na baka magkatotoo ang sinabi ng lola ko na kung gagamitin ko iyon ay hindi ko mararanasan ang tamis ng tunay na pag-ibig. Ngunit noong iniwan kami ng tatay ko at namatay kalaunan ang aking ina, nawala lahat ng pag-aalinlangan ko at ginamit ko ang aking kapangyarihan upang makapaghigante. Tinuring kong kaaway lahat ng mga lalaki.

        Sa umpisa, hindi ko alam kong paano ko gagamitin 'yon hanggang sa nadiskobre kong ang aking mga mata at mga ngiti ang makakaakit sa kanila. Ang sinumang tititig at makakakita sa matamis kong ngiti ay siguradong mahuhulog sa bitad ko. Pinapaibig ko ang mga lalaki at sinisira ang anumang relasyon na meron sila at saka ko sila pamumulatin sa katotohanan.

        Nagpatuloy ako sa aking mga pinagagawa hanggang sa makilala ko si Joshen Salazar. Matalino, matangkad, gwapo, mabait, masipag at talented. Sino ba ang babaeng hindi magkakagusto sa isang tulad niya? Nasa kanya na ang lahat. Hindi ko maipaliwanag ngunit nahihiwagaan ako sa pagkato niya. Para bang nakilala ko na siya dati at ewan ko ba kung bakit sa tuwing gusto ko siyang akitin ay para bang may pumipigil sa akin upang gawin 'yon.

        Naging maging magkaibigan kami ni Joshen. Hindi nagtagal napalapit kami sa isa't isa. Mas lalo pa kaming napalapit noong naging magkaklase kami. Kami ni Joshen ang naglalaban para sa pinakamataas na parangal. Masaya ako sa tuwing nagtatalo kami dahil tinutukso kami ng mga kaklase namin na baka daw magkatuluyan kami. Well, sana naman magkakatotoo ang tukso nila.

        Isang taon ang lumipas at naramdaman kong mahal ko na si Joshen. Naghintay ako na ligawan niya ako o di kaya'y ewan, ligawan pa rin niya ang ako ang pangalawang pagpipilian. Hmm... Ilang buwan ang lumipas ngunit hindi pa rin niya ako nililigawan. Naghintay ulit ako ngunit para bang ang isang segundo ay katumbas ng isang taong paghihintay. Nawalan na ako ng pag-asa hanggang sa sumagi sa isip kong gamiting muli ang aking kapangyarihan. Tinitigan ko siya at tsaka ningitian ngunit hindi tumalab. Naalala ko hindi ko pala pwedeng paibigin ang taong iniibig ko. Haay, buhay nga naman.

        Nainip na ako sa kahihintay kaya kinain ko na ang aking pride at tinanong siya. "Joshen, mahirap ba akong mahalin?" Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa at tsaka tinalikuran. "Joshen, sagutin mo nga ako, sabihin mo, mahirap ba akong mahalin?"  Tinitigan niya ako at sinabing "Ano sa tingin mo?" Napalunok ako ng laway at tinanong ang sarili ko, ano nga ba sa tingin ko? Mabait siya, masama ako. Marami na akong sinirang relasyon ngunit sapat ba 'yon upang hindi na ako mahalin? Pinagsisihan ko na lahat ng 'yon. Ito na ba ang sumpa? Huwag naman sana. Lumakad siya palayo at sinundan ko siya. "Joshen, hintay." Tumigil naman siya at sinabing "Bakit? Ano ba ang kailangan mo?." "Joshen, ba't ba ganyan ka sa akin? Matagal naman na tayong magkaibigan ngunit bakit pakiramdam kong ayaw mo sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sa'yo ha? Ba't ba ang singit-sungit mo 'pag ako ang kaharap mo, tapos sa iba ang bait-bait mo? Ano bang meron sila na wala ako? Ha? Joshen." Naiyak ako pagkasabi ko no'n. Pinunasan niya ang mga luha ko sabay sabing "Huwag 'yan ang itanong mo at huwag ako ang tanungin mo. Tanungin mo ang sarili mo kung anong meron ka na wala sila." Natahimik ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin no'n? Hinawakan niya ang aking mga pisngi at sinabing "'Pag alam mo na ang sagot, tsaka ka lumapit muli sa akin." Tumalikod siya at lumakad palayo. "'Wag ka na ring umiyak, hindi bagay sa'yo. Ang mga mata mo masyadong maganda para daanan lang ng luha." Sigaw niya. Ewan ko ba at 'pagkarinig ko no'n ay lalo  pang bumuhos ang luha sa aking mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seduction CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon