Chapter 22 : Sleepless
I canʼt sleep. I canʼt fucking sleep. I canʼt sleep knowing that Agnes is missing. Two days had passed, wala pa ring balita sa kanya hanggang ngayon.
Nilingon ko ang kama niya. Sheʼs not here. This room is gloomy without her. Namimiss ko na siya.
Kapag gabi, we will talk. Magku-kwento siya at makikinig ako kahit busy ako sa pagbabasa ng libro. Ngayon, deretso tulog na lang ako. Wala 'yung kausap ko.
Paano nangyari 'yon 'di ba? Hindi basta basta nagpapasok ng outsider ang Holmesʼ.
Paano nawala si Agnes? I mean, yes. Tinago nga siya ni Sir Michael sa dating Arts Room para roon siya makita ni Winston once ma-decode niya 'yung code.
Biglang nag-ring ang phone ko. Inabot ko iyon at umupo sa kama. Itʼs already 1:17AM and I am still wide awake.
Unregistered number. Sino naman 'to at ang lakas mambulabog?
“Hello?” sagot gamit ang napapaos na boses.
[“Hey,”]
Nagsalubong ang mga kilay ko at napaayos ng upo.
“Nol, how did you get my number?” pandederetso ko.
He chuckled.
[“Miss Velarde, I am a detective.”]
“Whatever, Iʼm hanging up.” ibababa ko na sana pero agad siyang nagsalita.
[“You canʼt sleep, too.”]
It wasnʼt a question. More like, heʼs pointing out that I really canʼt sleep.
“Ano ngayon?” pagsusungit ko.
[“Do you have any thoughts about Agnesʼ case?”]
Napaisip ako.
“I think itʼs not an outsider,” nasabi ko.
I have this feeling na nandito lang sa Holmesʼ ang dumukot kay Agnes.
[“I thought so, too. Nakakasalamuha naʼtin siya.”]
“Paano mo nasabi? Kilala mo na ba kung sino ang nandukot?” I asked.
[“Itʼs a detectiveʼs instinct. Gut feeling.”]
“Ano ba, Nol. Hindi ako nakikipaglokohan dito. Buhay ng kaibigan ko ang nakasalalay dito.”
I suddenly want to burst out.
[“Itʼs true. I already have a possible suspect. I just need some proofs or maybe, I can catch him on the spot.”]
“What do you mean? Whatʼs your plan, Nol?”
[“Iʼm sleepy,”]
“O tapos?”
[“Letʼs talk about it tomorrow. See 'ya,”]
Bago pa ako makapagsalita ay binaba na niya agad ang tawag. Napasapo ako sa noo. Nollan Albuendia! Ugh.
🔍🔎
Kinabukasan, agad akong nagising kahit kulang ako sa tulog. Buti nga maaga akong nagising kahit walang yumuyugyog saʼkin. I just miss Agnes so much.
Pagkatapos kong maligo, magbihis, at mag-ayos, lumabas na ako ng dorm. Kahit wala akong ganang kumain, kailangan pa ring kumain.
Pagpasok ko sa canteen, maingay. Natural lang na maingay dahil sa mga estudyante at Professors na nagkukwentuhan.
Nagulat ako nang biglang may humigit sa braso ko. Paglingon ko kung sino 'yon, nakita kong si Winston pala. Ano namang trip nito?
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Mistério / SuspenseHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...