What happened to us? ~Chapter 33
Selena's POV
~ 5:00 Pm ~
Papunta ako ngayon sa bar ni Joseph. May kailangan daw akong makita? Pero ano 'yon? Bakit kailangan ko makita? Joseph talaga oh.
Tungkol saan kaya 'yon?
"Joseph!" Sigaw ko.
Joseph's POV
Si Selena na ata 'yon? Teka nga.
Sumilip ako sa may pintuan, siya na nga. "Pasok ka." Sabi ko.
"Ano ba ang kailangan kong malaman? Tungkol saan?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Sasabihin ko sayo na hindi si Dexter ang nag-aya na magkita sila ni Hanley, ang totoo yung kapatid ko talaga. Tapos may ipapakita akong video sayo. Halika dito." Naglakad ako papunta sa record room habang nakasunod siya sa akin.
"What the heck?! Hinalikan ni Dexter si Hanley?!" Sigaw niya at biglang napaiyak.
"Kalma Selena, lasing si Dexter niyan. Tapos tabi silang natulog sa higaan kagabi. Kung pansin mo, hindi pumasok si Dexter di ba?"
"Kaya pala." Sabi niya at biglang umalis.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa baba. Iinom ako." Seryoso niyang sinabi. Iinom siya? Seryoso ba siya? First time niyang uminom ngayon.
"Sigurado ka?"
"Oo halika na!" Sigaw niya sa akin.
Agad akong sumunod sa kanya. Kumuha siya ng Chivas Regal. Matapang 'yan.
"Selena, huwag 'yan. Agad kang malalasing niyan." Sabi ko.
"Edi masaya 'pag gano'n." Giit niya at tumawa.
Hindi ko siya mapigilan at agad niyang binuksan ito.
Hinahanap niya kung saan yung mga baso, "Ayon! Sa wakas makakatikim na ako ng alak." Sabi niya at humalakhak ng humalakhak. Hindi pa siya nakakainom, parang lasing na.
Ang lungkot ng mga mata niya. Nararamdaman ko kung gaano siya kalungkot. Selena naman.
Nakadalawang baso na siya, "Selena tama na. Lasing kana. Halika na ihahatid na kita." Sabi ko pero tumawa lang siya.
--
~ 8:00 Pm ~
Uminom pa siya ng uminom hanggang makalimang baso siya.
Hinila ko siya, "Halika iuuwi na kita sa inyo." Pagkahila ko sa kanya, bigla siyang napayakap sa akin, "Dexter..." Mahina niyang sinabi. Si Dexter lang talaga mahal ng babaeng 'to.
Pagkabuhat ko sa kanya bigla siyang humilik. Nako nakatulog na agad.
Calling Tanya...
*Tanya?*
*Oh Joseph? Bakit?*
*Kasama ko si Selena. Sobrang lasing, pero iuuwi ko naman siya ng safe sa bahay nila.*
*Ay hala thank you Joseph. Pero? Ano ba talaga nangyari sa kanila ni Dexter?*
*Siya na siguro magkukuwento sayo.*
*Ah sige. Ingatan mo 'yang bestfriend ko ha?*
*Oo naman. O sya sige, ingat ka rin.*
*Salamat.*
*Walang anuman.*
(Tooott toooot)

YOU ARE READING
Addicted to You (BOOK 1 - Addicted Trilogy) (On-Going)
Aléatoire[#14 highest ranking] Selena Delveccio loved Dexter Santos more than anyone in this world. Kaya naman noong nagbreak sila, sobrang sakita para sakanya. Because the person who ruined the relationship of her bestfriend at her bestfriend's boyfriend is...