SOPKEN

29 2 0
                                    

TITLE; PAGLIMOT

pati pala sa pag limot
May trapiko
Hindi ako makausad
ang tagal kona dito.
Marami na ang dumaan, nandito parin ako.
Nakatulala, umaasa makakalimutan din,
At makakarating sa Dulo
O kaya sunduin.
Tama, Bakit hindi ka bumalik at ako ay sunduin?
Iligtas sa mga usok at alikabok na iniwan mo sa akin,
Mahirap umusad, mahirap maglakad.
Bakit ikaw, nakaalis agad?
Maluwag ba ang daan nang ikaw ay lumakad?
Hindi ka ba hinarang ng mga alaala ko ng mga salita, mga haplos, mga pangako, at pag mamahal?
Bakit wala sa'yung humarang?
Bakit hindi ka nahirapan?
Wala akong makitang ibang daan,
Mahal, bumalik ka naman,
Kahit saglit lang.
Ipaliwanag mo kung bakit ka nang-iwan.
Mahirap kumalikot at mag patuloy kung na guguluhan.
Pinipilit kong maintindihan, kaya siguro ako natatagalan.
Hindi naman siguro habambuhay ang pagtigil ko dito,
Makakaalis din ako,
Makakalimot, makakausad,
Katulad mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN POETRY PAGLIMOTWhere stories live. Discover now