Chapter 15 - BACK TO SCHOOL

3.1K 138 0
                                    

Jake's POV

Ang akala naming lahat ay babalik na ang mga ala-ala nila pagkatapos ng bukingang naganap. Hays. Hindi pa pala. Bakit kasi diyos at dyosa ang nagtanggal ng ala-ala nila? Hindi ko tuloy maibalik ang mga ala-ala nila because I'm not a full god I'm just a demigod. At ito pa ang masama! Ayaw ibalik ng mga diyos at dyosa ang ala-ala nila even Daddy can't. Kailangan daw nila kasi iyon dahil masyado silang nasaktan noon. Hays. Kung hindi lang sila nasaktan noon. Hindi na rin palaisipan sa amin kung paano sila napunta sa mundo ng mga mortal. Sinabi ni Dad kanina. Ang mga diyos at dyosa na namna ang may pakana. Hays. Lagi naman sila ang dahilan. Hindi naman ako pwedeng magalit kasi nga kailangan nila iyon para maging malakas at hindi na mahirapang magtiwala ulit atsaka para pansamantalang kalimutan iyong naganap na war. Sila kasi talaga ang nagbuwis at nagpanalo doon kaya wala na kaming magagawa.

"K-Kuya I mean K-Kambal." Napangiti naman ako sa tinawag sa akin ni Yzada. Pwede na namin silang tawagin sa tunay nilang pangalan dahil sa malaking pag-amin ni Jef--- I mean lolo kahapon. 'Yung totoong Jeff naman ay nandoon sa boys dorm, natutulog. Naprami daw ang pampatulog na inilagay ni lolo.

Flashback...

"Dahil ang katotohanan ay..." Si Tito talaga kahit kailan pabitin.

"H.M huwag niyo na po kaming bitinin. Nakakainis." HAHAHAH. Short tempered as ever Kambal.

"Osiya naiinip na ang apo ko. Gagamitan ko na lang ng magic para malaman nila. Kakatamad gumamit ng bibig eh." Saad naman ni Jeff pero teka bakit apo? Sinong apo?

"Anong apo sinasabi mo diyan Yron?!" Naiinis na sabi ni Yzada. Bigla naman silang nahimatay lahat bago pa makasagot si Jeff.

"A-Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ni Xandra.

"Nasa ilalim na sila ng trance ko kung saan ko sasabihin kung sino talaga sila and btw para magkaintindihan ako si King Yrald." Saad ni Jeff at nagbago ng anyo. This can't be happening. Lolo ko siya alam ko 'yon. At bago kami makapagsalita ay nasa ilalim na rin kami ng trance niya.

Kitang kita ko si H.M at si Jeff or shall I say Lolo na nag-uusap. Ito ata 'yung pinatawag siya kanina. Kitang-kita ko at rinig na rinig ko ang mga pinaguusapan nila hanggang sa tinawag na kami ni H.M. So that explains everything.

"What?! So all this time matanda ang tinatawag kong kambal?! Anong nangyayari wala akong maintindihan!" Saad ni kambal habang nasa trance pa kami.

Nagbago ang paligid. Nakikita ko si lolo. At pinapainom niya ng pampatulog si... Jeff?! Kailan ito?

Nawala ang lahat at bumalik sa dati.

"Nasaan si Yron?!" Pagkasabi ni Yzada no'n ay lumitaw ang natutulog na Yron sa mga kamay ni lolo.

"Pasensiya na, naprami ang pampatulog na nailagay ko." Nagkakamot ng ulong saad ni lolo.

"ROYALTIES, dalhin niyo na si Jeff sa kwarto niya at sabihin niyo kung sino kayo ss buhay nila Yzada. Ito na ang tamang panahon. Ikaw naman lolo bumalik ka na."

Palabas na kami ng pinto ng narinig namin ang sagot ni lolo.

"Okay. Bibisitahin ko muna ang apo kong si Violet."

Violet... Sana sa oras na magkaharap kayo ng iyong ina ay makaalala na siya.

"Sino si Violet?" Tanong ni Liana o mas kilalang Amber na wala namang sumagot.

- End of Flashback -

"Ano 'yon Yza-- I mean Ella?" Ella muna ang itatawag ko sa kaniya baka kasi ayaw niya ng Yzada.

MAGIKĒ ACADEMY: THE GANGSTER PRINCESS(BOOK 2)(COMPLETE)Where stories live. Discover now