Ilang araw ang lumipas.
Oo ilang araw na pero hindi ko pa rin nakita si Chadd.
Hindi pa siya umuwi sa apartment at hindi pa rin kami nagkausap.Ang sabi ni Ace na nagka-emergency lang pamilya nya noong huli naming pagkasama at umuwi ito sa kanila.
Hanggang ngayon di pa rin siya nakabalik.Lumipas pa ang nga araw pero di pa rin sya nakabalik galing sa pamilya nya.
Mismo ang pinsan nyang si Ace ay wala ring ibang alam sa kanya gayong iisa lang ang tirahan at ng taong nagpalaki sa kanila. Ang sabi lang din daw sa kanya ay ganoon din pero di nya alam kung ano talaga ang nangyari sa pamilya nito kahit iisa lang sila ng tinitirhan.Kahit tawag wala akong natanggap galing kay Chadd.
Nagulat nalang ako isang araw na may mga taong nagpapakuha sa gamit nya.
Ang sabi ni Ace ay mga tauhan ito nila Chadd.
Nagbakasali na rin akong magtanong sa kanila tungkol kay Chad pero tikom ang bibig ng mga ito.Hanggang ang mga araw na lumipas ay naging linggo at naging buwan pero wala pa rin akong balita sa kanya.
Naghihintay pa rin ako sa pagbabalik ni Chad.
Kahit tawag ay umaasa ako na may matatanggap ako.
Pero naniniwala parin akong babalik sya.Matatagalan man pero maghihintay parin ako sa pagbabalik nya.
Nangako sya sa aking di nya ako iiwan at panghahawakan ko ang pangako nya na iyon.2 MONTH's LATER
''ASHA!!GISING!GUMISING KA NA DYAN AT BUMANGON!JUSMIYO! ANONG ORAS NA''
Nagising ako lakas ng katok at hampas ni Tyang sa pinto ng kwarto.
Nakaramdam ako ng hilo at pananakit ng ulo. Mukhang lalagnatin pa ata ako.
Masama man ang pakiramdam ay pinilit kong bumangon at pagbuksan ng pintuan si Tyang."Anong oras na tulog ka pa?"
''Pasensya na Tyang masama po ang pakiramdam ko''
"Ah asama ang pakiramdam mo?''
''Opo tyang''
''At anong gusto mong palabasin? Na ako ang gagawa sa mga gawain dito?Ganun ba yon?''
''Hindi naman po sa ganun Tyang.''
''Anong hindi sa ganun hah?Eh masama kuno ang pakiramdam mo!Naku Asha tigil-tigilan mo'ko sa kaartihan mo.Huwag mo nang ipagpumilit yang masama mong pakiramdam at baka masamain ka sa'kin.Bilisan mo na dyan.Linggo ngayon magsisimba ako kailangan pagdating ko nakapanggrocery ka na!!''
Padabog pa syang umalis at pumasok na sa kwarto nya.
Kahit masama ang pakiramdam ko,pinilit ko pa ring kumilos.
Ilang araw nang nmmasama ang pakiramdam ko pero mas grabi lang ngayon.Minsan nahihilo pa ako.
Baka anemic na ata ako.
Medyo hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-alis ni Chad.
Kamusta na kaya iyon ngayon?Sana maayos sya.At sana bumalik na sya.Pinaghanda ko muna ng agahan ang mga boarders bago manggrocery.
Papunta na'kong sakayan ng jeep ng masalubong ko si Ace,galing ata sa jogging.''Asha,Good morning sayo! San ang punta mo?''
''Sa department store lang,manggogrocery ng mga kakailanganin''
''Ah ganun ba?Ah sige Asha una na'ko''
''Sige'ingat ka''
Medyo nakalayo na'ko sa kanya ng tinawag nya ulit ako.
''Asha!teka lang saglit''
''Bakit?sasabay ka ba sa'kin o may ipapabili ka ba?''
''ah eh wala naman''
''Eh bat mo'ko tinawag?may sasabihin ka ba?''
''ha?ah wala...sige''
''Sige sabi mo eh..sige alis na'ko''
Nakatalikod na'ko ng.....
''Teka lang...''
''Bakit ba?ako bay niloloko mo hah Ace?mamaya nalang hah baka mapagalitan ako ni Tyang pagnatagalan ako''
''Usap tayo mamaya,mamayang gabi''
''Bakit?tungkol ba yan kay Chadd?may balita ka na ba sa kanya?''
''Basta mamaya nalang gabi''
At bigla nalang syang tumakbo palayo sakin,hahabulin ko pa sana sya kaso kailangan ko nang manggogrocery.Tsaka baka lalu lang akong matagalan.
Ano naman kayang sasabihin non?
Sana tungkol kay Chad, sana nay balita na sya.Binilisan ko nalang manggrocery at para makauwi na agad.
Pagkauwi ko sa apartment,trinabaho ko na ang mga gawain ko.
Naglaba at naglinis ako maghapon,sa sobrang pagod ko di ko namalayan nakatulog na pala ako sa sofa kinahapunan.
Nagising nalang ako sa sigaw sa'kin ni Tyang.''ABA NAMAN,KITA MO NGA NAMAN..!!mHINDI MO BA ALAM KUNG ANONG ORAS NA HAH?ORAS NA PARA MAGHANDA NG HAPUNAN!ANG DAMI GAWAIN DITO PERO IKAW ANG SARAP NG TULOG MO''
''Sorry po Tyang,napagod lang po ako sa paglalaba kaya po siguro ako nakatulog.Pasensya na po kayo!!''
''AH GANUN?NAGREREKLAMO KA NA SA MGA GAWAIN DITO?HOY BABAE.!!KUNG ALAM MO LANG..KULANG PA YAN SA MGA UTANG NG PAMILYA MO SA'KIN NA KAHIT MAGTRABAHO KA DITO HABANG BUHAY DI MO PA RIN YUN MABABAYARAN''
''Pasensya na talaga"
''HOY!!HINDI MO'KO MADADAAN SA PASORRY-SORRY MO NA YAN!!KUNG AKO SAYO TUMAYO KA NA DYAN AT MAGHANDA NG KAKAININ SA HAPUNAN''
''Opo Tyang''
''BILISAN MO NA DYAN''!
Umalis na si Tyang,pagtayo ko medyo nakaramdam ako ng hilo kaya medyo na'out balance ako.Mabuti nalang at nasalo ako ni Ace dahil kung hindi nasubsob na'ko.
''Okay ka lang ba?''
''hah?ah oo okay lang ako,medyo nahilo lang ako''
''Baka may nararamdaman ka ng iba,patingnan mo na yan baka mapano ka pa''
Natawa akong konti sa reaction ni Ace.
''Ano ka ba?nahilo lang ako..Huwag ka ng mag'alala pa ha..at salamat sa concern''
''Siguro ka ba talagang wala kang nararamdaman''
''Opo..wala po talaga.Okay lang ako. Sige punta na akong kusina,magluluto pa ako ng hapunan,at maraming salamat sa pag-aalala"
Mhiedith_loveU
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
General FictionLife can either bring out the best in you or can completely drain out your will to live.