EPISODE 7 PART 9 -SCHOOLDAY

57 2 0
                                    

#AGBGisiahsfirstschoolday

ISIAH's POV

One month na din buhat nang bumalik na si Miyu sa Japan at sila Sir Sky at Miss Suzie dumiritso ng Korea kasama sila Lolo at Lola.

Abala kami ngayon at firstday ko sa school, inayos ko muna ang gamit ni Steven saka pumunta sa kambal.

"Uyyy papasok na si mommy.." Ani Ate Anna.

Napangiti lang ako saka nilapitan ang kambal at hinalikan. Baket tumataba na 'tong mga 'to? Ang cute nilang tignan.

"Isiah, lets go..." Pagtawag sa akin ni Steven.

"Ate Anna ikaw na po bahala dito..." Halik sa kambal. "Ate kumain ka po diyan ha, huwag papagutom!" Sigaw ko habang palabas.

'Di ko na naantay ang pagsagot ni Ate Anna at nagmadali na kaming umalis. Nahabol ko na si Steven sa elevator nang may makasabay kaming isang napakagandang blonde girl.

"Steven Mondroadou?"

Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Steven at parang tila inaalala kung sino yung babaeng tumawag sa kanya.

Nabasa seguro ng babae ang reaksyon ni Steven at napangiti siya, samantalang si Steven 'di pa rin ma-recall kung sino ang babae.

"Ohh, I guess you can't remember me, it's been a long time ago since the last time we've met." Ngiti niyang pagkatamis-tamis "Angelina Patrick." Lahad ng kamay.

"Ohhh, Angelina… I'm sorry if I can't remember you, you've changed a lot." Abot ng kamay ni Angelina. "You've got your blonde hair." 

Napangiti naman yung tinawag niyang Angelina, maganda ito, matangkad at maganda ang katawan. Para siyang model sa tindig at aura.

"Ah yeah, I changed myself because of you." Sa malandi nitong boses.

Napataas naman ang kilay ko, at si Steven naman natawa lang bahagya at inakbayan ako.

"By the way, Angelina this is Isiah my fiancée..." Ngiti

Napansin kong nagbago ang aura ng mukha ng babae, ano ka ngayon? 'Wag mo 'ko idaan sa pa blonde hair mo, dahil talo pa ng half Pilipino at Korean ang mga white girl... Okay?

"Babe, this is Angelina my highschool friend."

Ngumiti lang ako at kinamayan siya, ganun din siya sa'kin pero medyo nakataas ang kilay, pahiya ka lang sa kaartihan mo ei.

Nang magbukas ang elavator ay nagpaalam na kami kay Angelina, bago kami makalayo nilingon ko muna siya. Tapos tinaasan ko nang kilay.

-----------
*******

Ang lawak ng school at ang laki, nalula ako sa taas ng mga building..
Nakahawak pa ako kay Steven habang nilalakad namin ang hallway.

Hinatid n'ya muna ako sa room ko at pinakilala ako ng teacher. Halos puro white and blonde girl nakikita ko.

Pinaupo ako ng teacher, nang papunta ako sa chair ko bigla akong blinockingan ng ka klase kong babae dahilan para madapa ako. Nagtawanan ang mga ka klase ko maliban sa apat na nakatingin lang.

"Chealsea Mc. Bride! What did you do!"

Chealse pala ang pangalan ng impaktang 'to, bweset na 'to? 'Wag mo ko binu-bully ha, at kahit may anak na ako kaya ko pa rin magpalipad ng bungo! Pasalamat ka at kulang ako sa training.

"Ma'am, it's not my fault that this new classmate is stupid! And can you shut up ma'am! Then why don't you do your job? Your job is to teach us the subjects, not what we want to do..." Wika no'ng Chealse na kung 'di lang maputi mukhang palaka.

Naghiyawan naman ang mga students, kulang sa good manners. Tumigil ka at kahit kakasimula ko pa lang 'di ako papa-bully sa'yo. Napansin ko na parang nalungkot si ma'am. Kaya tumayo ako saka pinagpag ang damit ko.

"Why did you talk that way to your teacher? Her job is not easy, just like what you think. If not because of her, maybe now you can't even write your name… And read it." Walang emosyon kong wika sa kanya.

Sa inis niya tatayo sana siya pero malakas ko siyang pinaupo dahilan para mabagsak siya ulit paupo, naghiyawan nanaman ang loob ng klase, ang tapang 'di yan na dadaan sa laki tandaan mo 'yan.

"How dare you new students to tell me those stupid things... Did you know me?!" Ani Chelsea 

"Chealsea Mc. Bride, right?… And you? Did you know me?" Taas kilay kong wika sa kanya.

Tinitigan ko siya nang walang reaksyon, mga titig na walang ka emo-emosyon, mga titig na malamig pa sa mga loner na tao.

"Dangsin-eun maeu yeppeun yeojaibnida, dangsin-eun dangsin-i chajgoissneun geos-eul chaj-eul geos-ibnida" (Napaka maldita mong babae ka, makikita mo ang hinahanap mo sa'kin.)

Natulala sila nang mag Korean ako, lalo na si Chelsea, nakatanga siyang tumingin sakin. Napaka maldeta mong babae ka akala mo naman ikinaganda mo? 'Di mo 'ko matatakot sa laki mong empakta ka, you can't ruin my life, but  I can do yours.

"Respect your teachers if you want to learn more, respect them because they share their wisdom with you, for you to learn… So stop acting like that and stop bullying students who are weaker than you… Please don't. Me… You don't know what I can do."

Iniwan ko siya, at pumunta na ako sa chair ko, masama ang tingin niya sa'kin, at wala akong pakialam sa tingin mo, pagkalapag ko ng bag ko tahimik lang ang mga katabi ko.

Napangiti naman ang teacher ko at hiniling niya na pumunta ako sa harap, pagdaan ko kay Chealsea 'di siya lumilingon sa'kin.

"Hi everyone, I'm Isiah. I come from the Philippines, and I am half Filipino-Korean, and I am a mother of twins." Nakangiting saad ko.

Narinig ko namang parang namangha ang mga ka klase ko nang marinig ang sinabi ko na nanay na ako ng kambal

"Oh my, a single mother? At the age of 19? Yuck!" Ani Chelsea, ang nagsasalitang palaka sa Paris.

Mukha nito akala mo naman ang ganda, eh kung 'di kalang maputi ang baho mo kaya tingnan, ang layo mo naman sa kutis ko noh, halata nga sa balat mong dry na..

"What's wrong with the single mom? Being a single mom is not a crime, it's a blessing…" Ngiti ko. "Because not everyone can have a child. And it's better to be a single mom, than to abort the child."

'Di nakaimik si Chealsea sa sinabi ko, naka-relate ata, hula ko nakailang laglag na 'tong malditang 'to, halata naman na may sekretong malupit.

"Well, the boyfriend run and going somewhere than to take the responsibility?"

"What do you mean?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa boses na nasa labas, napayuko naman si ma'am, pumasok si Steven at tumayo sa tabi ko.

"Class, please greet Mr. Mondroadou. He is the grandson of our loving owner, Mr. Alfred Mondroadou and Mrs. Alison Mondroadou." Ani ng teacher.

Ano sila ang may-ari ng school? Kaya pala ang dali para sa kanya na mag-enroll dito. Tumayo naman ang mga students at binati siya, habang si Chealsea panay pa cute at parang inaakit si Steven. Nang lingunin ko si Steven nakasimangot ito. Nang maupo na sila ay panay pa rin tingin ni Chealsea.

"Anyway, please be good to her everyone, because this woman is the mother of my twins." Nakangiting wika ni Steven.

Napatulala naman sila at 'di nakaimik, lalo na yung si Chealsea. Napawi ang pagpapa-cute niya sa fiancé ko. Kaya huwag mo lait ang kambal ko, dahil kaya niyang bilhin ang buong pamilya mo. Kakainis ka.






-----------_--------_--------_-----------

Ano ka ngayon bruha, di ka nakaimik?
Anyways, guys please comment po para malaman ko if whats on your mind.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon