Chapter 24
Hindi na ako pumasok kahapon dahil sumama talaga yung pakiramdam ko. Hindi ko nga malaman sa sarili ko kung bakit ako nagka ganoon eh! Pero, hindi na ako magpapa apekto doon. Wala lang yun... panaginip lang iyon. Mabuti na lang talaga at okay na ako ngayon.
~*bzzzzzzt.......bzzzzzzt.......bzzzzzzt...~*
Calling......Vincent..
Hala! Sasagutin ko ba siya o hindi? Ano ka ba Aira. Kala ko ba hindi ka na nagpapa apekto doon. Sagutin mo na yung tawag niya, baka importante pa iyon.
"Ah....hello, Vincent."-mahinang sagot ko.
"Ah... Aira, excuse me lang ah, nakaka istorbo ba ako?"-
"Hindi naman."
"Ah ganun ba? Kala ko kasi busy ka eh."
"Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ah... eh, tatanong ko lang sana kung kasama mo ba si Bea?"-teka? Sinong Bea ba? Yung best friend ko o yung classmate namin
"Bea? Sinong Bea?"-naguguluhang tanong ko.
"Yung, best friend mo."
"Ah... kala ko kung sinong Bea eh. Teka, magka kilala kayo?"
"Hindi mo na ba na aalala? Diba naging close kami nung high school pa tayo. Nakalimutan mo na ba?."- ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Close pala sila dati. Ano ba yan. Kinalimutan ko na kasi iyon eh.
"Ah... eh... ay, oo nga pala. Nakalimutan ko kasi eh. Sensiya na ah. by the way, hindi ko siya kasama Vincent eh.. ewan ko nga din kung asaan yun eh. Tinawagan ko siya kanina pero, hindi naman siya sumasagot."
"Ganon ba? Ah.. sige, salamat na lang ah."
"Sige... welcome."
******** End Call********
Teka? Bakit kaya hinahanap ni Vincent si Bea? Hala! Wag mong sabihing...... may something sa kanilang dalawa? Pero, wala naman sa aking naikukwento si Bea ah. Siguro, mayroon lang talagang kailangan si Vincent sa kanya.
Tutal, linggo naman. Walang pasok! Wala ding mga assignment at project. Ie-enjoy ko na lang itong araw na ito. Pupuntahan ko na lang si Johann sa bahay nila.
~* Dialing....... Babe. <3
*****The subscriber cannot be reach, please try again later.... toooot....tooot....tooooot.
Teka? Bakit out of coverage si Johann? Hindi naman siya nagpapatay ng cell phone ah. Ano? Na lowbatt kaya yung cp niya? Pero, imposible din! Lima-lima kung magdala ng extrang battery yun kaya, malabong lowbatt yung cp niya. Hala? May nangyare kaya sa kaniya?
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomantizmTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...