MNB19- Enrollment

1.5K 40 0
                                    

The Italic part was a flashback.


"Is it true Dad? Anak mo si Syris?" Syris was her greatest enemy. Naging kaklase nya ito noong elementary at highschool at lagi nyang kaaway sa lahat ng bagay. She called Syris "Syris the great bitch". Valedictorian si Sierra Salutatorian naman si Syris isa sa sobrang kinaiinisan ni Syris kay Sierra dahil sa lagi itong nanalo. Dati pa man napapansin na nyang masyadong malapit ang loob ng ama kay Syris kahit na hindi naman sila magkaibigan. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama anak daw kasi ito ng kapartner nya sa negosyo. At ngayon naririnig nya ang pagaaway ng kanyang daddy at mommy tungkol sa anak nito sa labas. Hindi lang iyon ang ikinagulat nya.

"Bakit gising ka pa?"

"Answer my question, DAD ANAK MO BA SI SYRIS?"

"Una syang anak ng Daddy mo Chantelle"

"What the hell are you saying Mommy?"

"It's true."

"So kami pala nila Carlos ang anak sa labas? What a nice shit" Her father didn't answer. Ang mommy nya ay iyak lamang ng iyak. Si Syris pala ay anak ng daddy nya sa una nitong asawa at pangalawa lang sila. Hindi pa man din sya nakakatapos ng highschool noon gusto na syang pagaralin ng ama sa abroad at doon na lang magkolehiyo. But Sierra refuse her dad's offer. Highschool pa lang si Sierra minomodelo nya na ang mga bag, sapatos, damit na binebenta ng kanilang pamilya sa Cebu. Model sya ng Touch n' Grip.

"Ngayon alam ko na kung bakit ganun ka kay Syris? Ngayon alam ko na kung bakit pati sya gagawin mong model? Ngayon alam ko na kung bakit kating kati kang papuntahin ako ng ibang bansa?"

"Stop it young lady!"

"Chantelle tama na wala na tayong magagawa"

"Mommy! This man ruined our life. All this time kaya pala ganito tayo tratuhin." 

"His still your dad. Chantelle."

"Not anymore." Sierra left.

A week after Sierra leave their house. Matalino at matapang si Sierra kaya nakuha nyang magtrabaho at gamit ang iba pa nyang pera. Lumuwas ito ng Maynila at doon nangupahan at humanap ng unibersidad para pumasok bilang scholar. Dito na rin nya nakilala si Anessa hindi alam ng kaibigan na mayaman at kilala ang pamilya nito sa Cebu. Samantalang sa bahay ng mga de Asis alalang alala ang mommy ni Sierra.

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon