FATE OVER PROMISES

116 2 0
                                    

FATE OVER PROMISES

- Lyka Garcia

"I didn't expect na magagawa mo 'ko ipagpalit sa promise mo. Pero kung yan decision mo, okay I'll respect it. But remember this thing : We're meant for each other. And patutunayan ko yan seyo. PROMISE!"

Inhale-exhale. Inhale-exhale.

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili mula sa paghangos. Kaba, takot, galit, panghihinayang, pagkaguilty at labis na pagsisisi. Halo-halong emotions ang nafifeel ko.

* Sign of the Cross *

"May your spirit and soul rest in heaven."

Matagal-tagal na rin pala mula noong huli kong mapanaginipan si Lee Jeong. Nakakatakot! Maadaling araw pa naman at nag-iisa ako ngayon sa kwarto. Mukhang hindi na naman ako patutulugin ng konsensya ko nito ah. At ayun! Hindi ko na namalayan, tumutulo na pala yung mga luha ko habang inaalala ang nakaraan namin ng aking latest ex-boyfriend.

-- FLASHBACK **

Fourteen years old ako noon, third year highschool nang maging classmate ko si LeeJ. Naaalala ko pa noon ang mga kalokohan ng klase eh. Yung mga boys nililink kami sa isa't isa tapos yung mga girls naman, ang sama ng tingin sakin! Aba! Bakit? Kasalanan ko bang sa akin siya itabi ni Ma'am Joanne ♥ ?! Syempre, hindi. Swertehan lang yan. Sa bagay, may dahilan naman para maiinggit sila eh. Kasi si LeeJ, katulad ng typical korean guy ay maputi, matangkad, macho matangos ang ilong, makipot ang labi at hindi mo maintindihan kung pano nga ba nagmukhang singkit yung malaki nyang mga mata. For short, gwapo siya.

Ay, mali! Let me correct the last phrase. Hindi sya gwapo. He is CUTE! Not only with his physical appearance pero pati yung entire personality nya. And that's what I like the most. Makulit kasi siya kaya masayang kasama. Tapos may pagkaloko sya pero kahit ganun, matalino yun at responsible. Gentleman pati sya at humble. At saka masaya din yung kausap! Daldal kasi ng daldal. Kaso nosebleed ako don kai-English! Pero habang tumatagal, natuto syang mag-Tagalog at tinuruan din nya 'kong mag-Korean ng konti. Aba, syempre! Ayoko naman 'atang may pabigat na dictionary sa bag ko sa buong school year.

"Buong school year"? 

Hindi nga siguro. Alam ko namang aalis at aalis din sya eh. Pero yung moments namin together, more on happiness naman. So I must admit na...

NAFALL AKO SA KANYA.

Eh sya kaya ? Sana ! =/ Hay.. Ang sarap mangarap!

"Corpse! Nasan na ba yung article ko para sa Spectrum ?"

"Makisigaw ka naman corpse! Daig mo pa ang nakalunok ng speaker eh!Nasa file case ko. Ito -- "

"Ito ka dyan! Asan na ba? Baka naman naiwan mo sa classroom. Balikan mo muna. Hihintayin na kita dito,okay?"

Okay din 'tong si Bernadette ah. Pababalikin pa talaga ulit ako sa 4th floor! Kabababa lang aakyat uliot?! Tsk! Kaya ayokong nagdadala ng bitbitin eh, masyado akong makakalimutin. Kung hindi nga lang kailangan. Takot ko lang kay Ma'am Amarillo. Psh. Ang sarap nyang gawing tunay na CORPSE ( bangkay / labi ) !

Kaya eto, no choice! Balik ako sa 4th floor.Wow huh. Mukhang may tao pa!

"So Mr.Park!"

Ah I see. Boses yun ni Sir Arman. Kung alam lang siguro ni CORPSE na nandito si Sir niyang poging pogi, sasama agad yun. Makaechos muna. Kausap si CRUSH eh. XD Sino pa ba? Syempre ang aking si LeeJ. Ayt, ang kiri.

"Goodbye na ba talaga? The day after tomorrow na pala ang flight mo going back to Seoul eh."

YAAAHHH !! ~ Sabi ko na nga ba. Iiwan din ako ni LeeJ eh! Tss. >,<

FATE OVER PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon