Chapter 6

34 2 0
                                    

"Bilis naman spring oh! Tagal talaga" sabi ni shan.

Nagbuntong hininga na lamang ako dahil sa tagal ng mga kasamahan ko.

"Malapit na magsimula" sabi naman ni lara.

Nauna na sila dark at eino sa arena, ngunit kaming mga babae ang natagalan. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nung dalawa.

Oo nga pala, pangalawang laro na ito ng battle of the highest rank at pupunta na kami duon sa arena para malaman namin kung ano ang sunod na laro.

"Tsk! Bilisan nyo nga" sabi ko.

Lumabas naman sila pagkatapos kung magsalita.

"Ito na ito na!" Sabi ni spring.

Hinawakan ko sa kamay si spring at lara sabay nag teleport pa arena, habang iniwan ko naman sa tinutuluyan naming bahay si shan.

"Galing nandito na tayo" manghang sabi ni spring.

Kita ko naman ang paglalaki ng mata ni dark dahil bigla kaming sumulpot sa sarapan niya.

"Damn! Nakakatakot naman kayo, bigla bigla na lamang dumating" sabi ni dark.

"Nasaan si shan?" tanong ni eino.

Bigla namang dumating shan pag katanong ni eino.

"Abay nang iiwan ang tatlo ah!" Sabi nito.

"May speed power ka naman, yan nalang gamitin mo" sabi ko.

"Ang daya naman" shan

Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"Nagsisimula naba?" Tanong ni lara.

"Oo kanina nag explain na ang host sa klase ng laro." Dark

"Ehhh!! Pano kami hindi namin alam ang laro" spring

"Simple lang naman ang laro" eino

"Ano naman yun?" Tanong ko

"Racing" sabi ni dark

Tumaas naman ang kilay ko sa klase ng laro, racing ha!

"Dito sa arena yung start, at sa palasyo may hahanapin kang gold na mga gamit, sabay balik ulit dito sa arena. Isa lamang sa isang group ang pwede maka sali. Ang 1st is 5 points, 2nd is 4 points, tapos 3rd is 3 points, then 4th is 2 points and 5th is 1 points." Sabi ni dark.

"So parang race na may twist!" Sabi ni shan.

"Possible na pwedeng makasali ay either si shan or si aph" sabi naman ni spring.

"Oo nga. Kung si shan mabilis kasi may speed powers sya, kapag si aph naman walang kahirap hirap nakaka teleport sya eh." Dark

"So sino sa inyong dalawa?" Sabi ni spring

Tinignan ko si shan at nag taas ng kamay.

"Ako muna ang sasalang, sasusunod na si shan para may reserba tayo." Sabi ko

"Ok lang sa akin, baka hindi ko makita ang pinapahanap nila" ngiting sabi ni shan.

Tinawag na kami ng host upang mag simula.

"Ang sasali sa ikalawang laro ng battle of the highest rank ay sina, Prince Draco Ibarra, Pyra Pendelton, Ren Sunshine Scheer, Dale Sven and Aphrodite Jade Potter."

May pinakita silang malaking glass hour kung saan duon kami mag babasi kung kaylan magsisimula at magtatapos.

Nung nagsimula na ang glass hour ay nagkanya kanyang gamit ng kapangyarihan ang mga kalaban ko.

The Deity Of Magical WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon