CHAPTER 6

1.8K 44 1
                                    



CHAPTER 6




We spent the day eating together while watching different movies. He was sitting comfortably as I laid on his lap. This is the last movie at sa kusina naman ang destinasyon naming dalawa. Sa lahat yata ng date namin ay ito ang naging paborito ko. I spent the day being so close with him. Marami kaming napagkwentuhan kasama na doon ang mga paboritong pagkain ng parents niya na balak naming lutuin mamaya.




I was happy seeing him laugh so hard today. Kahit sa sandaling ito ay nagawa ko siyang makalimutan ang mga hinanakit niya kanina.



The movie was about to end. Naka-focus ako dito when he suddenly uttered something.



“I love you so much babe. Thanks for being a part of my life.” He said in a sweet husky voice. Ang weird talaga nito bigla. It didn’t surprise me dahil palagi naman siyang nagsasabing mahal niya ko. This one just felt so odd.




“I didn’t know you were this good in cooking, Katrina.” Tito Kleo complimented me after tasting one of the dishes Kiev and I prepared.



“I could say, Kiev is too lucky to have a future wife like you. Siguradong tataba itong panganay namin sa sarap ba namang magluto ng asawa.” Pabirong pagsang-ayon naman ni Tita Kianna saka tumawa. Nahihiya naman akong napangiti dahil sa sinabi nilang iyon. Getting compliments from your in laws felt so nice, pakiramdam ko tuloy gusto ko ng mag-chef.



“Salamat po at nagustuhan ninyo. Nag-aral po talaga akong magluto para kay Kiev at sa inyo rin po.” Nilingon ko si Kiev at ngumiti lamang siya ng pagkatamis tamis sa akin. I wasn’t good at cooking before but Kiev and his harsh comments on my cooking pushed me to improve.



“Why don’t you stay here for the weekend hija? Dito ka na rin matulog ngayon. I want to bond with you, okay lang kaya yun kina balae?” Tita Kianna suddenly suggested which surprised me. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.



Nakangiti naman si Tito Kleo na para bang nagugustuhan niya iyong suggestion habang si Kiev naman ay tahimik lamang. Nakikita ko ang excitement sa mga mata ni tita habang hinihintay ang sagot ko.


I suddenly don’t know what to say. Nakakahiya naman kung makikitira ako dito nang hindi pa kami kasal ni Kiev pero mas nakakahiyang tanggihan ko ang imbitasyon nito.




“Talaga po tita?” Pilit akong tumawa.


“Oo naman. We have three vacant rooms for the guests. You can just choose.” Masayang tugon naman ni tita.



Gusto ko ng magkamot ng batok dahil sa pagkalito. I can’t stay that long. May mga importante akong gagawin sa bahay at hindi ako sanay na matulog sa ibang bahay. I know hindi ako magiging komportable dahil magiging conscious lang ako sa mga galaw ko. Kiev’s family is very formal and classy. I’m not ready yet, I don’t want to disappoint them. Kaso ay hindi ko alam kung paano magpapaliwanag at baka ma-offend ko pa si tita Kianna.




“Uhm, kasi po… I’d like to accept your invitation…uh pero po kasi…” Nilingon kong muli si Kiev at isang tingin niya pa lang parang alam na niya agad ang nararamdaman ko ngayon.




“Mom, I think keeping her for the weekend is too much. Mamimiss siya ng family niya.” Kiev said smiling. Sinang-ayunan naman din ito ni tito Kleo, “Tama nga naman. Baka ay may mga mahalagang gagawin pa si Katrina sa kanila. Isa pa, she could stay here as long as she wants after their marriage.”




I Will Be Here For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon