Chapter 20

352 1 0
                                    

092114- One and only update for today. Sorry for not uploading two chapter, doncha all worry, this is the compiled version of 20 &21. Dedicated kay ate Yosh. Hi ate Shennah here.

------Peach’s P.O.V.------

“Wow! As in? You’re inviting us?” sigaw ni Apple habang ino-obserbahan ang invitation card ni Seven sa birthday niya.

“Yes. Haha. Hindi pwedeng hindi kayo pumunta. You’re my friends and Ate’s going back from Europe.”

Napansin ko namang nanlaki ang mga mata ni Cherry at Apple.

“Whut? OMG! Kailangan naming pumunta. That’s Severina Del Valle. Ibang level na yun eh. OMG.” Di magka-maliw na sigaw ni Cherry.

“Hahaha! At hindi kayo pwedeng mawala dun dahil you will accompany my Peach.” HINDI AKO KINILIG! Hahaha. Hindi talaga, seriously.

“Magde-debut ka na ba Seven? Ba’t ang enggrade ata?” Tanong ni Strawberry kay Seven.

“Haha! Hindi naman ako babae ah. It’s not really luxurious. Yung plano kasi ni ate eh parang welcome party na rin para sa kanya yung birthday celebration ko kasi tomorrow morning din siya darating tsaka, gusto rin niyang ma-meet ang mga kaibigan ko.”

“Ambakla lang ng peg ah.” Sambit ko naman.

“’Yan ka na naman eh.” Tapos pinunas niya ang kamay niya sa mukha ko. Aish!

“I’m just telling the truth baks. Hahaha! De j’k. Ano bang susuotin namin sa espesyal day mo na ‘yan? T-back? Ano? Yarn? Nylon?” sabi ko.

“Hahahahaha! Shet. Pang FHM.” Singit naman ni Cherry.

“Casual attire will do. Ano na naman ba’ng pinag-iisip niyo? Oy ikaw Peaches ah, ambastos mo.” Daing ni Seven. Grabe, ako na naman?

“Waw! Nagsalita ang inos---” tinakpan niya naman ang bibig ko. Ay! Alam na Seven. Sinasabi ko sa ‘yo.

“Basta, I want all of you to be there. And also Five and Dime plus Adrian will be there.” Pagpapasimpleng sabi ni Seven. Pinaparinggan ba niya si Apple?

“O-kay? Basta sa ibang table kaming mga Prutas.” Biglang react ni Apple. See? Mas mabilis pa sa alas kwatro kung maka-react si Apple

‘Ta mo? Nung nalaman niyang pupunta si Nathat---well, siyempre. Close sila ni Seven, eh gustong di magpakita.

“Apple, you’re all gonna be with me in one table—with my ate. Please, kahit sa birthday ko, ‘wag kayong magpaka-bitter,” tumingin naman si Seven kay Strawberry, “Ni Strawberry.”

“Aish! Dinamay na naman ako oh. Behave na nga ako dito.” Napatingin naman si Berry sa direksiyon namin pagka-rinig niya sa pangalan niya.

“Eh ano naman ang totoo? Move on dude.” Hala! Di-nude ni Seven si Berry? Hahahaha!

“Ano sabi mo? HOY! ‘Di ako tombooooy! ‘Wag mo ‘kong dinu-dude Seven ah.”

“Aw, lady. Ayan, move on na girl.” Binakla pa ni Seven ang boses niya.

“’La na akong pake sa mga lalaking ‘yan! MGA MANLOLOKO SILA. LECHE! Puro sex lang ang kailangan nila sa mga babae. Aish! Baka gusto nila kwintasan ko sila ng boobs?” Pasigaw na sabi ni Berry.

Nagtinginan naman kaming tatlo nina Cherry at Apple. Ay si Berry, may pinaghuhugutan.

“Ehem, excuse me. Lalaki po ang iyong kaharap at Seven ho ang pangalan ko.” Napa-upo naman si Berry.

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon