CHAPTER 10
What happened made me realized that everything they told me was right. Wala silang ibang inalala kundi ako kahit na nasasaktan rin sila pero ako, wala akong ibang inalala kundi ang sarili ko. Masyado akong binulag ng sakit at galit. I was hurt because I still can't accept what happened and I still can't let him go.
Akala ko kasi talaga kami na. Akala ko kasi talaga siya na ang nakatadhana para sa'kin pero akala ko lang pala lahat ng iyon. I was left here with his promises.
Pakiramdam ko naiwan ako sa ere kasi nangako siya sa'kin dati. Pinangako niya sa'kin na tutuparin niya lahat ng pinagako niya, na hindi niya ko iiwan, na hindi siya kagaya ni Kiel na basta-basta nalang mang-iiwan. But turns out he wasn't able to keep his promise either and I am not blaming him for that kasi hindi niya naman ginustong mamatay siya.
Si Kiel at Kiev, pareho na silang nangako sa'kin at pareho din nilang hindi tinupad yun. I'm tired of promises na sa bandang huli hindi naman pala natutupad and in the end, ako itong masasaktan. Pareho ko silang minahal at pareho din nila akong iniwan. Maybe it's time to let them go. Maybe it's time na sarili ko naman isipin ko at pamilya ko naman ang paglaanan ko ng oras. I will never be fine if I keep those painful memories haunt me forever.
Moving on is a difficult process and letting go is one of the hardest thing to do. Parehong hindi madali pero parehong kailangan para hilumin ang mga sugat ng kahapon.
Letting go doesn't mean you're weak to fight for it. We fight to hold on and we fight to let go. It hurts to let go but it hurts more to hold unto things na alam mong kailanman hindi na magbabalik.
Sabi nga nila diba, letting go creates space for something better and that's what I'm gonna do. Kung kayo, time will come that you will find your way back to each other's arm again. Sa ngayon ang kailangan ko muna ay mahalin ang sarili ko.
I want to stand and try living my life again kahit na hindi nalang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga taong nagmamahal sa akin.
Kaya naman ay maaga kong inayos ang sarili para magtungo sa kompanyang dating pinagtatrabahuan. Nagulat pa nga sila mama at papa pagkababa ko. Ngayon ko lang ulit sila nakasabay kumain ng breakfast. I told them about my plans at sinuportahan nila ako. They were happy for me.
For today, I'm gonna date Riza and leave work for good. I want to take a break muna and travel abroad. Sadly I have to let go of my work to create time for my dreams.
Pagkapasok ko palang ng office ay naabutan ko kaagad si Riza habang pinapagalitan ni Rein, ang spoiled brat na anak ng boss namin.
"Do you expect me to wear that ugly dress in my debut party?! The hell! Wag niyo ngang sayangin ang pinapabayad sa inyo ng mommy ko!" Nakatungo lang si Riza habang binubulyawan niya.
I looked at the dress, ito 'yong dinisenyo ko para sa kanya. Hindi ko ito natapos dahil sa nagleave nako sa trabaho kaya iniwan ko nalang kay Riza.
"Pasensya na po, aayusin ko nalang ulit." My friend apologized but her mouth wouldn't stop talking.
"Gusto ko rin sanang baguhin mo yung iba ko pang gowns. Masyadong common yung mga designs niyo." Pagrereklamo niya pa habang magkakrus ang dalawang kamay. Bumagsak lamang ang balikat ni Riza dahil sa sinabi nito. Knowing her, alam kong pinapatay na niya si Rein sa utak niya pero hindi niya lang pinapahalata.
"Ano?" Hindi na ako nakatiis pa kaya sumingit na'ko. Her demands are too impossible. May tumor ata siya sa utak eh. Bukas na yung debut niya and she wants to change every damn gown she'll be wearing.
BINABASA MO ANG
I Will Be Here For You (Completed)
Short StorySYNOPSIS Katrina Belmonte had almost nothing else to wish for. She's been blessed with almost everything; family, friends and a love of her life, Kiev Montecilla, her fiancé and the only guy she promised to spend her life with. Para sa kanya, wala n...