una sa lahat , bago ko i share ang knowledge ko sa pagsusulat ayun narin sa mga payo nga mga kaibigan ko manunulat na sina washi reyes , sir ricky lee , ni marco ng kilig republic , kay don ng abs cbn sports at etc etc lagi sinasabi nila,na ibahagi natin sa iba ang mga nalalaman natin ika nga share a blessing , wag maging maramot , so sana kapag binigay ko sa inyu ang tips na ito share nyu rin sa mga nangangarap sumulat , ang tips na ito ay batay sa mga naging karanasan ko at mga natutunan , ibinabahagi ko ito hindi para magyabang or magdunong dunungan , ako bilang katulad nyu writer , ay isang hindi rin perpekto at maraming pagkakamali , gusto kong ibahagi ito sa mga taong nangangarap na kagaya ko , at sana makatulong ito at balang araw sana makita ko ang mga libro nyu sa books store at magpapirma sa inyu ,good luck
ang pagsusulat ay isang mahabang proseso ng unti unti paglalakbay , ika nga mas matalino ang writer kaysa sa syentipiko at iba pang makadurog utak na paghahanap ng mga nakatagong bagay sa buong uniberso, mas mataas ang lawak ng utak ng imahinasyon ng isang writer kaysa pangkaraniwang matalinong nakasalamin at panay ngiwi at nagtataas ng kamay sa klase at sasagot ng mga bagay na batay sa scientific method or pilosopiya at hindi maarok ng pangkaraniwang utak ng tao , tulad ng ibang estyudyante kakamot kamot aantok antok at sasabhin tang inez anu daw
dapat kung magsusulat ka may lakas ka ng loob na harapin ang mga bagay ,panindigan mo ito at ipaglaban wag kang padudurog sa mga taong nagsasabi walang kang kwenta magsulat,wag mo hayaan patayin nila ang mga character mo , na parang mga anak muna , wag mo itigil ang pagbibigay sa kanila ng kapalaran nila ,,tandaan mo ang writer ang pinaka maraming rejection natikman kaysa mga heartbroken na hindi sinagot ng kanilang mga minamahal, pero wag na wag mo itatapon ang mga bagay na sinulat mo sa basurahan ,sagrado ang pagsusulat , pakinggan mo ang mga kritiko , mas piliin mo sila , dahil sinasabi nila ang totoo , tungkul sa sinulat mo, yan ang proseso ng pagunlad the more na may nakikita sila pangit sa sinulat mo the more na inaayos mo sya ayun sa paninidigan mo or gagawa ka ng pagkakataon sundin ang negatibong puna kung alam mo dapat nga ayusin pa ang mga obra mo ginawa, kung matatakot kang masaktan or mapuna sa obra mo at gusto mo lang yung puri ng puri sayu , ay itatak mo sa buwan , walang pagunlad na mangyayari sayu sa pagsusulat , hindi mo matutuklasan ang totoo kulay at buhay ng mga kwento dapat mo isulat , walang challenging at walang pagkilos , hindi magigising ang kaluluwa ng imahinasyon sa kaloob looban mo, mamatay at ibabaon mo ng matagal sa baul ang mga pangarap mo, kaya panindigan mo wag bitiwan ang pangarap mo na yan
Pagsisimula ng pagsusulat
panu ba sisimulan ang pagsusulat , una maging aware ka sa paligid mo, pakinggan ang bawat usapan , conversation etc etc wag lang pahalata baka makatikim ka ng suntok , always magdala ng maliit ng notebook isulat ang mga bagay na pwde mo magamit sa pagsusulat mo in near future
, magabasa ng magbasa , wag lang gagayahin ang binabasa , di ka man makasuhan ng panggagaya sa obra pinaghirapan ng iba , magiging wala kang kwenta manunulat , sabi ni sir ricky lee ang isang manunulat ay dapat gumawa ng sariling daan papunta quipo , ibig sabhin may sarili kang tema ng pagsusulat na ikaw lang at mga readers ang makakaalam , may originality at angat at kakaiba
gawin mo logic walang butas ang kwento , at gawin mo ito sa paraang , ginagamit mo ang puso mo at utak ituring mo tao ang mga character mo , nasasaktan , umiiyak at tumatawa , at nagkakamali gawin mo silang totoo tao , bigyan mo sila ng kanya kanya kapalaran, wag lang silang ikulong sa sarili mo paninidigan , bigyan mo sila ng kanya kanya disisyon sa tatahakin nila kapalaran, ang kwento kahit likha natin ay dapat may kakapulutang aral
ang pagsusulat ay ginawa hindi para , sumikat o magkapera
nung ininterview kami sa abs cbn , mga 500 na katao kami , di ko rin naman akalain tatawagan ako sa ginawa ko script na wala ako alam , first time kumbaga , nag email ako ng kwento larawan tapos ayun tinawagan ako , nung nakita ko si sir ricky lee , napakabait nya , habang naghihitay kami sa main building ng abs cbn , pinakain kami ng kahon kahon donuts , mga masasarap na macaroons etc etc , di sila nauubusan ng snack galing sa mga sponsor ng ibat ibang company
nung interview kami ng directors at mga executive at staff ng abs cbn , tinanong kami kung anu dahilan bakit kami ng nagsusulat
sabi ng isa babae katabi ko para sa fame , yung isa di katabaan mistisa para sa pera , nung ako na tinanong
sabi ko mam hindi dahil sa kasikatan or pera ang dahilan ng pagsusulat ko , ginawa ko magsulat para sa mga readers , bigyan sila ng kaligayahan , inspirasyon aral na tatak sa pusot isipan nila
sa madaling salita ginawa ko gumawa ng kwento may katuturan at may aral ,at mag bibigay ng inspirasyon sa mga tao , kung walang mambabasa wala manunulat
isang matamis na ngiti lang ang nakita ko sa mga staff na nandun sabi pa nila writer lang ang nakakakilala sa writer, at parang nakakahon lang ang mga writer na hindi kilala , pero iniicip ko hindi rin , hanggang sa nangyari na nga pagkalipas ng 3 taon sumikat sina denny at ibang co writer sa psicom na gold rising habang pansamantalang natigil ako sa pagsusulat dahil kailangan magtrbaho at magaral ng korean
nakita ko ang pagkainggit sa iba ko kasama writer laban sa mga sikat na writer sa gold , sabi ko hayaan natin ang bawat isa na tahakin ang gusto nilang landas may kanya kanya tayu pagpipiliian
kung itatago natin ang identity natin o ipapakita natin ang sarili natin sa madla
natutuwa ako umaangat na ang kalidad ng mga writer na filipino unlike ng panahon inaagawan tayu ng mga banyaga manunulat na libro , simula kay bob ong nagsimula ang mitsa ng pag angat ng aklat na para sa atin at sa mga gold rising at watpad writer , na parang mga bayani , pinaangat ang mga panulat na sarili atin sana tuloy tuloy na ito , nung napunta ako sa ust , tinatanung ko kung sya ba si bob ong kasi yung pananalita nya at kilos bob ong na bob ong anuman nagpapasalamat ako at tinuruan kami ni blank di ko sasabhin ang pangalan nya, bilang respeto at pagalang sa privacy nya
subukan nyu sumulat at piliin anu masa ba ang target nyu , , wag na wag kayu susuko kung narereject ang sinusulat nyu
ang elena ko , ay makailang beses na reject , tinignan ko ang pagkakamali at mga puna ng kritiko imbis na itapon ko sya , pinalawak ko at tinignan kung paano sya magkakabuhay at magiging kapanapanabik na basahin , hanggang sa ilaban ko sya sa writing contest sa psicom 2012, nanalo sya up sa 600 na writer na magagaling , top 5 , anu sikreto , di ako natakot sumubok di ako nagpadala sa takot na magagaling ang kalaban ko, basta nagsulat ako at ayun isa nya syang history ng mga books na na published at nasa national book store, pero hanggang nayun pinupuna parin ang elena ko dahil sa bitin daw ang istorya at may mga typo , pero para sa akin hindi na mamapansin ang maliit na pagkakamali basta ginawa ito ng tao malinis ang puso , hindi na rason ang mali yun , kaya kaibigan kung gagawa ka ng kwento , gawin mo ito mula sayung puso
marami pa ako sasabhin at mga tips kaso may pasok pa ako bukas sa kane , at nagaaral ako ng korean
mga basic at mga dapat gawin at paano sisumulan ang pagsusulat mga premisis mga plot , mga climax ,
mag comment lang po kayu kung gusto nyu pa , mag share ako ng ibang tips , para po sa mga writer dito baguhan gusto maging epektibong writer
pahabol gawin nyu po ipagpatuloy ang pangarap nyu , na kasama si god , gamitin nyu ang talino nyu na kasama yung gusto ni god i mean yung kung anu kalooban nya, mas matutuwa sya ginagamit nyu ang talino para sa kanya
god bless