Prologue

87 5 0
                                    

She didn't deserve all the pain that she's feeling right now! Iyan ang gustong ipagsigawan ni Nikki sa lahat ng taong dumating sa buhay niya at nanakit sa kanya. Lahat naman ay ginawa niya para mapaluguran ang mga taong iyon kabilang na ang mga magulang niya. Naging mabait siya, mapagbigay at halos hindi na niya intindihin ang sarili niya maibigay lang ang gusto ng mga ito pero walang nangyari, siya pa din ang nasasaktan sa huli. Palagi pa din siyang iniiwan. Palagi pa din siyang isinasawalang-bahala ng mga taong iyon pagkatapos makuha ng mga ito sa kanya ang gusto ng mga ito.

Sa paniniwala niya ay wala siyang ginagawang masama at iyon naman ang totoo kaya palagi niyang tinatanong sa sarili niya kung bakit siya iniiwan at ipinagsasalawang-bahala ng mga taong mahal na mahal at pinagkakatiwalaan niya. Maging ang mga magulang niya ay pinababayaan siya. Oo nga at binibigay ng mga ito ang lahat ng gusto niya, walang mintis pero hindi niya kailangan ang mga materyal na bagay na kayang ibigay ng mga ito. She wants to feel the love of her parents to her.

Kahit ang mga magulang lang niya ang magparamdam na mahal siya ng mga ito ay okay na sa kanya. Pero matagal na niyang inaasam iyon at pakiramdam niya ay hanggang pag-aasam na lang ang hinihiling niya. Kaya naman naisip niyang alisin lahat ng emosyong maaaring maramdaman ng isang tao. Paano niya gagawin iyon? Hindi niya alam basta ang gusto lang niyang mangyari ay huwag na sana siyang makaramdam ng kahit na ano hangga't maaari. Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang umasa na may mga taong dadating pa sa buhay niya na makaka-appreciate sa kanya. Na magmamahal sa kanya. Mas gugustuhin na lang niya ang mag-isa at sisiguruhin niya na kahit mag-isa lang siya, magiging masaya pa din siya. Darating ang araw na hindi na niya kakailanganin ang kahit na ano o ang kahit na sino para lang maging masaya siya. Para lang maging kuntento siya. She doesn't need those emotions especially... pain because it only makes her feel miserable. From now on, she will erase the love she's feeling for those people she cared and loved.

There's no such thing as Love... As true love. That is crap and I won't fall for that thing again. Ever.

I'm in love with the Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon